579 Paghahanda sa Sampal (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumagot si Jun Wu Xie: "Matapos kong umalis ng Spirit Healer faculty, maraming masasamang salita ang binata saakin. Kaya kung babalik ako, kailangan maunang malinis ang pangalan ko, bago ako tuluyang bumalik."

Saglit na natahimik si Gu Li Sheng at nabura ang ngiti sa labi. Ang hiya ay bumakas sa mukha nito.

Alam niya ang pinagdaanan ni Jun Xie sa Zephyr Academy. Iniisip niyang pabalikin si Jun Xie sa lalong madaling panahon. Ngunit hanggat hindi pa natatapos ang Spirit Healing Technique, ang paglantad sa tunay na pagkatao ni Jun Xie ay ikapapahamak lang nito.

Ang Spirit Healing Technique ay lubos na tinitingala at nirerespeto ng mga disipulo. Kung kaniyang inanunsyo na napaghusay ni Jun Xie ang Spirit Healing Technique, kahit ano pang sabihin niya, hindi siya ganon kadaling papaniwalaan. Maaaring mababawasan ang mga salitang binabato kay Jun Xie ngunit makakaakit iyon ng atensyon ng may labis na interes sa technique. Pagkakaguluhan ng mga iyon si Jun Xie at hihikayatin ito.

At sa mas malala ng sitwasyon, kung mayroong may masamang intensyon dito, hindi niya lubos maisip kung ano ang posibleng mangyari kay Jun Xie.

Masyadong nakakatukso ang Spirit Healing Technique para sa mga tao, at hindi sila pwedeng hindi mag-ingat.

Walang maisip na gawin si Gu Li Sheng dahil sa kaniyang nakikitang wala pang balak na bumalik si Jun Xie sa Spirit Healer faculty.

Ngunit ang kumakalat na akusasyon kay Jun Xie ay labis niyang pinag-alala.

"Sinisiguro ko." Huminga si Gu Li Sheng at tumayo. "Sisiguraduhin kong makakabalik ka ng Spirit Healer faculty ng maayos. Sinisiguradong kong ang mga binatang sa'yo ay mabubura. Ipaubaya mo na saakin iyon. Ako ang bahala."

Tumango si Jun Wu Xie bilang pagsang-ayon. Ang mga salitang iyon ni Gu Li Sheng ang mga bagay na kailangan niyang marinig.

Kapag naghiganti si Jun Wu Xie, hindi lang nito intensyon ang linisin ang kaniyang pangalan.

Ang gusto nitong mangyari ay bigyan ng sampal ang mga hangal sa harap mismo ng mga disipulo ng Zephyr Academy!

Mas kalugod-lugod iyon!

"Bukas. Aayusin ko bukas. Pangako, hantayin mo lang." Pagbitaw ng pangako ni Gu Li Sheng.

Yumuko si Jun Wu Xie.

Bukas?

Ayon sa sinabi ni Fan Jin, darating ang Rui Lin Army dito sa susunod na araw. Mainam nga kung bukas, para maisaayos niya na ang kaniyang plano.

"Sige." Muling tumango si Jun Wu Xie. Pagkatao nito, may inilapag itong balumbon sa mesa ni Gu Li Sheng saka tuluyang umalis.

Dinampot iyon ni Gu Li Sheng at sa unang tingin niya pa lang, nanlaki na ang kaniyang mga mata at halos hindi makahinga.

Ang bawat karakter na nakasulat doon ay nanuot sa kaniyang puso.

Iyon ang method para sa Spirit Healing Technique at isinulat iyon sa paraang madali itong maiintindihan!

"Jun Xie, labis mo akong pinapahanga. Ang batang ito...ay talaga ngang napakahusay!" Binasa niya ang lahat ng naroroon sa isang upuan lang. Tuwang-tuwa itong nakasandal sa kaniyang upuan.

Siya ay nakatagpo ng taong walang katulad!

Pagkalabas ni Jun Wu Xie sa opisina ni Gu Li Sheng, dirediretso itong lumabas ng Spirit Healer faculty building. Nakita naman siya ng ilang disipulo ng Spirit Healer faculty, para nilang sinasaksak si Jun Wu Xie sa paraan ng kanilang pagtitig.

Hindi sumikat si Li Zi Mu sa Spirit Healer Faculty at dahil iyon sa lantarang pagpapakita ni Gu Li Sheng ng pagkapaborito dito. Kaya naman namuo ang inggit kay Li Zi Mu. Ngunit hindi iyon sapat para kalimutan ang pumatay kay Li Zi Mu.

avataravatar
Next chapter