webnovel

Paghahabol sa Kandidato (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sunod-sunod na naglakad paharap ang mga taga-Twelve Palaces para imbitahan si Jun Wu Xie. Hindi na nila nagawang manahimik, inilahad nila ang kanilang intensyon sa harap ng lahat. Sa isang kisapmata lang, nakatanggap si Jun Wu Xie ng imbitasyon sa lahat ng palasyo mula sa Twelve Palaces.

Ngayon lang nangyari ang ganitong sitwasyon.

Gulat na gulat ang siyam pang kandidato sa nangyayari. Buong akala nila ay mainit silang tatanggapin ng Twelve Palaces. Nang makita nilang naglakad palapit ang mga taga-Twelve Palaces, buong akala nila ay sinuswerte na sila. Subalit ang lahat pala ng swerteng iyon ay para kay Jun Wu Xie lang.

Subalit maraming palasyo ang humahabol sa iisang kandidato lang. Handa ang bawat Elder ng Twelve Palaces sa pagkumbinsi kay Jun Wu Xie. Halos gusto na nilang iluklok sa putik ang iba pang palasyo para magmukha silang mas malakas.

Mas lalong umiinit ang pagtatalo, mas lalong napupuno ng inggit ang iba pang mga kandidato. Nasasaksihan nila kung paano kumbinsihin ng mga ito si Jun Wu Xie at tila sila nawalan ng saysay na nakatayo lang doon. At doon nga sila nakaramdam ng pagkamuhi kay Jun Wu Xie. Ngunit hindi sila nangahas na galawin si Jun Wu Xie sa harap ng Twelve Palaces.

Nakangiti naman si Su Jing Yan habang pinapanood ang Twelve Palaces na nagpapagalingan. Doon ay naglakad siya patungo sa tabi ni Jun Wu Xie: "Bata, napakasikat mo ata."

Ang bawat palasyo sa Twelve Palaces ay nagpadala ng kani-kanilang mga Elder. Dito makikita kung gaano nila pinag-aagawan ang Spirit Reinforcement. Hindi na mahalaga kung sino ang pipiliin ni Jun Wu Xie, bagkus isa lang ang sigurado, ang labing-isang hindi mapipili ay paniguradong maiinis.

"Hindi nakakatuwa ang habul-habulin. Kahit alin pang palasyo ang piliin mo, bago ka tuluyang tanggapin doon, kailangan mo munang mag-cultivate sa Cloudy Brook Academy. Kung mabibigo mo ang ilang palasyo, mukhang mahihirapan ka doon sa loob." Saad ni Su Jing Yan. Kilala ang Twelve Palaces bilang mga taong hindi marunong magpatawad. Kung hindi nila makukuha ang isang bagay, sisiguraduhin nilang hindi rin iyon makukuha ng iba.

Ngunit sa buong Middle Realm, tanging si Jun Wu Xie lang ang may kakayahang gamitin ang Spirit Reinforcement. Walang ibang makakagawa noon kahit man lang malapit na pagkakahawig sa Spirit Reinforcement.

Tumingin naman si Jun Wu Xie kay Su Jing Yan, hindi niya alam kung sadyang mabait ito o talagang naaaliw lang ito sa nangyayari.

"Hindi mo kailangang tumingin sakin ng ganyan, sinasabi ko lang kung anong naiisip ko." Pagpapatuloy ni Su Jing Yan habang nakangiti. Hindi mabakas sa mukha nito ang tunay nitong nararamdaman.

"Pero kung ako sa'yo, Pipiliin ko ang Palace of Flame Demons. Gayong ang Twelve Palaces ay hindi nalalayo ang pagkakaiba sa kanila, kung sa lakas lang, siguradong mas mahigit ang Palace of Flame Demons. Kaya mas mainam kung sa Palace of Flame Demons ka mapunta. Habang nasa Cloudy Brook Academy ka pa lang, ang iba pang pinili ng Palace of Flame Demons sa Battle of Deities Grand Meet ay uutusan nilang bantayan ka. At wala silang magagawa kundi sundin iyon. Hindi ba't mas maganda?" Suhestiyon ni Su Jing Yan.

Hindi na muling nagsalita pa si Su Jing Yan. Tila kakaiba ang pinapakita ng Nine Palaces ngayon.

Sa Twelve Palaces, ang Palace of Flame Demons ang pinakamalakas. Ngunit hindi gusto ni Jun Wu Xie ang ideyang iyon. Kahit kailan ay hindi niya pipiliin ang Palace of Flame Demons.

Walang ibang dahilan kundi dahil sa isinumpa niyang paghihiganti noong siya ay nasa Cloudy Peaks.

"Kung talagang malaya ang Heavenly Wolf Temple, pipili rin ba kayo ng kandidata?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Bahagyang nagulat si Su Jing Yan at tumingin kay Jun Wu Xie. Ngunit agad naman itong nakabawi at tumawa.

"Ano? Munting bata, huwag mong sabihin na gusto mong sumali sa Heavenly Wolf Temple?"

"Hindi ako interesado." Sagot ni Jun Wu Xie habang isa-isang tinitignan ang mga taga-Twelve Palaces. Naisip niyang mataga-tagal nang nag-iiringan ang mga ito. 

Next chapter