1519 Paghahabol sa Kandidato (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi masyadong nabahala si Jun Wu Xie sa Twelve Palaces.

Nagpatuloy si Jun Wu Xie sa pagpapakitang-gilas araw-araw sa Innate Gift Competition. Habang nagpapatuloy ang Battle of Spirits Grand Meet pataas din ng pataas ang rank ni Jun Wu Xie sa kompetisyon. Samantala, kila Qiao Chu ay ganoon din ang siste, walang kahirap-hirap na nakakapasok sila sa susunod na mga round. Hindi pangkaraniwan sa Middle Realm na ang isang binata ay naabot na agad ang Purple Spirit.

Dahil siguro sa banta ni Su Jing Yan sa Twelve Palaces kaya nakaramdam sila ng pressure. Kaya hindi na rin naramdaman ni Jun Wu Xie ang pagsunod-sunod sa kaniya ng Twelve Palaces.

Mabilis na dumating ang huling araw ng Battle of Deities Grand Meet. Iyon din ang araw na itatanghal kung sino ang mga nanalo.

Hindi isa-isa ang pagtatanghal sa mga nanalo, walang first o second rank. Sa halip ay isang grupo silang itatanghal. Sila ang top ten kung saan mamimili sa kanila ang mga taga-Twelve Palaces.

Sa huling araw ng kompetisyon, kaunti na lang ang tao sa Innate Gift Competition. Karamihan sa mga kabataang sumali ay nagpasyang umalis na pagkatapos ma-elimina. Para sa mga na-elimina bago pa man matapos ang kompetisyon, kung sakaling nakuha nila ang interes ng Twelve Palaces, sila ay makakatanggap ng imbitasyon sa mismong araw na sila ay na-elimina. Kung gayon, maaari silang manatili sa Mount Fu Yao. Para naman sa mga hindi talaga pinalad, wala silang ibang magagawa kundi mag-empake at umalis.

Sa tuktok ng Mount Fu Yao, ilang daan na lang ang taong natira doon. Kumpara sa unang araw ng kompetisyon, ngayon ay mas tahimik na ang bundok.

Bilang isa sa mga nanalo sa Innate Gift Competition, nanatili hanggang dulo sina Jun Wu Xie at ang siyam pang nanalo. Nang sa wakas ay matapos na ang kompetisyon, walang mapagsidlan ang galak sa siyam na nakasabay ni Jun Wu Xie. Kapag ikaw ay isa sa mga nanalo, siguradong makakatanggap ka ng imbitasyon mula sa Twelve Palaces.

Tahimik na nakatayo si Jun Wu Xie sa gilid, walang bakas ng kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha. Kumpara sa siyam na umiiyak na sa sobrang galak. Kaya naman ganun na lang ang gulat ng siyam sa reaksyon ni Jun Wu Xie.

Ang mga disipulong nakatanggap ng imbitasyon mula sa Twelve Palaces ay nakatitig kay Jun Wu Xie na may halong inggit. Kahit na sila ay nakatanggap ng imbitasyon, iba pa rin kapag isa ka sa mga nanalo at hindi na-elimina sa kompetisyon.

Ang buong venue ay sampung kabataan na lang ang natira.

Pagkalipas ng isang buwang kompetisyon para sa Battle of Deities Grand Meet, sa wakas ay nagbukas na ang mga pribadong silid sa ikalawang palapag!

Mahigit sa dalawampung tao ang lumabas mula doon at humarap kila Jun Wu Xie. Biglang bumigat ang pakiramdam sa paligid sa mga oras na iyon.

Sa bawat pribadong silid ay dalawa o tatlo ang lumabas. Matalas ang palitan nila ng mga tingin.

Agad na namula dahil sa pag-aalala at kaba ang mga kabataan nang kanilang makita ang mga taong ito. Ito na ang pinakahihintay nilang pagkakataon. Ang mga taong ito ang dahilan kung bakit sila nakipagtagisan ng galing para maging elites ng Twelve Palaces!

Subalit si Jun Wu Xie sa isang tabi ay nanatiling kalmado. Nakababa ang kaniyang tingin para lihim na mag-obserba sa mga taga Twelve Palaces ng hindi napapansin. 

Nunca ay napagtanto niyang labindalawa sa mga ito ay nasa Purple Spirit third stage na!

avataravatar
Next chapter