534 Paghabol sa Pagdurusa (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Fan Zhuo naman ay malugod pa rin itong tinanggap. Animo'y hindi nito napansin ang pakikitungo sa kaniya ni Yin Yan. Pinatuloy nito ang dalawa para mag-tsaa.

Saglit na umupo si Ning Xin, ngunit nang hindi niya makita si Jun Xie, nagsimula itong mabahala at sinabing: "Bakit wala si Little Xie dito?"

Agad namang sumagot si Fan Zhuo: "Tingin ko ay nasa kaniyang silid."

"Gusto ni Little Xie ng katahimikan. Nakasama ni Little Yan si Little Xie, namimiss niya si Little Xie." Nakangiting saad ni Ning Xin at sumulyap kay Yin Yan. Nanigas naman ang ekspresyon sa mukha ni Yin Yan, halatang nag-aatubili ito. Subalit nang kaniyang maalala ang mga utos ni Ning Xin kanina, wala siyang magawa kundi ang sumang-ayon.

"Mmm."

Hindi siya tumira kasama si Jun Xie noon. Ang unang gabi noong matanggap si Jun Xie sa academy noon ay hindi na bumalik sa dorm si Yin Yan. Nang siya ay bumalik, nakalipat na si Jun Xie.

Masasabing bukod sa unang beses silang makita nito, hindi na kailanman nakita ni Yin Yan si Jun Xie sa dormitoryo.

Tumawa lang si Fan Zhuo at hindi sumagot.

Ginawa naman ni Ning Xin ang lahat para imbitahan ni Fan Zhuo si Jun Xie ngunit parang hindi naman iyon nakukuha ni Fan Zhuo. Ngumiti lang ito dito at iniba ang usapan.

Mas lalong nababahala si Ning Xin ngunit hindi siya nangahas na ipahalata ang kaniyang tunay na intensyon.

Mas lalo naman iyong nagpagalit kay Yin Yan. Siya ay napipilitang masaksihan ang pakikitungo ni Ning Xin kay Fan Zhuo, dahilan para mabasag ang kaniyang puso.

Ilang oras ang lumipas bago sa wakas ay nagpakita si Jun Xie. Nakahinga naman ng maluwag si Ning Xin at Yin Yan.

"Little Xie." Nang makita ni Ning Xin si Jun Xie ay agad itong ngumiti at lihim na siniko si Yin Yan. Matigas naman ang mukha ni Yin Yan nang kaniyang makita si Jun Xie. Ang kaniyang isip ay puno ng eksenang kaniyang nasaksihan sa Battle Spirits Forest. Para namang mahigpit na itinitikom ang kaniyang bibig kung kaya't nangingitim na ito.

Sumulyap si Jun Wu Xie kay Ning Xin at dumiretso nang umupo sa isang silya. Narinig naman ang mga yabag ni Lord Meh Meh na nakasunod dito. Nang makita nito si Ning Xin at Yin Yan ay natigilan ito.

Naalala nito ang dalawang taong nasa kaniyang harapan. Ang mga ito ang umistorbo sa kaniyang pamamahinga.

"Meh!"

[May mga masasamang tao dito!]

Nagdilim ang anyo ni Yin Yan nang kaniyang tignan ang maliit na tupa na galit na nakatingin sa kaniya. "Ito ang Spirit Beast na dala ni Little Xie galing sa Battle Spirits Forest? Ito ay...kaibig-ibig."

Dahil hindi talaga magawang magustuhan si Jun Xie, iniba na lang ni Yin Yan ang usapan.

"Little Meh, halika." Ni hindi man lang tinapunan ni Jun Xie ng tingin si Yin Yan. Lumapit naman si Lord Meh Meh. Kinarga ni Jun Wu Xie ang tupa at patuloy iyong tumingin ng masama kay Yin Yan.

[Masamang itlog!]

"Ehem, Little Xie, kailan mo balak bumalik sa dormitoryo?" Tanong ni Yin Yan. Dahil sa kaniyang nasaksihan sa Battle Spirits Forest, hindi na ito nangahas na magpakita ng kasamaan kay Jun Xie.

Nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie at pinanuod si Yin Yan na mamilipit sa kaniyang mga titig. Matapos ng ilang segundo nagsalita si Jun Wu Xie:

"Sino ka?"

Nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Yin Yan dahil sa sinabing iyon ni Jun Xie.

Nabigla din si Ning Xin. Hindi niya inaasahang hindi kilala ni Jun Xie si Yin Yan.

Paano nangyari 'yon?

Hindi ba't kaya siya pinagsusupladuhan ni Jun Xie ay dahil kay Yin Yan? Bakit hindi nito kilala si Yin Yan?

"Little Xie, hindi mo ba nakikilala si Yin Yan? Siya ang kasama mo silid noong ikaw ay nasa dormitoryo." Pilit na ngumiti si Ning Xin. Maingat nitong inobserbahan ang reaksyon ni Jun Xie.

avataravatar
Next chapter