533 Paghabol sa Pagdurusa (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Agad na nahanap ni Fan Jin si Gong Cheng Lei at ang mga sagot na nakuha niya dito ay lubos na nakapagpagulat sa kaniya.

Nalaman niyang tinutulungan ni Ning Rui si Fan Qi na humanap ng gamot at madalas na binibisita ni Ning Rui ang personal na kusina ni Fan Qi. Nang kaniyang alalahanin ang hula ni Jun Wu Xie, kailangang ikonsidera ni Fan Jin ang posibilidad na iyon kahit pa labag sa kaniyang kalooban.

Pinanganuhan ni Ning Xin ang pagtatangka sa kaniyang buhay at ang ama nito ay posibleng ang salarin sa pagkain ni Fan Zhuo.

Gulat na gulat si Fan Jin at parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi niya lubos maisip na ang dalawang taong kaniyang pinagkakatiwalaan at itinrato nang pamilya ay nagbabalak na patayin sila ni Fan Zhuo.

Mabigat ang kalooban ibinahagi niya ang kaniyang nalalaman kay Jun Wu Xie at Fan Zhuo ang kaniyang nalalaman.

Kailangan niya ng panahon para tuluyang maproseso ang kaniyang nalaman ngayong araw.

"Sobrang naapektuhan talaga siguro ang aking kapatid." Saad ni Fan Zhuo habang pinapanuod ang kaniyang papalayo nang kapatid.

Si Jun Wu Xie ay nakaupo sa isang upang gawa sa kahoy at si Lord Meh Meh ay masaya ng kumakain ng damo sa kaniyang paanan.

"Darating at darating talaga ang oras na kailangan mong gumising sa iyong panaganip." Sagot naman ni Jun Wu Xie habang karga ang itim na pusa sa kaniyang bisig.

Laging ganito ang pagkatao ni Fan Jin. Lagi nitong pinapaganda ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid. At dahil doon, lagi itong masaya at positibo sa buhay. Kahit na ang usap-usapan tungkol kay Jun Xie ay dumamay sa kaniyang pangalan, wala itong pakialam at dinipensahan pa rin si Jun Xie.

Ang ganong personalidad ay parehong mabuti at masama.

Sa panahon ng kapayapaan, ang mga ganong klase ng tao ay lubos na igagalang, ngunit sa panahon ng panganib, sila ang mga taong madaling patayin.

"Anong dapat gawin ng kapatid ko? Ang personalidad ng aking ama ay katulad ng sakaniya. Hanggat wala siyang nakikitang patunay, hindi siya maghihinala." Nakahanap ng malilim na parte si Fan Zhuo para doon umupo. Parang nawawalan na ito ng pag-asa kung paano lutasin ang sitwasyong ito. Kung hindi dahil sa mapagtiwalang ugali ng mga ito, nadiskubre na nila noon pa ang mga ginagawa ng mag-amang Ning.

"Maghintay na lang tayo." Ayaw ni Jun Xie na makisali ng sobra.

Wala sa kaniya kung ano ang magiging reaksyon ng mag-amang Fan, napagdesisyunan niyang basta alam niya ang kaniyang gagawin, tama na iyon.

Ngumit si Fan Zhuo at tumingala sa kalangitan.

Nang muling bumisita si Ning Xin sa kakahuyan, nakangiti pa rin si Fan Zhuo. Ngumiti rin ito sa binatang nasa likuran ni Ning Xin.

"Kuya Zhuo, ito si Yin Yan na taga-Spirit Healer faculty. Siya ang kasama sa silid ni Little Xie noon at parang namimiss niya daw si Little Xie dahil matagal na rin nang huli niya itong makita. Kung kaya naman ay sinama ko siya dito. Sana ay hindi namin kayo naiistorbo." Nakangiting saad ni Ning Xin. Matapos siyang mapagsupladahan noong huli siyang pumarito, kinailangan niya ng dalawang araw para makabawi bago siya muling pumarito.

Ngayon, isinama na nito si Yin Yan at klarong-klaro ang gusto nitong mangyari ngayon.

Natural naman na ngumiti si Fan Zhuo ngunit ang ekspresyon sa mukha ni Yin Yan ay madilim habang nakatitig kay Fan Zhuo. Halatang-halata ang poot sa mga ito.

Ang bali-balitang takdang pagpapakasal ni Ning Xin kay Fan Zhuo ay kumalat noon sa Zephyr Academy. Ngunit dahil bihira nalang makasalamuha ni Ning Xin si Fan Zhuo, nawala na ang usapang iyon at nakalimutan na ng mga tao. Matagal nang may pagtingin si Yin Yan kay Ning Xin at gustong-gusto nitong mabihag ang puso ng dalaga. Ngunit ngayon, dinala siya rito para makaharap si Fan Zhuo kaya naman ito ay labis na nasasaktan at hindi niya magawang ngumiti sa taong nasa kaniyang harapan.

Tinignan nito si Fan Zhuo Mula ulo hanggang paa at lihim na humahalakhak ang kaniyang kalooban.

Ano siya? Siya ba ang anak ng Headmaster? Siya pa rin ay hindi maipagkakailang basura na ang isang paa ay nasa pinto na ng kamatayan. Ang isang lalaking malapit nang mamatay ay hindi karapat-dapat kay Ning Xin!

Inignora nito si Fan Zhuo sa kaniyang puso at ang mukha nito ay hindi man lang nagpakita ng kahit kaunting pagrespeto. Ang poot nito ay lantaran nitong ipinapakita.

avataravatar
Next chapter