1188 Pagbati, aking Mistress (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bahagyang ngumit ang red robed man at sinabi: "Ang Mistress ay talaga namang mapang-

unawa. Ako na nasa ganitong anyo, ay nagawa mo pa rin mahulaan ng tama." Matapos

sabihin iyon, ag kaniyang mata ay naningkit at sa matinding amoy na iyon sa hangin, ay

sinubukan niyang hanapin ang isang bahagyang bakas ng eleganteng amoy.

"Tingin ko, ay hindi ako ang unang ring spirit ng Mistress. O dapat ko bang sabihin… hindi ako

ang una mong plant ring spirit."

[Ang bahagyang amoy ng lotus, ay pamilyar sa kaniya at hindi siya magkakamali na makilala

iyon!]

"Alisin mo ang amoy mong iyon!" Nakasimangot na sabi ni Jun Wu Xie. Inihanda na noon ni

Jun Wu Xie ang kaniyang sarili sa ganitong pangyayari, na maaaring may ikalawang ring spirit

na magpakita, ngunit hindi niya inakala na mangyayari iyon matapos niya mahawakan ang

Soul Jade.

Ngunit kung iisiping mabuti, ay nahuhulaan ni Jun Wu Xie ang dahilan sa likod niyon.

Ang Devious Wyvern ay nagbukas ng pintuan sa Spirit World at ang Soul Calming Jade na

mayroong epekto sa mga spirit bodies na umaktong katalista, na naging dahilan kung bakit

ang ikalawang ring spirit ay biglang lumitaw sa sandaling iyon.

Ngunit hindi inasahan ni Jun Wu Xie na ang tunay na anyo ng ring spirit, ay maaaring maging

sa flower of evil!

"Hindi gusto ng Mistress ang amoy na lumalabas sa akin?" Bigla ay bumakas ang kalungkutan

sa mukha ng red robed man.

"Kung hindi iyon magiging dahilan para manghina ang mga paa ng mga buhay, sa palagay ko

ay hindi ako tututol." saad ni Jun Wu Xie sa malamig na boses.

Sa nakaraan niyang buhay, ay may nakadaupang-palad na siyang isang uri ng evil flower. Ang

anyo ng flower na iyon ay nagdala ng walang hanggan na kamatayan at kasamaan. Matapos

niyang mailuwal muli sa mundong ito, ay hindi siya nakakita ng ganoong halaman dito at

naisip niya na walang ganoon sa mundong ito, ngunit hindi niya inaasahan…

[Mayroon dito, at nasa anyo pa ito ng isang plant ring spirit!]

Gulat ang bumakas sa mata ng red robed man, hindi niya naisip na madidiskubre ni Jun Wu xie

ang lihim na epekto ng kaniyang amoy sa sandaling panahon lamang. Ito ang unang

pagkakataon na nangyari ang ganito sa kaniya.

"Wu Xie… Ang sabi mo ay ang amoy na iyon ang naging dahilan kung bakit nanghina ang

aming katawan?" gulat na tanong ni Jun QIng. Kanina pa niya iniisip kung bakit sa walang

kadahilanan, bigla ay hindi niya magawang tawagin lahat ng kaniyang lakas.

Tumango si Jun Wu Xie at ang tingin niya ay nagbalik sa red robed man.

Ngumiti ang red robed man, at balewalang nagkibit-balikat, itinaas niya ang kaniyang kamay

at bahagyang hinaplos ang kaniyang manggas. Ang amoy na kumalat sa buong silid ay

tuluyang naglaho sa sandaling oras lamang!

Kasabay nang paglaho ng amoy, si Jun Qing at ang iba pa ay naramdaman na nanunumbalik na

ang lakas sa kanilang mga katawan!

Tumayo si Jun Wu Xie, at bagama't ang kaniyang mukha ay namumutla pa rin, ang kaniyang

mga mata ay hindi nagpakita ng kahit kaunting kahinaan.

"Tila ang iyong lingkod ay nagkamali ng akala tungkol sa iyo. Naisip ko na nakakilala ako ng

isang bata at ignoranteng Mistress, hindi ko inaasahan na ang ang Mistress ay magbibigay sa

akin ng isang malaking sorpresa. Walang duda, ikaw nga ang aking Mistress…" Ang red robed

man ay walang kabuluhan na naglakad patungo kay Jun Wu Xie, at inunat ang kaniyang kamay

inisip na hawakan ang pisngi ni Jun Wu Xie.

Nagsalubong ang kilay ni Jun Wu Xie at akmang sasalagin iyo ng isang sinag ng liwanag ang

biglang kumislap sa pagitan ni Jun Wu Xie at ng red robed man!

Isang munting anyo ang biglang lumitaw sa harapan ni Jun Wu Xie at napakabilis ng kilos, ang

red robed man na malapit na kay Jun Wu Xie ay naitulak palayo!

"Huwag mo hawakan ang aking Mistress!!!]

Galit na galit, si Little Lotus ay nagmamadaling lumabas, ang ekspresyon sa maputi at

matabang mukha nito ay galit at kaba habang iwinawasiwas niya ang maiksing mga kamay sa

kaniyang harapan, upang itulak ang red robed man palayo kay Jun Wu Xie, tila ang

pagkakalapit nito kay Jun Wu Xie ay lalapastangan sa kaniyang Mistress!

avataravatar
Next chapter