631 Pagbalik sa Chan Lin (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tahimik na lumipas ang mga araw, at dalawang linggo na ang lumipas. Maliban sa pagpunta sa pakultad ng mga Spirit Healer para ipaliwanag kay Gu Li Sheng kung paano pa mas pagagandahin ang pamamaraan ng Spirit Healing, karamihan sa kanyang oras ay nagamit sa paggawa ng elixir sa aserang kawayan. Bagaman ang dinala sa kanyang gasera ni Ye Mei ay maliit tignan, kapag binuksan lang ito makikita ang mga tagong tampok nito. Sa labas, mukha itong maliit at hindi magagamit para gumawa ng maraming elixir, ngunit napakaluwag ng looban nito at maikukumpara sa cosmos sack.

Kaya nitong gumawa ng daan-daang elixir sa isang beses. Hindi rin ito kailangan ng apoy, iinit ito ng magisa basta't ilagay ang mga elixir sa loob.

Sa pagalis ni Jun Wu Yao, naghatid ulit si Fan Qi ng pagkain sa asera mula sa kusina niya. At sa dalawang linggong iyon, walang napansing kakaiba si Jun Wu Xie sa mga dumating na pagkain.

Ang katotohanang ang salarin ay tumigil na sa paglason kay Fan Zhuo ay nakapag-engganyo kay Jun Wu Xie.

Bagaman wala silang ebidensya, si Jun Wu Xie at Fan Zhuo ay nakatitiyak na ang salarin ay si Ning Rui, at wala nang iba.

"Posible bang ang pagkamatay ni Ning Xin ay mabigat para sa kanya?" Sinubukang magrason ni Fan Zhuo, habang nakaupo. Hindi mapapansin si Ning Rui sa Akademya, at madalang lang lumalabas sa kanyang opisina. Kahit dati, laging kasabay ni Ning Rui kumain si Fan Qi, ngunit matapos ang kamatayan ni Ning Xin, natigil rin iyon.

"Ang lalaking handang iwan ang kanyang anak ay walang mahinang loob." Maingat parin si Jun Wu Xie. Ang pagkamatay ni Ning Xin ay nakakatakot at nakakasugat, ngunit nagpigil si Ning Rui sa buong pangyayari, at hindi nagmakaawa para sa buhay ni Ning Xin.

Halata, na sinuko na ni Ning Rui si Ning Xin.

Kaysa isipin na nagluluksa parin si Ning Rui, mas iisipin niyang sinasadya niyang itago ang kanyang presensya.

Matapos ang lahat, malaki parin ang kasalanan ng kanyang anak. Matapos itong ihayag sa harap ng mga disipulo ng akademya, kahit na wala siyang ginawa para tumulong sa mga ito at hindi masisisi, hindi niya pwedeng baguhin ang pagtingin ng iba sa kanya.

"Pupunta tayo sa Chan Lin." Biglaang sinabi ni Jun Wu Xie.

Napatigil si Fan Zhuo ng sandali: "Gusto mong pumunta sa Heaven's End Cliff?"

Tumango si Jun Wu Xie.

"Walang problema. Patapos na siguro ang mga gamit ko sa lutuan. Pagdating natin sa Chan Lin, bigyan niyo ako ng ilang araw para gawan kayo ng mga bagong spirit ring bago tayo pumunta sa Heaven's End Cliff. Kilala nga naman ang lugar na iyon na napakadelikado at kailangan natin ng lakas." Sabi ni Fan Zhuo.

Ang pagtanggap lang sa mga kayamanan ng Emperador ng Kadiliman, ang makakapagbigay sa kanila ng kapangyarihang labanan ang Labing-dalawang Palasyo!

Ilang araw ang lumipas, tinipon ni Jun Wu Xie sila Qiao Chu at naglakbay papunta sa Chan Lin. Dahil hindi ito araw ng pagpahinga sa Akademya, mas tahimik ang Chan Lin kaysa nung huli silang nandoon. Ang Pangunahing kalye ay mayroon lang ilang puwesto, at ang dating ingay ay wala roon.

Nagsuot sila Jun Wu Xie ng pangkaraniwang damit para hindi mag-akit ng atensyon.

Matapos makita ang kanilang tutuluyan at magpahinga, pumunta si Rong Ruo at Fan Zhuo sa panday para kunin ang Black Silver.

Sa kabila naman, nagpunta si Jun Wu Xie at iba sa tirahan ni Mu Qian Fan.

Nanirahan si Mu Qian Fan sa malayong sulok ng bayan. Ang mga bahay doon ay simple at ungas, at ayon sa direksyong binigay sa kanila ni Mu Qian Fan, dumating sila sa isang luma at sira=sirang maliit na bahay, at kumatok si Qiao Chu.

Ilang sandali lang, bumuka ang sira-sirang pinto.

Nakabalot si Mu Qian Yuan sa mga bendahe. Nang makita niya si Jun Wu Xie, nagliwanag ang kanyang mga mata.

avataravatar
Next chapter