655 Pagbabayad (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang maliit na itim na pusa…..

ay may.. kakayahang kumain ng ring spirits!

Paano naging posible iyon?!

Isang hindi nababalitaang pangyayari ang naganap sa harap nila! Ni hindi nila iniisip na posibleng mangyari ang isang katakot takot na tulad nito.

Pinanood nilang matinding paghihirap ng kanilang kasamahan, pati narin ang ring spirit nitong onti-onting kinakain ng itim na pusa. Hinigop ang lahat ng lakas ng kanilang binti at sila'y nanginig ng husto.

Ang paglabas ng isang Guardian Grade Spirit Beast ay nagtulak sakanila sa desperasyon at ang walang awang kilos ni Jun Wu Xie at ang di kapanipaniwalang kakayahan ng maliit na itim na pusa ay halos ikabaliw nila. Nanalangin sila sa kalangitan ng buong puso, na hindi nila maranasan ang naranasan ng kanilang mga kasama.

Sa pagisip palang na pwersahang kunin sakanila ang kanilang mga ring spirit ay sapat na para magpadala ng panginginig sa kanilang mga buto!

Matapos lamunin ang weapon spirit, hindi parin nakuntento ang maliit na itim na pusa at ito'y tumingin sa ibang mga ring spirit na nasa buntot ni Lord Meh Meh at dinilaan niya ang labi niya.

"Kaya mo pa?" Napansin ni Jun Wu Xie ang pagtingin ng kanyang pusa bago siya kalmadong nagtanong.

"Meow!"

[Kahit mamatay ako sa kabusugan, uubusin ko tong buong grupo ng mga walang dangal na ring spirits!]

[Hindi ba't nasiyahan sila sa paghabol sakin kanina? Bumaliktad na ang takbo ng pangyayari at ngayo'y maghihigante ako!]

Tumungo si Jun Wu Xie, sinenyasan si Lord Meh Meh na pakawalan ang isa pang beast spirit sa kanyang buntot.

Nabugbog na ng husto ni Lord Meh Meh ang beast ring spirit na ito kaya't hinang hina na siya. Nang ibato ni Lord Meh Meh ang ring spirit sa lapag, hindi ikaw makagalaw at hindi na makita ang bangis niya noong hinahabol niya ang itim na halimaw at si Mu Qian Fan kanina.

Tumalon ang pusa mula sa balikat ni Jun Wu Xie at nagibang anyo sa isang malaking itim na halimaw. Dahan dahan itong naglakad patungo sa nanghihinang beast spirit, at ito'y yumuko ng nakanganga bago kumagat ng isang malaking piraso sa kanyang katawan!

Sabay ang pagsigaw ng nakakumpol na mga lalaki sa pagputol ng katawan ng kinakaing beast spirit ng itim na halimaw.

Napakapit sa dibdib ang nagmamayari ng beast spirit na iyon, halos mapasipa sa sakit na nararamdaman niya.

Tinitigan lamang siya ni Jun Wu Xie, tila walang paki at walang awa sa kanyang mga mata.

Kung nahuli siya ng ilang sandali, maaring ang namatay ay si si Mo Qian Fan!

Matapos lamunin ng itim na halimaw ang dalawa pang beast spirits, hindi na ito makalunok pa ng isang kagat. Naglakad ito pabalik sa tabi ni Jun Wu Xie upang ipahiwatig na busog na siya.

"Patayin mo sila." Inutos ni Jun Wu Xie at ang kanyang katakot takot na tono'y nagpasindak sa mga lalaking nakatitig lang sakanya, tila hindi makapaniwala.

Kung sino man ang gumambala sa pasyente niya'y dapat handang pagbayaran ang kanyang ginawa!

Sa pagbabanta sa kanilang buhay, nakakuha pa sila ng lakas para gumapang at tumakas, ang mga walang saysay na mga sigaw ang nagmula sa kanilang mga lalamunan. Kahit na alam nila sa sarili nilang hind sila makakatakas sa kamatayang ito, nagsitakbuhan parin sila para sa kanilang buhay na patapos na.

Ang mga buntot ni Lord Meh Meh ay isa isang nanghampas ng mga "insecto" sa iba't ibang direksyon, at dinudurog ito sa lupa. Hindi na ito nag-"malumanay" pa sa paghampas dahil nakatanggap ito ng utos mula mismo kay Jun Wu Xie na pipiin sila. Hindi na niya tinago ang kanyang lakas.

'Squelch Squelch Squelch'

Ang tunog ng mga nayuyupi'y umalingawngaw sa kagubatan. Dinurog ng Lord Meh Meh ang mga kalalakihan at lahat ng kanilang buto'y nadurog ng husto. Sa lakas ng paghampas sakanila, ang mga katawan nila'y nayupi at tila pulang kalat lamang ang makikita sa lupa't naging isang pataba sa lupang kanilang kinamatayan.

"Meh?" tinignan ni Lord Meh Meh ang maraming kalat ng dugo bago tumingin kay Jun Wu Xie, tila naghihintay ng pagsangayon.

Tumungo si Jun Wu Xie.

Nakahinga ng maluwag si Lord Meh Meh bago ito bumalik sa anyo ng maliit at mabalahibong tupa, masayang tumatakbo papunta sa tabi ni Jun Wu Xie, tila naghihintay ng puri.

Ngunit ipinakita ni Jun Wu Xie ang mapang puno ng dugo kay Lord Meh Meh, at kung kanina'y masaya siyang nanghihingi ng puri, ngayo'y napayuko sa hiya.

avataravatar
Next chapter