87 ORDINARYONG GAMOT

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oh?" Bahagyang nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie.

"Si Yun Xian ay isang mahalagang panauhin sa Kingdom if Qi! At para lamang insultuhin ito ay sadyang mali! Ngayon kailangan mo itong patayin bilang kapatawaran sa Qing Yun Clan nang sa gayon ay hindi na ito mauulit!" bakas ang galit sa ekspresyon ng mukha ni Mo Xuan Fei. Hindi niya magalaw si Jun Wu Xie dito sa pamamahay ng Crown Prince, pero ang isisi ito sa pusa at patayin ito ay napakadali lamang.

Masasabi niyang mahal na mahal nito sng kaniyang pusa at ang gustong gusto niyang gawin sa mga oras na ito ay sirain ang kalmado nitong itsura.

Marahil mapoprotektahan siya ni Mo Qian Yuan pero hindi ang itim na pusa. Kung magagawa nitong pareho silang protektahan, ito ay isang malaking sampal sa Qing Yun Clan.

Kung tutuusin ay maliit na bagay lamang pero may malaking pakinabang. Gustong gipitin ni Mo Xuan Fei si Mo Qian Yuan gamit ang Qing Yun Clan.

Naniningkit sa galit ang mga mata ni Mo Qian Yuan.

Hawak hawak ni Jun Wu Xie ang pusang itim, habang ang pusa ay nakatingin kay Mo Xuan Fei.

Ang mata ng pusa ay nag-iiba dahil sa biglang pagbabago sa paligid. May isang anino galing sa kung saan at unti-unting bumubuo ng imahe. Dahil dito hinimas ni Jun Wu Xie ang likod ng pusa bilang pagpapakalma dito.

"Napakaliit na bagay. Kung talagang sobrang halaga niyan sainyo, babayaran ko nalang." Saad ni Jun Wu Xie.

"Babayaran?" Ano ang gagamitin mong kabayaran? Hindi kayang bilhin ng pera ang Jade Dew pill. Minamaliit mo ang mga bagay na sa totoo lang ay mahalaga." Sagot naman ni Mo Xuan Fei.

Umasim ang mukha ni Bai Yun Xian nang tinawag ni Jun Wu Xie na maliit na bagay lang ang kaniyang gamot. Hindi niya matukoy kung mayabang o sadyang ignorante lang talaga ang babaeng taga Lin Palace.

Kahit na di hamak na mas may kalidad ang Qing Yun pill na gawa ng kaniyang 'master' kumpara sa Jade Dew pill na kaniya namang gawa, hindi mo makikita sa saan mang lupalop ng mundo ang recipe nito kung hindi sa Qing Yun Clan lamang. Ang secret recipe nito ay para sa mga disipulo lamang ng Qing Yun Clan. Kaya naman papaano ito mapagbabayaran ni Jun Wu Xie?

Hindi ito pinansin ni Jun Wu Xie. Hawak hawak lang nito ang pusa at tinanong si Mo Qian Yuan, "Mayroon ba ditong pugon na gawaan ng gamot?"

Hindi inaasahan ni Mo Qian Yuan ang tanong nito. Siya mismo ay pinanlakihan ng mata dahil sa gulat.

Walang ideya si Mo Qian Yuan sa tumatakbo sa isip ni Jun Wu Xie. Kahit na ayaw niya kay Ban Yuan Xian, hindi niya naman pinagwawalang-bahala ang kakayahan nito. Agad niya naman itong sinagot ng makabawi siya sa kaniyang pagkakagulat: "Wu Xie, hindi mo kailangan gawin yan. Wag kang mag-alala, hindi ko hahayaang ipitin ka nila."

"Meron ba?" Hindi nito pinansin ang kaniyang sinabi bagkus ipinilit pa nito ang kung anuman ang nasa isip nito.

Walang nagawa si Mo Qian Yuan kung hindi ang mapa-buntong hininga na lang at tumawag na ng katulong.

Nang mamatay ang kaniyang ina, lubos siyang naapektuhan kaya naman naapektuhan din ang kaniyang kalusugan. Lubos ding nag-alala sa kaniya ang Emperor kaya naman tumawag ito ng magagaling na doktor. Dahil sa mahina na din ang katawan niya, hindi ito pumayag na umalis pa siya ng bahay para sa pagpapagamot kaya naman nagpasadyang magpagawa ng pugon ang Emperor sa bahay mismo ng Crown Prince. Nung una ay nadala naman siya sa pinapakitang pag-aalala nito para sa kaniya, pero nang malaman niyang may iba pala itong motibo agad niyang pinaalis ang mga doktor at sinira sng mga gamot na ginawa para sa kaniya.

"Hayaan mong dalhin ka niya doon." tinutukoy nito ang katulong na ipinatawag niya. "Kapag may kailangan ka, ipagbigay-alam mo lang sa kaniya. Matagal nang nakasara ang silid na iyon. Hindi ko masisiguradong magagamit mo ang pugon." Walang nagawa si Mo Qian Yuan kung hindi ang sumunod na lang sa gusto ni Jun Wu Xie.

Tumango naman si Jun Wu Xie at sumunod na sa katulong.

Nakakuyom naman ang kamao ni Mo Qian Yuan habangnakatingin sa likod ni Jun Wu Xie na nagsimula nang tumungo doon.

avataravatar
Next chapter