228 Only for a Gentleman (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang makapangyarihang Drunk Lotus na syang ikinagulat ng indigo spirit user, at ang alok na alternatibo ni Jun Wu Xie, ay syang naging pinakamalakas sa buong grupo na hindi nagustuhan ng Qing Yun clan, at pinili nitong umalis.

Sa angking kapangyarihan at stratehiya, mabilis itong natapos ni Jun Wu Xie.

Dahil sa taas ng pressure, ang Rui Lin Army ay nanatili sa kanilang kinakatayuan. Kasabay nito ang Qin Yun Clan na natatakot sa ipinapakitang kapangyarihan ng Drunk Lotus.

Nagpatuloy lang ang Drunk Lotus sa kanyang ginagawa at di nya na inintindi ang sa kanyang likuran.

Wala pang isang oras, ang apat na disipolo ng Qing Yun Clan at ang limang eksperto na sumali sa laban ay namatay. Gutay gutay ang mga ito.

Nagdanak ang dugo sa paa ng Drunk Lotus at ang suotna puting damit nito ay naging pula na. Ang kanyang gwapong mukha ay di nakitaan ng pagkaawa, ngunit tila masaya ito sa kanyang ginagawang pagpaslang sa mga kalaban.

"YEAHHH!" sambit nito ng mahina ngunit may kasiyahan habang tinatapos nya sa kanyang nga kamay ang mga kalaban. Yumuko ito at humarap ng mahinahon kay Jun Wu Xie.

"Miss, patay na lahat." Sabi ng Drunk Lotus na nakayuko sa kanya.

Tumango si Jun Wu Xie. Di pa tuluyang tapos ang banta sa Lin Palacace ngunit malayo na ito sa dati. Dala ni Jun Wu Xie ang mga kawal na sugatan at kampante syang ililigtas nya ito hangga't sila ay humihinga pa.

Hindi naman lubhang nasaktan si Jun Xian at Jun Qing, pero bali ang tatlong buto ni Long Qi at nagtamo ng maraming sugat.

Kumuha ito ng mga gamot para ibigay sa mga sugatang kawal pero di na sya bumalik sa Lin Palace. Tumayo sya sa gate at pinagmasdan ang mga labi ng mga kawal ng Qing Yun Clan habang walang emosyon.

"Ano ang nasa isip mo?" biglang sulpot at tanong ni Jun Wu Yao.

"Ikaw ba ang nagpakawala sa Drunk Lotus?" tanong ni Jun Wun Xie.

Habang nakatingin sya sa mga labi ng kalaban ay nakangiting nagsalita ito: "Ayaw mo bang malaman kung ga ano kalakas ang Drunk Lotus?" Kaya nga binigyan nya ng pagkakataon ang Drunk Lotus.

Mukhang tama lang ang ginawang pagpaslang ng Drunk Lotus sa mga kalaban.

"Pupunta ako sa Imperial Palace." Ani ni Jun Wu Xie.

Biglang natigil ang ngiti sa labi ni Jun Wu Yao.

"Hindi lang ganun ang mga tao ng Qing Yun Clan. Hindi sila susuko hangga't hindi sa kanila napapasakamay ang Soul Jade. Umaasa akong kokomprontahin ni si Mo Qian Yuan." Madiing paliwanag ni Jun Wu Xie. Nasagap nya kay Long Qi na umatake kahapon ang Qing Yun Clan. Tingin nya ay isang araw ng nabihag si Mo Qian Yuan ng Qing Yun Clan.

Ano nga ba ang natutunan ng Emperor sa pamamalakad ng Qin Yun Clan?

"Gusto mo ba syang iligtas?" Nakataas na kilay ni Jun Wu Yao.

"Oo."

At tuluyang nawala na ang ngiti aa labi ni Jun Wu Yao.

"Sasama ako sa'yo." Ang isang dalagita na ililigtas ang parang namimihagting aso. Walang pasasalamat na gawain.

Tumango si Jun Wu Xie at sinabi na nito ang utos sa black beast at Drunk Lotus na tumungo sa Imperial Palace. Nang tapos na sya ay muli syang lumipad kasama si Jun Wu Yao tungong Imperial Palace.

Sa harap ng Lin Palace, ay may pag alinlangan tingin ang black beast sa Drunk Lotus dahil may nakita itong dugo banda sa kanyang panga.

Nakataas ang isang kilay ng Drunk Lotus habang nakatingin ito sa black beast. Bigla nya itong sinugod at tumawa: "Uy pusa! Dalhin mo ako dun! Galaw!"

"..." Muntik ng maluha ang black beast dahil naawa sya dito.

Hindi dapat ito iwanan ng kanyang senyora, ang napakalakas at hibang na bulaklak.

avataravatar
Next chapter