227 Only for a Gentleman (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Wen Xin Han si Jun Wu Xie at ang hawak nitong bote.

Anong sinasabi ng batang babaeng ito?

Nasaksihan ni Wen Xin Han kung pano makipaglaban ang Drunk Lotus at hindi pa buo ang loob nya kalabanin ito. Alam nya ang ibig sabihin ni Jun Wu Xie nang sinabi nitong dito sya mamamatay at alam nya sa sarili nya na hindi lang ito basta isang banta.

At sinabi din nito na ang elixir ay maaring makasagip ng buhay...totoo nga ba ito?

Nakita nila na muntik nang gumawa ng hakbang si Wen Xin Han pero natigil ito dahil sa bote ng elixir na alok ni Jun Wu Xie. Naging walang kalaban laban ang mga kalaban sa taglay na kapangyarihan ng Drunk Lotus.

"Wen Xin Han! Wag kang maniwala sa patibong ng mangkukulam na yan! Kahit ang Qing Yun Clan Sovereign ay hindi buo ang loob gamutin ang iyong apo, paano pa yang pipitsuging, batang babae na 'yan? Ginagamit nya lang ang oras para patayin tayo! Huwag kang maniwala dyan!"

Nakatayo lamang si Wen Xin Han habang nagtatakang tinititigan nya si Jun Wu Xie. Hindi nya alintana ang edad nito, pero nakikita nya dito ang kalma at buong tiwalang mga mata nito ang syang nangingibabaw sa isip nya, at naramdaman nya dito na di kailangan magmadali sapagkat ito ay sigurado.

'Lalaban ba sya kahit katumbas nito ang kanyang buhay o hahayaan nyang mawala ang tanging pag-asa na hawak nya?'

Kapag namatay sya, mamamatay rin ang kanyang apo. Alam nya ang gaspang na ugali ng Qin Yun Clan na kahit mamatay sya ngayon, hindi ito nag aaksya ng panahon sa kanyang apo na walang silbi kundi ang kanyang lolo.

'Kung iyon ang mangyayari, bakit nya isusugal ang kanyang buhay?'

"Ang pangalan mo ay Jun Wu Xie?" iniangat nya ang kanyang ulo at tiningnan nya ito.

"Oo."

"Tatandaan kita. Hindi ko na isasali ang sarili ko dito ngayon. Kapag gumana itong elixir mo, utang ko saiyo ang buhay ko. Pero kapag niloko mo ako, gagawin ko ang lahat para mawasak ang pamilya nyo hanggang sa huling hininga ko." Sumugal si Wen Xin Han. Hindi rin sya kampante na matatalo nya ang Drunk Lotus, at kahit mamatay sya, wala ring pagkakataon mabuhay ang kanyang apo.

Ang pagtanggap nya ng alok ni Jun Wu Xie ay isang alternatibo. Ito ang pinakamabuting paraan kung magkataon para masalba nya ang kanyang apo. Kung hindi man, pagbabayarin nya ng dugo ang pamilya ng Jun.

"Hindi ko kailangan ang buhay mo." Pagtangging sambit ni Jun Wun Xie at nasagot nya ang tanong sa isipan ni Wen Xin Han.

Tumawa lang ng malakas si Wen Xin Han at hinarap ng buong tiwala ang mayabang na batang babae, wala syang makitang dahilan para kamuhian ito.

"Sige! Kapag gumana, gagawin kong tungkulin ang pag protekta sa pamilya nyo, ano sa tingin mo?"

"Tingin mo hindi ko kayang protektahan ang sarili ko?"

'Ang yabang!'

Ito ang unang pagkakataong may nakilala syang bata na walang kontrol at agresibo. Kung nagkataon lamang, gusto nyang makita ang batang ito ang kakayahan at paano nya nakuha ang orange spirit sa murang edad nito.

"Naging dirtorbo ako ngayong araw, magkikita ulit tayo." Ayaw nang madawit ni Wen Xin Han sa Qing Yun Clan. Kung hindi lang para sa kanyang apo, na nasa bingit ng kamatayan, hindi sya papayag sa mga masasamang gawain ng Qing Yun Clan.

Matapos nyang sambitin ang mga katagang iyon ay bigla na lang itong lumipad ng mataas sa himpapawid at pinagmumura sya ng mga naiwang blue spirit users.

"Talaga bang wala na sya?" Di makapaniwala si Jun Qing sa nasaksihan nya at di nya maintindihan paano nadala si Wen Xin Han ng ganun kadali sa mga ilang salita lang ni Jun Wu Xie.

Paliwanag ni Jun Wu Xie: Ang taglay na lakas ng Drunk Lotus ay di maikakaila, alam nyabsa sarili nyang hindi sya makakatakas sa hagupit nito. Kapag namatay sya, hindi masasalba ng Qin Yun Clan ang taong gusto nyang isalba. Imbes na magtrabaho ng malupit sa Qing Yun Clan, bakit hindi sya sumugal." Klarong nabasa ni Jun Wu Xie ang laman ng puso't isip ni Wen Xin Han at binigyan nya ito ng pinakamainam na lohika upang ito ang kanyang piliin.

Para sa taong nakaligtas sa utos ng Emperor ng Yan Kingdom at nakapanalo ng laban para makuha ang natatanging indigo spirit, mataas ang kumpyansa ni Jun Wu Xie na marunong pumili si Wen Xin Han.

avataravatar
Next chapter