226 Only for a Gentleman (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa pagkakataong iyon ay namutla ang mukha ng indigo spirit user. Tatlong disipolo sa Qing Yun clan ang walang awang pinatay. Ang huli at natitirang dispolo ay nahihirapan na sa pag atake ng mabilisang kidlat mula sa black beast. Ang mas nakakatakot pa nito ay nakita si Eunuch Wei, ang blue spirit user ng isang may suot ng puting balabal. Hindi lamang napahina ang Drunk Lotus sa atake ng blue spirit user. Ang atake nito ay kasing lakas ng green spirit users nang nagkaroon sila ng laban. Hindi man lang natinag ang Drunk Lotus maging ito man ay berde o asul.

Sa naipamalas na galing ng isang binata at pagpakitang gilas nito sa blue spirit user, inisip nyang baka hindi sya tugma dito at ang kanyang indigo spirit.

Saan nanggaling lebel ang makapangyarihang ito?

Hindi itinuturing ng indigo spirit user ang Drunk Lotus bilang contractual ring spirit.

Sa mundong ito, tanging armas at beast type ring spirits lang ang alam ng karamihan. Sinong mag aakala na ang matipunong ito ay kabilang sa plant based series of ring spirits? Ganun pa man, ang Drunk Lotus ay may kakayahang mag ibang anyo at maging tao.

Base sa pisikal na anyo ng Drunk Lotus, ito ang nasa 17 o 18 na anyos. Walang ispiritwal na enerhiya ang naramdaman sa mga atake nya at imposibleng mahulaan ang tunay na kakayahan nito sa kabila ng kanyang matipuno at kaaya ayang katawan ng isang binata.

Kahit sa kamay pa ng ibang blue spirit users, makikitang madali nya lang ito kalabanin. Isa din ba syang indigo spirit user?

Imposible!

Taglay nya ang lebel ng indigo sa kanyang kabataan?! Hindi maari!

"Wen Xin Han! Ano pang hinihintay mo!? Kapag mamatay tayo, hindi mo na masasagot sa Qing Yun Clan! Ayaw mo bang isalba ang iyong apo!?" Ang ilang blue spirit users na tinutulak pabalik ng nag iisang Drunk Lotus ay mas lalong nagiging mapusok at sumigaw kay Wen Xin Han, ang nag iisang indigo spirit user at ang pinakamalakas sa kanila. Buong buhay nila, hindi sila nakakita ng napakalakas na binata na napilitan ang limang blue spirit users na gamitin lahat ng ispiritwal na enerhiya para sa depensa para mabawasan lang ang kanyang atake.

Ang tanging indigo user na si Wen Xin Han ay di pa rin gumawa ng hakbang.

"Sya si Wen Xin Han?" tanong ni Jun Xian na nagulat at nanlaki ang kanyang mga mata sa ekspertong blue leveled spirit na kalaban.

"Papa, kilala mo sya?" tanong ni Jun Qing.

Nagsimangot si Jun Xian: "Oo, kilala ko sya. Sya ay galing sa Yan Kingdom na tinitingala ng karamihan dahil aa taglay nitong kakayahan dahil napagtagumpayan nya ang laban sa yellow spirit noong bente anyos pa lamang sya. Isang opisyal ang kanyang ama sa Yan Kingdom, pero pinatay ang kanyang pamilya dahil sa lihim na utos ng Emperor. Sya lang ang nakatakas at nakasalba. Nawala sya sa mga mata ng tao matapos ang insidenteng iyon at hindi ko akalaing buhay pa sya. Ang pamilyang Wen ay lubos na tapat sa korona kaya hindi rin sila natatakot sa ating pamilya. Marami akong narinig ma kwento tungkol sa pamilya ng Wen noong ako ay bata pa."

Nang matapos nya ikwento ang istorya ni Wen Xin Han, humarap ito kay Jun Wu Xie: "Wu Xie, kung maari ay huwag mong saktan si Wen Xin Han. Hindi nya tayo inatake at nararamdaman ang konsensya. Naniniwala ako sa pamilya ng Wen, hindi sila kakampi ng masasama."

Sa labang ito, hindi sumali sa mga atake si Wen Xin Han. Kung ang indigo spirit na ito ay umatake, ang ama at anak ng Jun family ay maaring patay na bago pa dumating si Jun Wu Xie.

Tiningnan ni Jun Wu Xie ang kanyang lolo. Hindi sya bulag sa totoong saloobin nito pero hindi nya lang ito pinapansin. Kung manantiling tagapanood lang ng laban si Wen Xin Han, hindi nya ito papaslangin. Kapag pinagpatuloy nya ang pagsama sa kasamaan ng Qing Yun Clan, ay di nya ito papalagpasin.

Pero nagsalita na si Jun Xian at ayaw nya itong suwayin.

Kung gusto ng kanyang lolo na hawak lang sya, susundin nya ito.

Nang malapit ng tumalon si Wen Xin Han, biglang nagsalita si Jun Wu Xie: "Senior Wen, dahil napilitan ka lang dumihan ang kamay mo dahil sa desperadong paghingi ng tulong ng Qing Yun Clan, hayaan mo akong alukin kita ng alternatibong bagay ngayon."

Nagpigil si Wen Xin Han at tiningnan si Jun Wu Xie.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang kamay at ibinato ang bote ng elixirs kay Wen Xin Han at agad naman itong nasalo.

"Habang gusto mong iligtas ang taong buhay pa, itong gamot na 'to ay hahayaan syang manatiling buhay. Pero kapag pinili mong makipaglaban ngayon, hindi lang yung taong gusto mong buhay ang mamamatay, kung hindi pati ikaw." Seryosong alok nito.

avataravatar
Next chapter