308 Obliterate (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Papatay lang pala ng kaunting tao. Sasang-ayon ako diyan. Ngunit bilang kapalit, mayroon akong isang kondisyon." Saad ni Hua Yao habang nakatingin kay Qin Yue.

"Ano iyon?" Tanong ni Qin Yue na na hindi maipinta ang mukha. Ang isip nito ay nakatalaga sa paghihiganti sa mga pumatay sa kaniyang anak na si Qin Yu Yan, kaya naman ay sasang-ayon siya sa kung anuman ang kondisyon ni Ke Cang Ju.

Ngumiti si Hua Yao at sinabing: "Matatawag ko iyong kondisyon, ngunit ang totoo niyan ay makakatulong ito para sa iyong paghihiganti. Sa aking opinyon, nabibilang lang ang may kapasidad na patayin si Jiang Chen Qing. Sa aking pagkakatanda, si Qin Yu Yan at Jiang Chen Qing ay may kasamang malalakas na pwersa sa delegasyong iyon at lahat sila ay namatay rin. Kaya napaghihinalaan kong ang Qi Kingdom ay may tinatagong mga bihasa. Sigurado akong alam mong ang epekto ng lason ay humihina kapag ginamit sa mga malalakas na tao. Kapag mas malakas ang tao, mas mahina ang epekto noon sa taong iyon. Kung gusto mong ipaghiganti ang iyong anak, kailangan mo akong tulungan."

Tumitig ang nauubusan na ng pasensya ng si Qin Yue kay Hua Yao at nagsalita, "Anong kailangan mo saakin? Diretsahin mo na ako!"

Humalakhak si Hua Yao at sinabing: "Simple lang naman. Ang mga baguhan ay masyadong mahihina at nawalan ako ng gana na gamitin sila para sa mga ito subukan ang aking sinasaliksik. Hindi ako makakapagbigay ng tiyak na resulta. Ang mga disipulo ng labindalawang pangkat ay malalakas at lagi nilang pinagyayaman ang kanilang kakayahan. Maaaring hindi pumapantay ang spiritual power ng mga ito sa mga eksperto ngunit mas kakayanin ng kanilang katawan kaysa sa iba. Kung magagamit ko sila sa aking pag-eeksperimento ng lason, mas magiging tiyak ang resulta nito at magiging sigurado ang bisa nito sa mga taong pumatay sa iyong anak. Ano sa tingin mo?"

Nag-alinlangan si Qin Yue sa sinabing iyon ni Hua Yao. Matagal itong nag-isip isip bago liningon si Hua Yao nang kaniyang maunawaan ang pahayag nito.

"Gusto mong gamitin ang mga disipulo ng Qing Yun Clan para sa kanila subukan ang lason?" Tila nagyeyelo ang boses na saad ni Qin Yue.

Nagpatuloy si Hua Yao, "Bakit hindi? Napakarami ng disipulo ng Qing Yun Clan. Hindi naman malaking kabawasan kung kukuha ako ng ilan. Pangako hindi ko gagalawin ang mga galing sa'yo."

"Ke Cang Ju! Parang labis naman ang iyong gusto!" Galit na tumayo si Qin Yue. Alam ba ni Ke Cang Ju ang hinihiling nito!? Gagamitin lang naman nito ang mga disipulo sa pag-eeksperimento sa kaniyang lason. At ang gusto pa nito ay ang mga disipulo ng Elders? Isang malaking sampal iyon sa mga Elders kung ganon!

Lahat ng disipulo sa Inner House ng Qing Yun Clan ay alam kung anong klaseng lugar ang Hidden Cloud Peak. Kung basta na lang kukunin ang mga ito at dadalhin sa lugar na iyon, ano na lang ang iisipin ng ibang disipulo sa kanilang mga Master!?

Pagak na tumawa si Hua Yao: "Ang awtoridad ko sa Qing Yun Clan ay hindi maikukumpara sa'yo. Humihingi ako ng permiso sa'yo para maisakatuparan ang aking hinihiling. Ang awtoridad na nanggaling sa Sovereign ng Qing Yun Clan ay nakabase sa iyong ipag-uutos. Kung hindi mo kayang magbigay ng awtoridad, ang posisyon bilang Qing Yun Clan Sovereign ay dapat lang mapunta sa kamay ni Mu Chen ng Cloud Treading Peak." Maayos na nagaya ni Hua Yao ang pagtataas ng boses ni Ke Cang Ju.

Namutla si Qin Yue at napakuyom dahil sa sinabing iyon ni Hua Yao. Mariin niyang pinigal ang kaniyang kamay na suntukin ang bibig na naghayag ng bantang iyon.

Ilang beses na siyang natutuksong patayin si Ke Cang Ju ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili dahil sa dalawang rason. Una ay dahil may hawak na ebedinsya si Ke Cang Ju tungkol sa kaniyang pagpatay sa kaniyang Master, at ang pangalawa ay dahil mahusay talaga si Ke Cang Ju pagdating sa paggawa ng mga lason. Kahit na wala itong spiritual power, ang mga itinatago nitong mga lason ay mapapakinabangan nilang dalawa.

Dahil sa dalawang rason na iyon, nagtimpi si Qin Yue at napilitan siyang sumunod kay Ke Cang Ju.

Huminga ng malalim si Qin Yue bago muling umupo.

"Sigurado akong napag-isip isip mo na na kapag pumayag ako sa iyong hiling, wala akong maisasagot sa mga Elder..." Nadala ito sa banta ni Ke Cang Ju at walang ibang nagawa si Qin Yue kundi ang pagbigyan ito.

avataravatar
Next chapter