306 Obliterate (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang magliwanag ang kalangitan, naiwan si Qiao Chu para magbantay sa pinto ng silid ni Jun Wu Xie.

Naghintay naman si Hua Yao at Jun Wu Xie sa Hidden Cloud Peak para sa pagdating ng Sovereign na si Qin Yue.

Nang dumating si Qin Yue sa Hidden Cloud Peak, ang mga bagong kawal ay humanga. Puno ng pagsamba ang bumakas sa mata ng mga ito.

Ang lalaki sa likod ng makapangyarihang Qing Yun Clan, ang lalaking tinaguriang pinakamagaling sa larangan ng medisina sa balat ng lupa!

Sa mga nakaraang henerasyon ng mga Sovereign ng Qing Yun Clan, lahat ng mga ito ay may kaniya-kaniyang talento sa medisina. Sa nakaraan, ang nagtatag ng Qing Yun Clan ay kilala bilang milagrosong manggagamot at pagkatapos ay itinatag nito ang Qing Yun Clan. Sa mga sumunod na henerasyon ay hindi na nawaglit sa pangalan ng Sovereign ng Qing Yun Clan ang pangalang, 'milagrosong manggagamot'.

Halos araw-araw ay may nagpupuntang mga tao sa Qing Yun Clan at umaasang tutulungan silang gamutin ni Qun Yue ang kanilang mga nararamdaman. Bukod sa matinding pangangailangan ng mga ito sa kaniyang panggagamot, marami ang tumutungo sa kaniya para sa kaniyang mga elixir.

Ang paggaling at cultivation ng elixir ay hindi nagkakalayo. Ang mga may kakayahan manggamot ay may sarili at kakaibang recipe para sa isang elixir.

Sa Qing Yun Clan, pinapaniwalaang ang kakayahan ni Qin Yue sa panggagamot ay makakapagpabuhay sa isang namatay. Marami ang sumasadya at dumadayo sa elixir nito ngunit hindi na umaabot dahil sa mahabang paglalakbay patungo sa Qing Yun Clan.

Higit sa lahat, limitado lang sa isang tao kada buwan ang kakayahang manggamot ni Qin Yue at ang prebelihiyong iyon ay labis na hinahangad. Maliban na lang kung mayroon silang maihahandog sa Qing Yun Clan.

Para makumbinse si Qin Yue na ibahagi ang talento nito sa medisina, marami ang mga taga labas ang nag-boluntaryong manatili sa Qing Yun Clan upang magsilbi bilang mersenaryo. Maraming mayayamang pamilya ang nagkaroon ng alitan sa iba pang mayaman ding pamilya dahil sa elixir na iyon.

Sa mata ng mga tao, may taglay na kapangyarihan ang Qing Yun Clan bukod pa sa galing nito sa medisina.

Hindi lang ang kakayahan na manggamot ng Qing Yun Clan Sovereign ang tinitingala. Nagsusumikap din ang mga tao para mapansin nito at tanggapin bilang disipulo ng Qing Yun Clan.

Pursigido ang mga kabataang ito na mag-iwan ng marka kay Qin Yue at sisipsip sana dito. Ngunit nang maisip ng mga ito ang nakakatakot na mukha ni Ke Cang Ju, ay sumuko na sila.

Sa gitna ng mga matang puno ng paghanga, nagtungo si Qin Yue sa tanggapan ni Ke Cang Ju. Pagkapasok nito ay agad na nawala ang ngiti sa mukha nito at agad na napalitan ng kunot na noo at magkasalubong ng kilay. Halata ditong hindi maganda ang saloobin nito.

Nagdilim ang ekspresyon sa kaniyang mukha habang ito ay palapit. Nanatili siyang nakatayo sa silid at nakitang nagbubuklat si Ke Cang Ju sa lumang libro nito.

Ibinalibag pasara ni Qin Yue ang pinto.

Tiningala naman ito ni Hua Yao ang mukha nito ay nagsimulang magpakita ng nakakatakot na ngiti. Isang pusang itim ang nakahiga sa mesa. Ang mata nito ay nakapikit na para bang ito ay mahimbing na natutulog.

"Mukhang hindi maganda ang saloobin ng aming Sovereign ngayon?" Saad ni Hua Yao na ginagaya ang sarkastikong tono ni Ke Cang Ju.

"Igawa mo ako ng lason, isang matinding lason na magbibigay ng matinding kapalaran higit pa sa kamatayan at magbibigay ng matinding paghihirap!" Hindi maipinta ang mukha ni Qin Yue, hindi rin maitago ang poot na nararamdaman nito sa kung paanong binitawan nito ang salitang iyon.

avataravatar
Next chapter