355 Narito na Ako (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang bagong Ye Sha ay walang kahit anumang alaala galing sa nakaraan nito. Isang bagay lang ang alam nito, at iyon ay ang katapatan nito kay Jun Wu Yao.

Inutusan ni Jun Wu Yao si Ye Sha na sikretong ipagpatuloy nito ang pagprotekta kay Jun Wu Xie.

Alam mo ba kung saan galing ang mga taong umatake sa akin?" Tanong ni Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao. Nararamdaman niyang alam nito lahat.

Nanigas naman ang ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Yao. "Middle Realm, Palace of Flame Demons."

"Middle Realm?" Tanong pang muli ni Jun Wu Xie. Maraming beses niya nang narinig ang Lower Realm noon at ngayon ay nagbabanggit si Jun Wu Yao ng "Middle Realm". Ano ang ibig sabihin ng iba-ibang Realm na ito?

Napansin naman ni Jun Wu Yao ang nalilitong itsura ni Jun Wu Xie kung kaya ay ipinaliwanag niya ito dito: "Sa ilalim ng Kalangitang ito, mayroong tatlong Realms. Nahahati iyon ayon sa kanilang kapangyarihan at iyon ay ang Higher Realm, Middle Realm at ang Lower Realm. Ang Lower Realm ay doon galing ang aking mounting prinsesa. Ang umatake sa iyo ay mga taga Middle Realm. Naaalala mo ba noong banggitin ko sa iyo ang Spirit Devour?"

Tumango naman si Jun Wu Xie.

"Ang Spirit Devour technique ay hindi kilala sa mga taga-Lower Realm at nadiskubre lang iyon ng mga taga Middle Realm. Para palakasin pa ang kanilang kakayahan ginawa nila ang lahat at pinagsamantalahan ang ring spirit ng iba. Ang sumila ng iba-ibang ring spirit ay nagbigay din ng iba-ibang epekto at impluwensya. Sa lahat ng iyon, ang pinakaaasam nila ay ang revered plant ring spirits." Nag-iba naman ang ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Yao habang naaalala niya iyon. Ginalaw ng mga ito ang kaniyang mounting prinsesa...Hindi sapat ang buhay ng mga ito bilang kabayaran...

"May kakayahan ang mga plant ring spirits para pagalingin ang kanilang sarili. Kapag sila ay sinila, napapabilis ang kanilang paglaki kaya naman pinakaaasam nila ang plant ring spirits. Idagdag pang bihira lang ang magkaroon dito ng plant ring spirits at wala itong palatandaan na sila ay gising na. Walang kaalaman ang mga tao na ang kanilang plant ring spirit ay gising na."

Sa ilalim ng pag-aasam ng Twelve Palaces sa mga plant ring spirits. Maswerte ang mga taong hindi namalayan ang paggising ng kanilang plant ring spirit at payapa silang namuhay.

"Alam ng Palace of Flame Demons ang tungkol sa iyong plant ring spirit at ngayong alam nilang ikaw ay nakatakas, magpapadala sila ng maraming tao para hanapin ka sa Lower Realm." Nanlilisik ang mga mata ni Jun Wu Yao habang ito ay masamang nakangiti. Pinakaaasam nila ang plant ring spirit at handa ang mga itong hagilapin si Jun Wu Xie anuman ang kapalit.

Tumingin si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao at napagtantong lahat ng sinabi nito ay nagtutugma sa nangyari sa kaniya. Ngayon ay malinaw na sa kaniya kung bakit ganon na lang kagusto ng dalawang lalaki na patayin siya sa Cloudy Peaks.

Kung hindi dumating si Ye Sha at sinakripisyo ang sarili para iligtas siya, marahil ay namatay na siya doon.

"Ang kanilang kapangyarihan ay mas malakas kaysa sa purple leveled spirit."

Nagpatuloy pa si Jun Wu Yao: "Ang purple level ay ang pinakamataas na maabot ng mga taga Lower Realm."

Nanlamig ang mga tingin sa mata ni Jun Wu Xie. Isang masamang balita ang malamang siya ay hinahanap ng mga taong iyon.

Kung pag-iigihan talaga ng mga ito ang paghahanap sa kaniya, madali siyang matatagpuan ng mga ito. Wala na siyang sapat na oras, kailangan niyang mas lumakas pa.

Hindi dapat mangyaring muli ang nangyari nong araw na iyon!

"Kung mabubura ang Palace of Flame Demons, wala dapat makakaalam na mayroong plant ring spirit sa Lower Realm." Saad ni Jun Wu Xie sabay ng pag-angat niya ng tingin. Binura niya ang Qing Yun Clan, gagawin niya rin iyon sa Palace of Flame Demons!

Kung napakabihira at namumukod tangi ang mga plant ring spirit, hindi sasabihin ng dalawang lalaking nagmula sa Palace of Flame Demons sa iba pang mga palace na mayroong plant ring spirit sa Lower Realm. Kung mabubura ang Palace of Flame Demons, siya ay magiging ligtas.

Humalakhak naman si Jun Wu Yao nang marinig niya ang sinabing iyon ni Jun Wu Xie.

Burahin ang Palace of Flame Demons? Ang kaniyang munting prinsesa ay matakaw sa paglipol.

"Para burahin ang Palace of Flame Demons, ang una mo dapat gawin ay makaabot sa purple spirit. Kahit sino sa Lower Realm ay kailangang mapagtagumpayang maabot ang purple spirit level bago sila makapasok sa Middle Realm."

"Purple spirit? Tanong ni Jun Wu Xie. Lumalim ang kaniyang mga tingin. Ang kaniyang paghihiganti sa Palace of Flame Demons ay dapat na mangyari sa lalong madaling panahon!

avataravatar
Next chapter