338 Nanaig

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa pagbalik ni Qiao Chu at Hua Yao, nasaksihan nila ang huling hininga nibl Qin Yue. Wala naman silang pakialam dito dahil ito ang Sovereign ng Qing Yun Clan.

"Nakuha namin." Tumango si Hua Yao kay Jun Wu Xie.

"Oras na para paalisin ang bawat isa. Mu Chen, oras na para dalhin mo na ang iyong mga disipulo papuntang bundok. Umalis na si Jun Wu Xie at sumunod silang lahat dito.

Sa malaking silid, takot pa rin ang mha miyembro ng Qing Yun Clan na gumalaw. Habang nakatingin sila sa pag-alis ni Jun Wu Xie, gusto nila huminga ng malalim ngunit ang mga iniwang kataga ni Jun Wu Xie ay ikinatatakot pa rin nila.

Tatlong halimaw ang tumapos sa malaking silid at naliligo sa dugo ang paligid. Ang nagdanak na dugo ay tila kabayaran sa lahat ng kasamaan ng magiting na samahan.

Paglakad nila sa Blue Cloud Peak ay nakalatay ang mga patay na katawan ng mga disipulo. Kahit sa huling pagkakataon, hindi nila alam ang ikinamay nila.

Ang dating maingay na Cloudy Peaks ay ngayong sobrang tahimik na. Pagkatapos ng lahat, mula sa Blue Cloud Peak hanggang sa Cloud Treading Peak ay walang nakitang buhay si Mu Chen.

Tinupad ni Jun Wu Xie ang kaniyang pangako na ubusin ang buong Qing Yun Clan!

"Ano na ang sunod mong plano?" Tanong ni Hua Yao na nakatingin kay Jun Wu Xie. Tapos na ang Qing Yun Clan.

Tumigil saglit si Jun Wu Xie habang nakatingin sa lugar na siyang dating lungga ng magiting na Qing Yun Clan, at sumagot itong: "Gusto ko munang dumaan sa bahay."

Matagal na panahon na siyang umalis sa kanilang bahay gayun din ang kaniyang pagbalik.

"Sasamahan ka namin bumalik! Kailangan pa ni Mu Chen manatili dahil aayusin niya pa ang mga disipulo muli sa Outer House at ang mga residente at mesinaryo at tsaka babalik sa Qi Kingdom nang dalawang Linggo para hanapin ka. Sasamahan ka muna namin, at kapag natapos mo na ang mga gawain mo, tulungan mo sana kami sa Elixir." Nananabik na sambit ni Qiao Chu. Sa maikling panahon na nakasama niya si Jun W Xie, pakiramdam niya ay masaya ito kasama.

Bata pa si Jun Wu Xie, ngunit iba ito mag-isip.

Kahit nakaharap niya ay ang mga makapangyarihang ng Qing Yun Clan, ang mga kaaway nito ay halos lahat mapunta sa impyerno ng kamatayan dahil sa natatanging pag-iisip nito. Mukhang nasasabik siya makasama ang munting demonyong ito sa mga susunod na araw!

Tiningnan ni Jun Wu Xie ang sabik na si Qiao Chu at tumango ito agad.

Sa oraa na ito, dahil sa tulong at kasama niya si Hua Yao at Qiao Chu, mas napadali niya ang pagtapos sa Qing Yun Clan. Kumpara sa nauna niyang plano, mas napaaga pa siya nang dalawang Linggo.

Dahil sa pagtutulungan, mananatili ang kanilang mga pangako.

Sa isip ni Jun Wu Xie ay panandalian niyang magiging kakampi ang dalawa. Hindi niya alam na sa unang pagkakataon niya naging kakampi ito ay maaari niya na itong makakampi pang habambuhay.

Nagtungo na ang tatlo sa bundok, at iniwan na nila si Mu Chen.

Habang pababa ang tatlo sa bundok, sabik na sabik at aldal ng daldal si Qiao Chu. Samantalang tahimik lang si Jun Wu Xie at Hua Yao.

Biglang may tumambad na dalawang imahe sa tatlo habang nasa kalagitnaan sila nang paglalakad sa Cloudy Peaks.

Ang dalawa imahe ay nakita ang mga nakalatay na katawan at mga mata nila'y nagkainteres.

"Anong ganap sa Aing Yun Clan? Kalahati pa lang ng taon at natumba na sila sa kalagayang iyan?" Tumawa ang gwapong lalake habang nakatitig sa nagkalat na mga katawan at ang mga mata nito ay may malamig na pagmamalisya.

Ang isang lalake nama'y nagsimangot. Sa sandaling iyon ay hinawakan niya ang suot nito ang kunikinang na gem bracelet.

"Ang tanim ng Ring Spirit ay totoo nga sa Lower Realm!!"

avataravatar
Next chapter