342 Nanaig (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hinarang ni Ye Sha ang daan pababa ng bundok para takasan ng dalawang lakaki.

Pikong sinuntok ng nakaputing lalaki si Ye Sha. Sa hindi inaasahan, gumanti siya agad ng suntok!

Dalawang malakas na pwersa ang sumabog sa pagkakataong iyon, laking gulat ng nakaputing lalake ng malaman niya ang lakas ni Ye Sha ay halos pantay sa kaniya!.

"Hindi ka galing sa Lower Realm! Saan ka galing!?" Nagulat ang nakaputing lalaki at nawala ang ngiti sa mga mukha nito.

Tumawa lang ng malamig si Ye Sha, ngunit hindi sumagot.

"Bwisit!" Pagmumura ng nakaputing lalaki habang hinihingal at mamaya pa ay tuluyan niya na itong kaaway. Ang dalawang magiting na kapangyarihan ay naglaban. Ang mga damo at halaman ay natanggal sa kanilang ikinakataniman dahil sa lakas ng mga galaw.

Ang nakaputing lalaki ay alam na hindi niya kaya v patumbahin si Ye Sha at hindi ito natigil ng kakamura.

Tinandaan ni Ye Sha ang galaw ng kalaban at tinatak niya ito sa kaniyang isipan, at agad niyang kinilala ang kalaban.

Nang nagsanib na ang dalawang may kapangyarihan, ang naka kulay-abo na lalaki ay tahimik lang sa pakikipaglaban. Isang malakas ng pagsabog ang tumama sa katawan ni Ye Sha. Umatake ang nakaputing lalake at hindi masyado makagalaw si Ye Sha. Tumama sa kaniyang sikmura ang malakas na pag atake at lumuwas sa mga bibig nito ang kaniyang dugo.

"Iiwan mo na sa akin ang lalakeng ito. Huwag mong hayaang makatakas ang may tanim ng Ring Spirit." Mariing utos ng naka kulay-abo na lalake sa kasama niya.

Iritang nakatingin ang nakaputing lalaki kay Ye Sha ngunit bumaba na agad ito ng bundok. Gusto itong habulin ni Ye Sha ngunit kaharap niya na ang naka kulay-abong lalaki at kailangan niyang labanan ito!

Mas lalong nainis si Ye Sha habang nakikipaglaban. Alam niyang mas malakas itong kaharap niya kaysa sa nakaputing lalaki na hinahabol si Jun Wu Xie.

Ang taglay kakayahan ay ikinokonsiderang napakalas kahit sa Middle Realm!

...

Hindi binitawan ni Hua Yao at Qiao Chu si Jun Wu Xie habang mabilis silanh nagsisitakbo ng walang tigil. Mas mabilis sila tumakbo kaysa kay Jun Wu Xie at nakikita na nila ang pinakababa ng bundok ngunit biglang may nakaputing lalaki tumambad sa daanan nila sa ibaba ng bundok.

"Sa tingin niyo, saan kayo pupunta?" Matulis na tingin ng lalaki kay Jun Wu Xie.

Napakabilis! Prinotektahan ni Hua Yao at Qiao Chu si Jun Wu Xie sa paraang nasa unahan sila nito. Ang ahas na may dalawang ulo at ang Yin Yang bear naman ay nasa dulo nito.

Nakatingin si Jun Wu Xie sa likod ng dalawa habang nakasimangot.

"Ako kang naman ang pakay niya, wala siyang gagawin sainyo. Umalis na lang kayo." Nagbuntong-hininga si Jun Wu Xie. Base sa reaksyo ni Hua Yao ar Qiao Chu, kahit magsanib pwersa pa ito'y hindi nila kaya talunin ang nakaputing lalaki.

Pakay ng kalaban ang Little Lotus na nakatago may Jun Wun Xie at hindi ito problema ng dalawa.

Hindi man lang lumingon ang dalawa at nanatili itong nakaprotekta kay Jun Wu Xie.

"Little Xie, mukhang nakakapangliit naman ang sinabi mo. Bilang kapatid balikat tayo, hindi ka namin hahayang mag-isa dito at kami ay iwanan ka sa di kaaya-ayang sitwasyon." Mariing at seryosong sambit ng masayahing si Qiao Chu.

Sumagit si Hua Yao: "Nangako kami sa lalakeng iyon na dadalhin ka namin sa ligtas, hindi dito."

Hindi nakaimik si Jun Wu Xie. Nakabuka ang bibig niya habang nakatingin sa dalawang batang lalake na nakilala niya pa lang ng halos isang buwan pa lamang. Hindi niya alam na kapatid na ang turing nito sa kaniya...

Sa sandaling iyon, mas hinarang nila ang likod para protektahan si Jun Wu Xie.

"Alis!" Nagngingitngit na sabi ni Jun Wu Xie at pumagitna siya paglabas, at ang itim na pusa ay bigla ng nag iba ang anyo at naging itim na halimaw.

Ayaw niya na muling makita na may mamamatay para lang protektahan siya!

avataravatar
Next chapter