686 Nakakasindak na Pagbabago sa Zephyr (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maraming pinagsaluhang hapag si Fan Qi at Ning Rui sa isang lamesa nang maraming taon. Wala na si Ning Xin at kahit

nailantad na ang planong pagpatay kay Fan Jin bago ang kanyang pagkamatay, naisip ni Ning Rui na isakripisyo ang

kanyang anak uapang protektahan ang kanyang sarili. Dahil sa mga pangyayaring iyon ay walang hanggang konsensya

ang narmadaman ni Fan Qi at hinid siya naging alerto laban kay Ning Rui.

At hindi inakala ni Jun Wu Xie na sa kanilang pag-alis sa Zephyr Academy ay mamamatay na rin si Fan Qi.

Ang pangyayaring iyon ay hindi ganoon kadaling matatanggap ng Fan Brothers.

Yumuko si Jun Wu Xie at pinag-isipang mabuti ang sitwasyon bago nagsalita: "Huwag mo muna itong ipapaalam kay Fan

Zhuo."

"Oo, Young Miss." pagsang-ayon ni Ye Sha.

Nakaalis na si Ye Sha ng makabalik si Fan Zhuo. Ang tagapagsilbi ay naghain ng mga pagkain at nakangiting inimbitahan

ni Fan Zhuo si Jun Wu Xie na umupo upang kumain.

Walang mapapansing kakaiba sa kilos ni Jun Wu Xie, pagkatapos nang dalawang malaking subo ay ibinaba niya ang

kanyang chopsticks.

"Ako ay maglalakbay pabalik sa Zephyr Academy."

Nilingon ni Fan Zhuo si Lord Meh Meh na nakahiga at walang katiyakang nagtanong: "Kakayanin b ani Lord Meh Meh ang

paglalakbay sa kundisyon niya ngayon?"

Tumanggi si Jun Wu Xie. "Mayroon akong importanteng babalikan sa kakahuyan na makakatulong sa pagpapagaling kay

Lord Meh Meh. Hindi maaaring galawin si Lord Meh Meh sa ngayon kaya kailangan kita na maiwan dito upang siya ay

bantayan."

"Ako?" gulat na tanong ni Fan Zhuo.

"Bakit hindi mo na lamang sabihin sa akin kung ano iyon at ako na lamang ang kukuha niyon para sa iyo. Nangangamba

akong hindi ko makakaya mag-isa kung sakaling mayroong mangyari kay Lord Meh Meh habang wala ka dito."

"Kailangan ko lumikha ng mga gamot doon at hindi mo iyon magagawa para sa akin. Wala kang dapat ipagalala, siniguro

ko na maayos ang kundisyon ni Lord Meh Meh at mag-iiwan din ako ng mga gamot. Kailangan mo lamang alalayan si

Lord Meh Meh sa kanyang pagligo tatlong beses sa isang araw at yun lamang ang kailangan mong gawin." huminto

sandali si Jun Wu Xie bago nagpatuloy: " Isa lamang ang iyong tatandaan, kailangan ba bantayan mong maigi si Lord Meh

Meh nang buong araw at kung may di inaasahang mangyari, madali kang magpadala ng tap upang ipaalam sa akin sa

Zephyr Academy. Maaari mong sabihan ang tagapagsilbi na araw araw magdala dito ng pagkain."

Tumango si Fan Zhuo at hindi na umapila pa.

"Sige, gagawin ko ayon sa sinabi mo."

Ipinagpatuloy ni Jun Wu Xie ang pagkain, pinipigilan ang mga mata na magpakita ng kahit anong ekspresyon.

Wala siyang intensyon na ipaalam kay Fan Zhuo ang pagkamatay ni Fan Qi sa ngayon. Matalino si Fan Zhuo at si Fan Qi

ay talagang malapit sa kaniyang puso. Walng pag-iimbot na inilagay ni Fan Zhuo ang kanyang sarili sa panganib upang

protektahan ang Fan Familyat siguradong magmamadali itong bumalik sa Zephyr Academy kapag nalaman niya ang

pagkamatay ni Fan Qi.

Ang kasalukuyang sitwasyon sa Zephyr Academy ay hindi pa malinaw at sa pagkamatay ni Fan Qi ang posisyon na iniwan

nito ay malilipat kay Ning Rui sapagkat siya ang Vice Headmaster. Kung magbabalik si Fan Zhuo sa ngayon, panigurado

na gagawa ng plano si Ning Rui upang mapahamak ito. Sa sitwasyon na inaasahan na ikakagalit at magiging pangahas

ang kilos ni Fan Zhuo, hindi sigurado si Jun Wu Xie na magagawa nitong umakto nang tama.

Imbis na mangyari iyon, siya ay nagdesisyon na mag-isang bumalik sa Zephyr Academy upang malaman pa ang mga

nangyayari doon.

Hindi sinabi ni Jun Wu Xie kay Fan Zhuo ang lahat tungkol sa sitwasyon ni Lord Meh Meh. Ang katotohanan ay kailangan

lamang ni Lord Meh Meh na magpahinga ng dalawang araw at makakapaglakbay na muli ito. Ngunit kinailangan ni Jun

Wu Xie na gumawa ng dahilan upang mapanatili si Fan Zhuo sa Chan Lin Town at nakita niya na magagamit niya na

dahilan ang mga pinsala ni Lord Meh Meh.

Ang hindi pagpayag na umalis siya sa kuwartong iyon upang bantayan si Lord Meh Meh nang buong araw ay magandang

dahilan upang hindi malaman ni Fan Zhuo ang pagkamatay ni Fan Qi mula sa ibang tao.

Nakaupo sa tapat ni Jun Wu Xie si Fan Zhuo na patuloy sa pagkain, wala sa hinagap nito na sa mga oras na iyon ang

kanyang ama-amahan ay wala na sa mundong ito.

Pagkatapos ng tatlong araw nagpaalam na si Jun Wu Xie kay Fan Zhuo at kay Lord Meh Meh at sumakay na sa karwahe

na magdadala sa kanya pabalik sa Zephyr Academy.

"Ning Rui, nais kong makita kung ano ang ginawa mo sa Zephyr Academy." sambit ni Jun Wu Xie mababakas sa mata ang

galit.

avataravatar
Next chapter