685 Nakakasindak na Pagbabago sa Zephyr (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Jun Wu Xie, Fan Zhiu at Ye Sha ay nanatili sa Chan Lin Town. Ang hirap sa mahabang paglalakbay ay maaring hindi

nakaapekto sa kanilang mga kasama ngunit sa mahinang si Lord Meh Meh ito ay nagdulot ng labis na paghihirap. Kung

siya ay nagdesisyon na ipagpatuloy ang paglalakbay pabalik sa Zephyr Academy kahit si Jun Wu Xie ay hindi sigurado

kung magtatagumpay na magamot si Lord Meh Meh upang tulyan ng gumaling.

"Nagtungo ako sa parmasya at kinuha ang mga halamang-gamot na iyong hinihingi. Iiiwan ko ang mga ito ditto." Binuhat

ni Fan Zhou ang malaking supot ng mga halamang-gamot at inilagay sa ibabaw ng lamesa sa kwarto ni Jun Wu Xie. Bukod

sa mga bihira at mahal na halamang-gamot sa Chan Lin Auction House ay nangangailangan rin si Jun Wu Xie ng mga

karaniwang halamang-gamot.

Tumango si Jun Wu Xie habang hinahanda ang medical bath para kay Lord Meh Meh. Hangga't nagdudusa si Lord Meh

Meh sa mga paso sa buong katawan nito ang paggaling mula sa karaniwang pampalubag at pamahid ay hindi sapat kaya

naman si Jun Wu Xie ay bumili ng maliit na paliguan na yari sa kahoy at nagtimpla ng samu't saring halamang-gamot

para sa medicinal bath ni Lord Meh Meh kung saan ay pwede niyang ilubog ang kanyang buong katawan.

"Mapapgaling ba nito ng tuluyan si Lord Meh Meh?" nag-aalalang tanong ni Fan Zhou kay Jun Wu Xie habang inaalalayan

si Lord Meh Meh sa medicinal bath.

"Oo." determinadong sagot ni Jun Wu Xie.

Ayaw ni Fan Zhou na makaabala pa kay Jun Wu Xie kaya nagdesisyon na siyang umalis ngunit biglang dumating si Ye Sha.

Nang makita nito si Fan Zhou, daglian na nasilayan ang kakaibang ekspresyon sa mga mata nito.

"Pupuntahan ko ang may-ari upang maipaghanda tayo ng makakain at madala ditto mamaya." saad ni Fan Zhou habang

nakangiti kay Ye Sha at tuluyan ng lumabas sa kwarto pagkasabi niyon.

Bahagyang napasimangot si Ye Sha tila may iniisip. Nagdalawang-isip siya saglit bago pumasok sa loob at marahang

sinara ang pintuan.

"young Miss." bati ni Ye Sha ang isang tuhod ay nakaluhod sa lupa.

"Mmm." marahang sagot ni Jun Wu Xie na inoobserbahang maigi si Lord Meh Meh.

"Sa ilalim ng utos ng Young Miss, ngayon ay akin ng naiintindihan ang mga pangyayaring naganap kamakailan at

kasalukuyan na sa Zephyr Academy." nakayukong pagbabalita ni Ye Sha.

Ang kanilang pagbabalik ay hindi sinasadyang kasabay ng pista ng Zephyr Academy noong katapusan ng buwan at ang

Chan Lin Town ay puno ng mga kabataan na nakasuot ng uniporme ng Zephyr Academy. Bagaman hindi nakapunta si

Jun Wu Xie ay kaniyang inutusan si Ye Sha na mag-ikot sa bayan at mangalap ng balita tungkol sa Zephyr Academy.

"Ano ang nangyari?" tanong ni Jun Wu Xie, batid niya ang boses ni Ye sha na hindi karaniwan.

Nanatiling tahimik si Ye Sha sandal bago malungkot na nagsalita: " Ang Headmaster ng Zephyr Academy ay pumanaw na

noong nakaraang dalawang linggo."

Nanigas ang kamay ni Jun Wu Xie, lumingon siya kay Ye Sha na mababakas ang pagtatanong sa malamig nitong tingin.

"Patay na si Fan Qi?"

Tumango si Ye Sha.

"Sino ang may gawa?" makitid ang matang tanong ni Jun Wu Xie. Hindi sila madalas magkita ni Fan Qi at hindi niya

itinuturing na malapit sa ito sa kanya. Ngunit si Fan Qi ay ama ni Fan Jin at naging ama-amahan ni Fan Zhou. Nagkaroon

ng utang na loob si Fan Zhou kay Fan Qi sapagkat iniligtas siya nito at pinalaki.

Kung hindi kay Fan Qi, malamang ay wala na rin si Fan Zhou ngayon.

Hindi lubusan na kilala ni Jun Wu Xie si Fan Qi ngunit alam niyang ito ay tahasan at matuwid na tao katulad ni Fan Jin.

Siya ay magaling at walang kinikilingan at kahit na hindi ito itinuturing na bayani, gayunpaman siya ay isang dakila at

mabuting Headmaster.

Ngunit...

Paanong ang isang tulad niya ay namatay agad?

" At tungkol sa bagay na iyon, lahat ng disipulo ng Zephyr Academy ay walang nalalaman na kahit ano pa man kundi ang

pagkamatay lamang ng Headmaster." patuloy na pagbabalita ni Ye Sha sa lahat ng kanyang narinig.

"Si Ning Rui." makitid ang mga matang saad ni Jun Wu Xie.

Saad ni Ye Sha: "Ang kapangyarihan ni Ning Rui ay mas mababa kumpara kay Fan Qi. Kung pagbabasehan lamang ang

kakayahan, hindi nito kayang paslangin si Fan Qi."

Nakakunot ang kilay na sagot ni Jun Wu Xie: " Ang pangunahing kailangan ay ang matanuyan na ang iyong palagay ay

tunay."

"Ako ay nagmamakaawa na maliwanagan ako ng aking Youn Miss."

Bumaba ang mat ani Jun Wu Xie at malamig niyang tinuran: "Kung itinaas lamang ni Fan Qi ang pagbabantay laban kay

Ning Rui, saka mapapatunayan na ang iyong palagay ay maaari."

avataravatar
Next chapter