webnovel

Nagpunta ng Walang Paanyaya (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang Spirit Jade Palace ay talagang napakalaki. Nang huling magtungo si Jun Wu Xie doon ay hamak na Outer Palace lamang ang kaniyang napuntahan, dumaan sa mahahabang daanan na puno ng huni ng mga ibo at mabangong mga bulalak, malinis na tubig mayroong hindi mabilang na bulaklak ng lotus sa ibabaw. Ngunit bagaman ang kuweba sa ilalim ng lupa ay malawak, ay hindi pa rin makikita ang kalangitan doon. Napansin ni Jun Wu Xie na ang bubong ng Spirit Jade Palace, sa ibabaw ng kuweba, ay puno ng hile-hilerang kristal na kulay lila. Ang mga kristal na iyon ay tila may tinatagong liwanag, upang mag liwanag sa loob ng kuweba.

Tila isang palasyo na binuo mula sa kristal.

Sumunod si Jun Wu Xie sa likuran ni Granny Yue habang sila'y naglalakad, paminsan-minsan ay may nasasalubong na disipulo ng Spirit Jade Palace. Ang mga dalagitang iyon ay nag-uumpukan at nagtatawanan ngunit nang makita si Jun Wu Xie sa likod ni Granny Yue, ay agad naghiwa-hiwalay ang mga ito dahil sa takot.

Dahil sa eksenang iyon, wala sa sarili na kinapa ni Jun Wu Xie ang kaniyang mukha.

[Dahil kaya sa ang itsura na ginawa niya ngayon sa kaniyang mukha ay masyadong pangit? At itinaboy ang mga dalagang iyon?]

"Huwag mo silang pansinin Young Master Jun. Ang mga batang iyon ay hindi madalas na makalabas ng Spirit Jade Palace at wala gaanong nakikita na tao mula sa labas, kaya naman hindi nila maintindihan ang kanilang nararamdaman kapag may nakaharap na lalaki." magiliw na saad ni Granny Yue.

"Hindi pa sila nakalabas ng Spirit Jade Palace?" biglang nakaramdam ng matinding pag-uusisa si Jun Wu Xie kung sa paano napanatili ng Spirit Jade Palace ang sarili hanggang sa araw na ito.

Saad ni Granny Yue: "Ang iba ay nakalabas na, ang iba ay nagpunta dito at hindi na kailanman umalis. Dahil si Young Master Jun ay mula sa labas, marahil ay alam mo na ang Middle Realm ay walang lugar sa kasalukuyan maitayo ang Spirit Jade Palace. Ang mga batang ito ay hindi gaanong biniyayaan at ang kanilang kapangyarihan ay mahina, nanirahan sa ilalim ng proteksyon ng Palace Lord simula't sapol. Kung padalus-dalos silang lalabas doon, maaaring sila'y mahantad sa hindi alam na galit."

Ang kasalukuyang posisyon ng Spirit Jade Palace ay asiwa. Bagaman ang Nine Temples ay kinikilala pa rin ang kanilang pag-iral, ang Twelve Palaces ay talagang laban sa kanila, hanggang sa punto na hangad nilang lilipulin ito ng tuluyan.

Sa tuwing kukuha ng kanilang disipulo ang Spirit Jade Palace, hindi nila tinitingnan ang mga talento o kakayahan, isang basehan lamang. Dapat sila ay babae.

"Ang mga batang ito ay dalisay at musmos. Magtiwala ka Young Master Jun na paaalalahanan ko sila na huwag magdulot ng anumang kaguluhan sa iyo at mag-uutos ako ng mga tao na magdadala sa iyo ng pagkain tatlong beses sa araw-araw." Saad ni Granny Yue habang dinadala si Jun Wu Xie sa isang tahimik na munting bakuran. Mayroong maliit na pabilyon sa loob ng bakuran at iisa lamang ang bahay na naroon, sobrang payapa at tahimik.

"Lahat ng iyong kailangan ay narito. Kailangan magpahinga ni Young master Jun at kung may kailangan ka sa amin, ay patunugin mo lamang ang kampamang ito. Sa oras na marinig ang kampana, mayroong pupunta dito."

Tumango si Jun Wu Xie at sinabi: "Salamat sa abala."

Ngumiti si Granny Yue at hindi na gaanong nagtagal pa bago ito lumabas ng silid at isinara ang pintuan pagkalabas niya.

Minasdan ni Jun Wu Xie ang buong silid na sumasabog sa kulay-rosas, mukha itong pagmamay-ari ng isang batang babae. Nang makita na walang mali o hindi tama sa silid, ay malayang naupo na si Jun Wu Xie doon.

"Ang Spirit Jade Palace ay sumailalim sa isang malaking pagbabago isang libong tao na ang nakakaraan, at naging hindi matatag ang kanilang posisyon. Ilang disipulo ng Spirit Jade Palace ang nanatili sa mga panahon na iyon? Sa loob ng lugar na ito, ilang disipulo ang nakalap matapos iyon?" Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie. Habang mas dumarami ang nalalaman niya tungkol sa Spirit Jade Palace, ay mas naging estranghero ang pananaw niya sa Spirit Jade Palace.

[Ang kapangyarihan ni Granny Yue ay mas malakas kaysa kaniya, habang ang sarili niyang kapangyarihan ay mas higit kaysa Elder na iyon ng Palace of Flame Demons.]

Hindi alam ni Jun Wu Xie kung ilang makapangyarihang nilalang ang nagtatago sa Spirit Jade Palace, ngunit kahit saan man niya tingnan, hindi niya iniisip na kaya pinili ng Spirit Jade Palace na mamuhay ng nakakulong ay sa kadahilanan na sila ay mahina.

Matapos isipin ng ilang sandali iyon, ay minabuti ni Jun Wu Xie na huwag na pag-aksayahan ng panahon na isipin pa iyon. Inayos niya ang sarili at tumayo na upang maglakad sa tabi ng isang lamesa at inilabas ang palanggana kung saan itinago niya ang lotus mula sa kaniyang Cosmos Sack, at sinimulan ang kaniyang paglinang.

Next chapter