160 Nagkukunwaring Hukom (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahil laging mataas ang tingin ni Mo Xuan Fei sa kanyang sarili, makakatikim siya ngayon ng pagtingala sa iba at hindi siya ang tinitingala.

"Baliw ka na Jun Wu Xie! Kailan ka titigil?! Malapit nang dumating ang panginoon ko sa Imperyal na Bayan, at pagdating niya, sisiguraduhin kong…"

*Slap* *Slap* *Slap*

Bago pa makatapos si Bai Yun Xian sa kanyang pagsasalita, sinampal siya ni Jun Wu Xie ng walang awa ng tatlong beses.

Hindi siya nagpigil sa pananampal ng napakalakas sa mukha ni Bai Yun Xian.

Ang tatlong ingay na yun ay napakalakas at biglaan na kahit si Mo Qian Yuan, na nakatayo malapit sa kanila, ay gulat na gulat.

Napakawalang awa!

"Sabi ko iligtas mo siya, kung ano ano pa ang mga pinagsasabi mo."

Napaatras si Bai Yun Xian sa gulat. Hindi niya inakala na sa mundong ito, mayroong may kapal ng mukha para sampalin siya!

Hinawakan ni Bai Yun Xian ang kanyang pisngi at napatitig lamang.

Hindi makapaniwala ang Emperador. Talagang baliw na si Jun Wu Xie! May lakas ng loob talaga siyang sampalin si Bai Yun Xian?!

"I...ikaw.. Sinampal mo ako?!" Nanginginig ang boses ni Bai Yun Xian, punong puno ng galit na nakaturo kay Jun Wu Xie. Ang buong katawan niya ay nanginginig sa galit.

Tinignan lamang ni Jun Wu Xie ito nang walang pakialam at lumapit. Sinampal niya uli ito. Itinaas niya ang kanyang binti at walang awang sinipa si Bai Yun Xian sa dibdib, at siya'y tumalsik.

"Gusto mo bang ulitin ko?" Nginitian ni Jun Wu Xie si Bai Yun Xian.

Makikita na ang dugo sa mga labi ni Bai Yun Xian, at ngayon, gulong-gulo na ang buhok niya. Wala na ang kanyang kapalaluan at kagandahan, sa halip, ito'y napalitan ng takot. Tinignan niya si Jun Wu Xie na ang mga mata'y walang ibang pinakita kungdi pagkatakot, na para bang ang kanyang tinitignan ay ang demonyo mismo.

Sa Qing Yun Clan, si Bai Yun Xian ay may mataas na katayuan na kahit na sino ay hindi makakahawak sa kanya sa kanilang paggalang sa dalaga.

Ngunit nagbago ang lahat ng iyon nang makilala niya si Jun Wu Xie.

Sinagot siya ni Jun Wu Xie ng kanyang mga kilos, na hindi lamang siya binugbog. Hindi rin nagpigil ito sakanya. 

Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, nakaramdam siya ng takot, lahat ng kanyang depensa'y nawala, pati na rin ang kanyang pagmamataas.

"Kaladkarin niyo siya dito." Utos ni Jun Wu Xie sa dalawang sundalo ng Rui Lin Army na nasa likod niya.

Sabay na naglakad ang dalawang sundalo papunta kay Bai Yun Xian, tig-isa silang nakahawak sa braso nito at idinala sa harap ni Jun Wu Xie.

"Ikaw… Ikaw… hindi mo ako pwedeng hawakan! Ang panginoon ko ay ang pinaka-mataas na puno ng Qing Yun Clan…" Si Bai Yun Xian ay parang isang nangangatog na daga sa harap ng isang pusa. Nakatingin si Bai Yun Xian kay Jun Wu Xie nang may pagmamakaawa. Ito ang pinakaunang beses na nakakilala siya ng isang taong nagpawalang bahala sa Qing Yun Clan. Kahit ano pang sabihin niya, nararamdaman niya sa mga mata ni Jun Wu Xie na parang langgam lamang ang Qing Yun Clan sakanya.

"Oh?" Nanlisik ang mata ni Jun Wu Xie. Tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang kamay at isa nanamang malutong na sampal ang humagip sa mukha ni Bai Yun Xian.

"Qing Yun Clan ba?"

Napatunganga si Bai Yun Xian kay Jun Wu Xie. Namanhid ang kanyang katawan at para bang nahuhulog na patungo sa kalaliman ng impyerno.

"Tumayo ka at iligtas mo ang kasintahan mo. Hindi na siya makatayo at sayo lang siya umaasa, disipulo ng Qing Yun Clan." Umirap nang may pagngiti si Jun Wu Xie at naintindihan ng dalawang sundalo ang hangarin ni Jun Wu Xie. Dali dali nilang kinaladkad si Bai Yun Xian papunta kay Mo Xuan Fei.

Nabaliw sa takot si Bai Yun Xian sa biglaang pagbago ng disposisyon ni Jun Wu Xie, at nang makita niya ang tuhod ni Mo Xuan Fei, hindi niya napigilang manginig lalo sa takot.

avataravatar
Next chapter