1067 Nagbibiro Ka Lang (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Agad dinala nina Ye Sha at Ye Mei sa silid ni Jun Wu Xie ang pagkaing kanilang ihinanda. Kumpara sa pagkaing nauna nilang dinala dito, di hamak na mas masarap ang dinala nila ngayon.

Sa wakas ay nakakain na si Jun Wu Xie. Itinuon niya ang kaniyang atensyon sa pagkain at hindi na nagsalita.

Sa panunuod lang ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie na magandang kumakain, pakiramdam niya ay busog na siya.

Bago pa sila matapos kumain ay may kumatok sa pintuan. Tumayo si Jun Wu Yao para pagbuksan iyon.

Bumungad kay Qing Yu ang nakangiting mukha ni Jun Wu Yao. Agad naman siyang nanginig sa kaniyang kinatatayuan.

"May problema ba?" Nakangiti si Jun Wu Yao ngunit ang mata nito ay parang mayroong ibang sinasabi. [Sabihin mo kung mayroon, kung wala, umalis ka.]

Malakas na Napalunok si Qing Yu bago sumagot: "Narito ang mga taga-Heavenly Cloud Chambers, inaanyayahan nila si Jun Xie para maghapunan."

Kakatapos lang magsalita ni Qing Yu nang biglang manlisik ang mga mata ni Jun Wu Yao!

Dahil doon ay nag-pigil ng hininga si Qing Yu at agad na tinakasan ng kulay ang kaniyang mukha.

Narinig naman iyon ni Jun Wu Xie. Nawalan agad siya ng gana nang kaniyang marinig ang "Heavenly Cloud Chambers".

"Ayoko." Malamig na sagot ni Jun Wu Xie. Ayaw niyang makita si Qu Xin Rui ngayon.

"Narinig mo 'yon?" Saad ni Jun Wu Yao na nakataas ang isang kilay. Agad namang tumango si Qing Yu at tumakbo na palayo.

Isinara ni Jun Wu Yao ang pinto at nakita si Jun Wu Xie na nawalan ng ganang kumain.

"Wala pang balitang pinapadala sina Qiao Chu. Ibig sabihin ay nakabuntot na sila. Hindi magtatagal ay mahahanap na nila kung saan ikinulong ang mga taong kinuha nina Qu Xin Rui. Kaya wala pa akong dahilan para harapin si Qu Xin Rui ngayon." Malamig na salita ni Jun Wu Xie. Para bang nagpapaliwanag ito kay Jun Wu Yao kung bakit niya tinanggihan ang imbitasyon iyon.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo kung ayaw mo. Masusuka ka lang kapag nakita mo ang mukhang iyon. Sa halip ay sakin ka tumingin, mas gagana kang kumain." Nakangiting sabi ni Jun Wu Yao saka kumindat.

Saglit itong tinapunan ng tingin ni Jun Wu Xie bago yumuko at nagpatuloy kumain.

Sa labas ng Fiery Blaze Clan Hall, nakangiting naghihintay si Shen Chi kay Jun Xie para samahan ito papuntang Heavenly Cloud Chambers. Ngunit makalipas ang ilang saglit, tanging si Qing Yu lang ang nakita nitong bumalik.

"Paumanhin, kakatapos lang kumain ni Young Master Jun, hindi niya magagawang sumalo sa Great Aunt ngayon." Malungkot na sabi ni Qing Yu kay Shen Chi.

Agad naglaho ang ngiti sa mukha ni Shen Chi. Nalukot ang mukha nito at sumilip sa loob ng Fiery Blaze Clan Hall bago nagsalita. "Kung gayon ay aalis na ako."

"Ingat." Saad naman ni Qing Yu.

Nang makaalis na si Shen Chi, doon pa lang nakahinga ng maluwag si Qing Yu. Ngunit hindi maalis sa puso niya ang pag-aalala. Hindi maganda ang naging reaksyon ni Shen Chi. Paniguradong mas hindi iyon magugustuhan ni Qu Xin Rui.

Sa Heavenly Cloud Chambers, sinabi ni Shen Chi kay Qu Xin Rui na hindi makakadalo si Jun Xie sa hapunan. Agad nandilim ang mukha nito nang kaniya iyong marinig.

"Hindi siya darating?"

"Opo." Sagot ni Shen Chi.

Suminghal si Qu Xin Rui. Naging katakot-takot ang reaksyon ng mukha nito. Ang nakatayo sa likod nito ay hindi sinasadyang naputol ang isang hibla ng buhok ni Qu Xin Rui sa sobrang kaba.

Bumalikwas ng tayo si Qu Xin Rui at sinipa ang lalaki.

"Walang silbi! Basura!"

avataravatar
Next chapter