314 Mu Chen’s Unbending Will (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang nagpapanggap si Hua Yao bilang si Ke Cang Ju na naghahasik ng lagim kalupitan. Sinilaban nito ang apoy ng galit at takot na lumalaganap sa buong Qing Yun Clan. Wala am ang sinayang na oras si Jun Wu Xie. Ginamit niya ang gabi para palakasin ang kaniyang spiritual power sa tulong ng Embellished Wooden Bead. Pumili siya ng mga halaman gamot sa Hidden Cloud Peak para mag-cultivate ng elixir na may bukod tanging epekto.

Sa gitna ng lahat ng iyon, nagawa niyang personal na tumungo sa ibang parte ng Hidden Cloud Peak para magbigay ng mga gamot sa komplikasyon sa mga ugat at arteries ni Rong Heng.

Iniisip na ni Rong Heng na patay na ang batang kaniyang sinamahan upang ihatid sa Hidden Cloud Peak. Kaya naman siya ay nagulat nang makita si Jun Wu Xie at lubos siyang nagpasalamat dito. Bago ito umalis, pinaalalahanan niya si Jun Wu Xie na mag-ingat sa Hidden Cloud Peak dahil narinig niya ang balita tungkol sa ginagawa ni Ke Cang Ju. Kaya kailangan niyang manatili sa Hidden Cloud Peak upang iwasan ang mapaghigantihan.

Ang mga disipulo ng ibang pangkat ay puno ng takot at galit sa Hidden Cloud Peak. Hindi malayong maghiganti ang mga ito sa mga disipulo ng Hidden Cloud Peak na kanilang masasalubong.

Pinakinggan naman ito ni Jun Wu Xie ng mabuti ngunit nanatili siyang tahimik. Masaya siyang nagsisimula na ang kaguluhan sa pagitan ng mga pangkat.

Unti-unting nang natutupad ang kaniyang plano sa Qing Yun Clan!

Sumasama siya kay Hua Yao at Qiao Chu para ituloy ang kanilang ginagawa ng pagkuha ng mga disipulo. Nakuha ni Jun Wu Xie na malaman ang iba-ibang sitwasyon sa iba-ibang pangkat maging ang iba-ibang personalidad ng mga Elder. Ang iba ay kalmado, ang iba naman ay galit, mayroong malungkot ngunit lahat ng iyon ay naging biktima ng kalupitan ni Hua Yao dahil sa hawak nitong pahintulot ng Sovereign. Dahil dito halos mabura na ang kanilang pinanghahawakang reputasyon.

Nagsimula nang kumalat ang gulo sa Cloudy Peaks at ang mga disipulo maging ang mga Elder ay hindi na makatulog ng maayos.

Matapos itanim ang buto ng takot sa mga pangkat, inihanda ni Jun Wu Xie ang kaniyang sarili sa huli nilang pupuntahan, ang Cloud Treading Peak ni Mu Chen!

Ang Cloud Treading Peak ay ang hindi gaanong kapansin-pansin sa labindalawang pangkat. Ito rin ang pangkat na may pinaka-kaunting disipulo. Sa buong kabundukan, ang bilang ng disipulo nito ay humigit kumulang dalawampu lang. Ang pangkat na iyon ay tanging si Mu Chen at ang halos labindalawang disipulo ang nakatira doon buong tao.

Kumpara sa ibang pangkat na halos umaabot sa isang daan ang bilang ng mga disipulo, kaawa-awa ang bilang ng kay Mu Chen.

Bihira lang tumanggap ng disipulo si Mu Chen dahil mas gugustuhin pa nitong mawalan ng disipulo kaysa tumanggap ng hindi karapat-dapat na kandidato. Kung hindi nila maaabot ang pamantayan nito, hindi siya tatanggap ng bagong tao. Idagdag pa dito, madalas na supilin ni Qin Yue ang karapatan ni Mu Chen na nagpapalala sa sitwasyon ng Cloud Trading Peak.

"Mukhang naiiba si Elder Mu Chen kumpara sa ibang Elder." Saad ni Qiao Chu habang hinihimas ang baba. Matiwasay siyang namuhay kasama ni Hua Yao habang sila ay napapalaganap ng kasakiman.

"Mmmm, kung may parte na malinis ang Qing Yun Clan, ito ay ang Cloud Trading Peak. Maaaring bata pa ang kanilang Elder ngunit ito ay malakas. Ito ay tapat at lahat ng narinig ko tungkol dito ay hindi siya nasangkot sa anumang imoral na gawain. Siya ang namumukod-tangi sa lahat ng mga pangkat." Tumango naman si Hua Yao bilang pagsang-ayon nang kaniyang ibahagi ang impresyon niya kay Mu Chen.

Tumayo si Jun Wu Xie sa paanan ng Cloud Treading Peak at tumingala para tignan ang tuktok niyon.

Sa tuktok, naaaninag niya ang isang pigurang nakasuot ng asul at nililipad ng hangin ang suot nitong roba.

Ang lalaki ay parang nakatingin sa kanilang direksyon.

"Maaari kaya nating magamit si Mu Chen?" Tumingin si Hua Yao kay Jun Wu Xie. Ang utos na sindakin ang mga Elder ay si Jun Wu Xie ang nakaisip at hinuli nito si Mu Chen. Sa kanilang daan patungo dito, nagpapahiwatig na ang mga salita nito na nakatulong kay Hua Yao na maintindihan na si Mu Chen ay naiiba sa mga naunang Elder ng Qing Yun Clan na kanilang pinuntahan.

Sa personalidad nito, hindi ito nararapat sa Qing Yun Clan.

Kung mapapakinabangan siya o hindi, desisyon niya na iyon." Yumuko si Jun Wu Xie at mukhang sinsero ito.

Ngumiti naman si Hua Yao bilang tahimik na pagsang-ayon.

Tumawa naman ng malakas si Qiao Chu at bumulalas: "Panatilihin natin ang mayabang at mapaniil na ekspresyon sa ating mukha at lumakad na!"

Ang tanging natanggal nitong sagot ay dalawang pares ng nagyeyelong titig!

avataravatar
Next chapter