1168 Mob Slap - Ikalawang Paraan (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

[Pumaslang!]

Iyon ang tanging nasa isip ni Jun Wu Xie.

At ngayon na si Jun Wu Xie ay isang ganap na blue spirit, kasabay ang perpektong

koordinasyon mula sa black beast, ito ay nagdulot sa kanila na makagalaw ng matiwasay sa

magulong battlefield, ang bilis ng black beast na hindi kayang pantayan ng mga kawal.

Ang masangsang na amoy ng dugo ay nagpamanhid na sa pang-amoy ni Jun Wu Xie.

Hindi siya ang taong mahilig sa pagpaslang, ngunit upang makamit ang paghihiganti para sa

walumpong libong spirits ng mga kawal ng Rui Lin Army, upang makuha ang paghihiganti sa

mga kawal at mamamayan ng Qi Kingdom na nabaon sa ilalim ng apoy ng giyerang iyon, hindi

niya alintana na maging isang demonyo na umakyat mula sa kailaliman ng impiyerno!

Pumatay upang matigil ang patayan!

Ang Chief Commanders mula sa dalawang hukbo ay natatarantang tumakbo upang hanapin

ang Commander in Chief ng Condor Country. Personal nilang nasaksihan ang pagdakip kay Lin

Xiao ng lalaking nakatayo sa ere na wala gaanong ginawa. Ang sitwasyon ay naging isang

nakakapinsalang estado at hindi na sila mang-aahas na magpatuloy pa sa paglusob!

"Anong gagawin natin? Ang iyong Lord Lin Xiao ay ginupo sa pamamagitan lamang ng isang

kumpas at kung ipagpapatuloy natin ang pag-atake, ay dadami ang mawawala sa ating

hanay!" Sa tono ng Chief Commander ay ibinunyag na ang takot na nararamdaman nito.

"Hindi na tayo lalaban pa! Gusto mo lumusob, gawin mo mag-isa! Ngayon na nagpakita ang

Emperor ng Fire Country, ay paniguradong hindi siya nagpunta na mag-isa lamang dito. Ang

dakilang hukbo ng Fire Country ay siguradong parating na anumang oras at aalisin ko na ang

aking hukbo dito! Sa pangyayaring ito, kami ay kinaladkad ng Condor Country. Ito ay…" Ang

isang Chief Commander ay naiisip nang umurong at siya ay muntik ng magmura ng ang lakas

ng Condor Country ay nabawasan ang kaniyang dapat ay pagbulalas sa isang di maunawaan na

pagbulong.

Ang Commander in Chief ng Condor Country ay nakabawi sa gulat habang ang malakas na

reklamo mula sa dalawang lalaki ay yumanig sa kaniyang puso.

[Dapat ba silang magpatuloy sa paglaban?]

Maging si Lin Xiao ay nasupil na. At siya ay nagtataglay ng kapangyarihan ng Purple Spirit, ang

rurok ng kapangyarihan. Ang magkaroon ng kalaban na madaling nagupo ang isang Purplr

Spirit, may pag-asa pa ba silang magwagi?

Sa mga sandaling iyon, maging siya ay naiisip na rin umatras. Sa wakas ng ang siyam na buntot

ni Lord Meh Meh ay nagpatilapon sa ilang daang kawal sa ere sa isang pagwalis lamang, ang

Commander in Chief ng Condor Country ay madali ng gumawa ng desisyon!

"Atras! Lahat ng kawal umatras na!" adali niyang linuha ang trumpeta at pinatunog iyon

upang maghudyat sa lahat na umatras at lahat ng kawal na nakapalibot sa Imperial City ay

nagsimula nang umatras tulad ng isang alon na pawala na.

Walang sinuman ang nakaisip na sa pagpapakita ni Jun Wu Xie at Jun Wu Yao, ang

magkakaanib na pwersa ng tatlong bansa ay hindi lamang natagpuan ang kanilang mga sarili

na hindi makapaglunsad ng anumang pag-atake sa Imperial City, ngunit sa loob ng maikling

panahon ay nagawa na matalo ng napakadali ang kalaban.

Ang walang humpay na pagpatay ni Jun Wu Xie, ang malupit na kapangyarihan ng Drunk Lotus

at ang pagpapakita ng dalawang napakalaking Spirit Beasts na tuluyang dumurog sa napakaliit

na kagustuhang lumaban sa kanila.

At ang isang bagay pa na sumindak sa kanila higit sa lahat, ay si Jun Wu Yao na wala gaanong

ginawang pagkilos laban sa kanila!

Ang bilang ng mga bagyo sa nakapalibot sa labas ng Imperial City ay hindi kapangyarihang

taglay ng isang mortal at sinong nakakaalam kung anong uri ng kahindik-hindik na

kahihinatnan kung siya ay talagang gumawa ng kaniyang pagkilos?

Sa pader ng Imperial City, ay nakita ng mga kawal ng Qi Kingdom ang pag-atras ng pinag-anib

na pwersa ng tatlong bansa. Sa wakas matapos mapasailalim sa mahabang depresyon, ang

mga kawal ay sumabog sa matinding kagalakan at maingay na katuwaan! Itinaas nila ang

kanilang mga kamay na may hawak na espada at iwinasiwas iyon sa ere, at ang bandila ng Qi

Kingdom na natupok ng apoy ay ibinaba at agad pinalitan ng panibagong piraso na agad

itinaas upang muling magwagayway sa itaas ng Imperial City ng Qi Kingdom!

Ito ay tulad ng maliit ngunit matatag na kaharian, tulad ng sa mabangis na pag-ungol ng

hangin, ito ay maliwanag na nakaunat at hindi lalaylay at mahuhulog!

Ang mga kaaway na hukbo ay natalo sa mabili na pag-atras, ngunit si Jun Wu Xie ay walang

balak na paalisin sila ng ganoon kadali lamang.

Pinamunuan niya si Lord Meh Meh at ang iba pa sa isang pagtugis, ngunit nakailang hakbang

sa pagtakbo pa lamang siya ng mula sa likuran ay pumulupot sa baywang niya ang braso ni Jun

Wu Yao at lumipad sila sa ere.

"Masdan mo." saad ni Jun Wu Yao habang itinataas ang kaniyang kamay upang ituro ang

direksyon kung saan patungo ang mga umurong na kalabang hukbo.

avataravatar
Next chapter