1165 Mob Slap - Ikalawang Paraan (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa eksaktong sandali na tumalon si Jun Wu Xie, ang itim na pusa sa kaniyang balikat ay biglang

lumaki sa ere at naging isang dakila at mabangis na black beast na nasalo si Jun Wu Xie ng

sila'y makababa!

Tulad ng isang gutom na gutom at mabangis na tigre na bumaba mula sa bundok, ito ay

sumalakay sa pulutong ng mga kawal!

Lumitaw bigla sa gitna ng mga natarantang hukbo ng kawal, ang blue spirit power ni Jun Wu

Xie ay nagliwanag, ang malamig na mata nito ay tila patalim, nagdala ng walang awa na

pagpatay sa mga kawal kasama ang mabangis na black beast!

Ang asul na anyong nagliliwanag ay humiwa na tila isang karit sa ilang libong kawal sa isang

asul na arko, nagsagawa ng isang matinding patayan sa mga tao na ang mga kamay ay

nabahiran ng dugo ng mga kawal ng Rui Lin Army.

Nakatayo si Jun Wu Yao sa ere, inunat niya ang kaniyang kamay upang buksan ang isang

malaking telang sako na nakasabit sa kaniyang baywang.

Biglang inilabas ni Lord Meh Meh at ng Sacrificial Blood Rabbit ang munti nilang mga ulo mula

sa sako at nagusisa.

"Meh?" tinitigan ni Lord Meh Meh ang kumpol ng mga tao sa ibaba. Sa araw na "pinakasalan"

ni Jun Xie si Qu Ling Yue, at ang kamalayan ni Qu Wen Hao ay puwersahan pinanumbalik

pansamantala, sa araw din na iyo ay kaniyang binawi ang kontrol ng Spirit Taming Bone Flute

kay Lord Meh Meh.

"Puu?" binatak ng Sacrificial Blood Rabbit ang kaniyang malalaking mga tainga at nakita si Jun

Wu Xie na sumasalakay sa pulutong ng mga tao upang paslangin. Ang balahibo nito ay biglang

naging kulay pula na parang sa dugo at sa pulang mata nito ay bakas ang hindi maitago na

pagnanasa sa dugo!

"Humayo kayo." kinuha ni Jun Wu Yao ang dalawang beast mula sa sako. Nang inihayag ni Jun

Wu Xie na sila ay tutuloy na sa pag-alis, napagdesisyunan niyang bitbitin ang dalawang

munting nilalang kasama nila.

Hayaan ang mga kawal na ito mula sa magkakaanib na tatlong bansa na ipatikim ang uri ng

takot at pagkawasak na kayang gawin sa kanila ng mga Guardian Grade Spirit Beast na ito!

Sa sandaling hinagis pababa si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit, dalawang

makinang na liwanag ang sumabog sa ere!

Ang munting mga bola ay agad na lumaki, tila dalawang munting araw ang biglang nahulog

mula sa Heavens, at bumulag sa lahat ng nasa paligid nila!

Sa sumunod na sandali!

Dalawang malalaking Spirit Beast ang biglang nagpakita sa mga kawal. Ang pagbabagong anyo

ni Lord Meh Meh na isang napakalaking puting beast ay agad dumurog sa hindi mabilang na

kalabang mga kawal ng ito'y makatapak sa lupa. Mas maliit ng bahagya ang sukat ng Sacrificial

Blood Rabbit kumpara kay Lord Meh Meh , ngunit ang bilis nito ay hindi kapani-paniwalang

napakatulin, tila isang pulang kidlat na mabilis na dumaan sa pulutong ng mga kawal at nag-

iwan ng mahabang bakas ng dugo at pagpaslang sa paggising nito.

Gamit ang dalawang Guardian Grade Spirit Beast na idinagdag, ang biong battlefield ay agad

sumabog sa matindi at perpektong kaguluhan!

Ang Commander in Chief ng Condor Country na nakaupo sa ibabaw ng kaniyang kabayo sa

likod ng mga kawal ay tuliro at tahimik na pinanonood ang naging kaguluhan sa buong

battlefield.

Hindi niya mapaniwalaan ang nakikita. Lahat ng mga naging pagkakamali niya noon ay dahil

lamang sa lakas ng hukbo ng Fire Country, ngunit ngayon, hindi pa man niya nakikita ang

anino ng hukbo ng Fire Country, tanging ang Emperor ng Fire Country lamang at ang dalawang

Spirit Beast ay nagawang itapon ang buong battlefield sa matinding kaguluhan! At ang patong-

patong na ipo-ipo na nasa harapan ng Imperial City, paano sila lulusob sa siyudad?

Samantalang ang dominanteng si "Lord Lin Xiao" na may pag-aalipusta sa mata kapag ito't

tumitingin sa lahat ay naglaho ring tuluyan sa paningin matapos ang isang atake mula sa

kaakit-akit na lalaki. Lumaki ang takot habang unti-unti itong gumagapang sa kaniyang puso at

kumalat kahit saan!

[Dalawang tao lamang iyon!]

[Dalawang tao lamang!]

[Ngunit nakapaglagay sila ng proteksyon sa palibot ng Qi Kingdom na hindi mapasok at kasing

kapal ng bakal na pader na hindi nila magawang malagpasan.]

[Laban sa nakakatakot na kapangyarihan, sino ang may kakayahang labanan sila?!]

Halos tatlong milyong kawal sa kalaban na hukbo at ang kanilang atake ay pinipigilan lamang

ni Jun Wu Xie at Jun Wu Yao. At sa buong labanan, si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao ay hindi man

lamang nagtamo ng matinding pinsala kundi gasgas lamang, sa halip ang nagtamo ng

matinding pinsala ay ang hukbo ng tatlong bansang magkakaanib!

Ang kamay ng Commander in Chief ng Condor Country na mahigpit na nakahawak sa renda ay

nagsimulang yumugyog at manginig.

Isang labinlimang taong gulang na Blue Spirit! At isang lalaki na makapangyarihan na

nagawang supilin ang isang ganap na Purple Spirit sa isang segundo lamang! At idagdag pa ang

dalawang Guardian Grade Spirit Beast, paano sila makakapagpatuloy sa labanan na iyon!?

avataravatar
Next chapter