1164 Mob Slap - Ikalawang Paraan (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bigla-bigla, si Lin Xiao ay sumalakay paharap mula sa likod ng hukbo ng mga mandirigma. Wala

siyang intensyon na isangkot ang kaniyang sarili sa nagsisimulang labanan ng Lower Realm

ngunit ang lalaking may gawa ng mga ipo-ipong iyon ay hindi lamang pangkaraniwan. Upang

magawang ipagpatuloy angplano ay kinakailangan niyang kumilos!

Si Lin Xiao ay naging isang purple na liwanag nang sumalakay siya paharap sa hukbo at isang

pares ng pakpak na may mga buto ang biglang lumabas sa kaniyang likuran, at iyon ay nagdala

sa kaniya sa ere, upang makaharap si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao!

"Sino ka?" naningkit ang mga mata ni Lin Xiao na hindi man lang tinapunan ng tingin si Jun Wu

Xie kahit isang beses, at sa halip ay nakatuon ang tingin kay Jun Wu Yao. Alam niya na ang mga

kakaibang ipo-ipong iyon ay kagagawan lahat ng kaakit-akit na lalaking ito.

Tumaas ang kilay ni Jun Wu Yao habang tinitingnan ang pakpak na gawa sa mga buto at ang

sulok ng kaniyang labi ay napangisi.

"Bone Shifting Tribe? Hanay ng mga lumilipad na ring spirit?"

Bumalatay ang gulat sa mukha ni Lin Xiao. Hindi niya inaasahan na sa Lower Realm ay

mayroong isang tao na malalaman ang kaniyang pinagmulan sa isang tingin lamang, at

nalaman din na ang pakpak sa kaniyang likod ay ang kaniyang ring spirit.

"Mula ka sa Middle Realm?" maingat na tanong ni Lin Xiao, ngunit wala siyang makitang kahit

na anong spirit powers na lumalabas mula sa katawan ni Jun Wu Yao.

Hindi siya pinanasin ni Jun Wu Yao at lumingo siya kay Jun Wu Xie.

"Gusto mo ba siyang buhay?"

Tumango si Jun Wu Xie.

Nanlilisik ang mata at nagtatagis ang bagang na tumingin si Lin Xiao kay Jun Wu Yao, iniisip

niya kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi nito.

Subalit, nang muling ibalik ni Jun Wu Yao ang kaniyang paningin ay nakita ni Lin Xiao ang pares

ng mga mata na kulay lila, bawat anggulo ay tila isang demonyo at bigla ay nagpatigil sa daloy

ng kaniyang dugo.

"Paano nangyari ito…" hindi makapaniwala na nanlaki ang mata ni Lin Xiao. Sa ilalim ng

Heavens, ang taong nagtataglay ng mata na kulay lila ay ang tanging lalaki sa mga alamat!

[Hindi siya namatay ?]

[Imposible!]

Walang katapusang kilabot ang kumabog sa buong katawan ni Lin Xiao. Bigla niyang ginalaw

ang kaniyang mga pakpak habang ang mukha niya ay tinatakasan na ng dugo, tila nakakita ito

ng multo, tumalikod siya upang mabilis na makalipad sa kabilang direksyon!

[Takbo!]

[Kailangan niyang makatakas!]

[Dahil kung hindi ay mamamatay siya!]

"Tatakbo ka palayo?" itinaas ni Jun Wu Yao ang isang kilay niya at bigla ay itinaas niya ang

libreng kamay at isang itim na usok ang pumuntirya kay Lin Xiao na tinatangkang tumakas.

Mas mabilis pa sa paglipad ni Lin Xiao ang paggalaw ng itim na usok at sa isang iglap, si Lin

Xiao ay kaawa-awang napuluputan ng itim na usok habang isang malakas na palahaw ang

lumabas sa kaniyang lalamunan!

Kahit anong gawin niyang pagpaspas ng pakpak niya upang makatakas sa bangungot na lugar

na iyon, ang itim na usok ay kinakaladkad siya pabalik sa harap ni Jun Wu Yao!

"Pakawalan mo ako! Pakawalan mo ako! Huwag mo akong patayin!" Ang matinding

kayabangan sa kaniyang mukha ngayon ay naglaho na at hindi na babalik pa, nagmukha siyang

kahabag-habag dahil sa pagkataranta at takot na bakas sa kaniyang mukha.

Sa itinaas na kamay ni Jun Wu Yao, ay unti-unti niyang isinara ang kaniyang mga daliri.

Matinding sakit ang kumalat sa bawat himaymay ng katawan ni Lin Xiao. Walang tigil na

pumalahaw at pagmamakaawa ang ginawa niya. Hindi kailanman sa kaniyang panaginip na

naisip niyang dito sa Lower Realm ay matatagpuan niya ang demonyo na nagawang pasukuin

ang buong Middle Realm!

"Nagmamakaawa ako sa'yo, huwag mo akong patayin! Da…" bago pa matapos ni Lin Xiao ang

kaniyang sasabihin ay tuluyan na itong nabalutan ng itim na usok, nilamon ito kasama ng

mga salitang hindi na nito natapos pang sabihin.

Ang kulay lila na mga mata ni Jun Wu Yao ay muling napalitan ng itim, isang nakakakilabot na

aura ang nasa likod ng kaniyang ngiti habang ang kaniyang mga labi ay napangisi. Muli niyang

ibinalik ang tingin at tinitigan si Jun Wu Xie na ang katawan ay nagliliwanag ng blue spirit. "Ibig

ba sabihin nito, si Little Xie ay may balak na lumaban?"

Sa malamig na boses ay sumagot si Jun Wu Xie: "Nais kong personal na ipaghigante ang Rui Lin

Army gamit ang dalawang kamay ko!"

Pagsabi niyon, ay kumlas siya sa yakap ni Jun Wu Yao at tumalon patungo sa makapal na

hukbo sa kaniyang paanan!

avataravatar
Next chapter