1161 Mob Slap - Ikalawang Paraan (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang pagdating ni Jun Wu Xie at Jun Wu Yao ay nagdulot ng kakaibang katahimikan sa

napakatinding battlefield, tanging ang tunog lamang na ungol ng malakas na hangin ang

dumaan sa tainga ng lahat.

Naningkit ang mata ni Jun Wu xie at tumingin sa napakagulong battlefield, nakatingin sa

hukbo ng tatlong magkakaanib na bansa na dumaluyong tulad ng isang alon. Nang mqakita

niya ang magkakaanib na hukbo ng tatlong bansa na nagmamadali patungo sa tarangkahan ng

Imperial City, ay kumulo ng husto ang kaniyang galit!

Kung nahuli siya ng dating, ang Imperial City ng Qi Kingdom ay agad na malulusob ng mga

hukbo ng tatlong bansa at ang kaniyang pamilya ay walang awang tatapak-tapakan ng mga

nakabaluting kabalyero ng pinag-anib na puwersa!

Ang galit ni Jun Wu Xie ay nagdulot ng lamig sa kaniyang mga mata. Bahagya niyang inikot ang

kaniyang paningin upang maghanap ng mga pamilyar na anyo sa loob ng Imperial City.

At nagtagpo ang paningin nila ni Jun Xian. Ang palaging malamig at kakaibang siya ay

bahagyang naantig .

[Grandfather…]

Matindi ang pagnais ni Jun Wu Xie na tumakbo patungo kay Jun Xian, upang tanungin sa

kaniyang Grandfather kung maayos lang ba ito. Ngunit wala siyang oras para doon ngayon.

Muli niyang binalik ang kaniyang tingin sa mga hukbong takot na sumisigaw sa kaniyang

harapan at malalim siyang huminga.

"Sino kayo! Bakit ninyo kinakalaban kaming tatlong bansa!?" pinuno ng Commander in Chief

ng Condor Country ang kaniyang katawan ng spirit power, at sumigaw kay Jun Wu Xie at Jun

Wu Yao na lumilipad-lipad sa ere.

Sa loob ng ungol ng hangin, itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang baba at ang nakakakilabot

niyang sulyap ay dumako sa bawat isang kalaban na hukbo habang dakila niyang sinabi:

"Nakatayo sa inyong harapan ang Emperor ng Fire state, at lahat ng narito ay hindi na

kailangang pangarapin na tumapak sa Imperial City!"

May bahid ng lamig ang boses ni Jun Wu Xie, at lubos na dominante, habang iyon ay

umalingawngaw sa kabuuan ng lupa.

Ang tinuran niya ay nagpagulat sa lahat at ang mga ito ay napasighap!

[Fire Country, iyon ang pinakamalakas na bansa sa lahat!]

[Bakit nagpakita dito sa Qi Kingdom ang Emperor ng Fire Country? At bakit nito hinahadlangan

ang mga hakbang ng tatlong bansa sa kanilang pag-atake?]

Hindi mabilang na mga katanungan ang nasa kanilang mga utak. Ang mga salitang Fir Country

ay tila isang matayog na bundok na biglang dumagan sa kanilang mga dibdib.

Bukod sa Condor Country, ang mga Commander ng dalawang bansa ay hindi mapigilan na

manginig ang mga katawan nang marinig ang deklarasyon ni Jun Wu Xie. Hindi sila malakas na

bansa kaya kinailangan nilang bumuo ng alyansa upang lumusob sa Qi Kingdom, samakatuwid,

hindi na kailangang banggitin kung gaano sila kaliit sa harap ng napakalakas na Fire Country.

Hindi kailanman sa mga buhay nila pumasok sa kanilang isip na isang araw ay makakalaban

nila ang Fire Country!

Ang dalawang Commander ngayon ay nasa estado na ng pagkataranta. Hindi sila nahirapan na

lusubin ang Qi Kingdom, ngunit kung kailangan nilang harapin ang Fire Country… Hindi na sila

nangahas na isipin pa ang tungkol doon!

Matapos masiguro ang pagkakakilanlan ni Jun Wu Xie ay mabilis nilang pinatakbo ang kanilang

mga kabayo patungo sa harapan ng Commander in Chief ng Condor Country at lubos na

kinakabahang nagtanong: "Iyon ba talaga ang Emperor ng Fire Country? Bakit nais ng Fire

Country na makialam sa mga nangyayari sa Qi Kingdom!?"

Ang isang maliit na bansa tulad ng Qi Kingdom ay hindi magagawang magtatag ng anumang

koneksyon sa Fire Country, ngunit inihayag ng bata na siya ang Emperor ng Fire Country at

iyon ay nagdulot ng pagkataranta sa kanilang mga puso.

"Ang suot niya sa kaniyang ulo ay ang korona ng Emperor ng Fire Country." nangangalit ang

mga ngipin na pag-amin ng Commander in Chief ng Condor Country.

Hindi pa nagtatagal nang maglabas ng balita ang Fire Country tungkol sa pagpapalit ng

namumuno at mayroon ding usap-usapan na ang nasabing trono ay ipinasa sa isang bata

lamang. Sa ilalim ng Heavens, ang sinumang nangahas na magpanggap bilang Emperor ng Fire

Country ay hindi nabubuhay.

avataravatar
Next chapter