1153 Mob Slap --- Unang Paraan (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa harap ng mga sundalo ng Fire Country, nangunguna si Jun Wu Xie sakay ng kaniyang kabayo. Rinig na rinig niya ang pakiusap ng CHief Commander ng Fire Country. Ngunit hindi man lang ito natinag. Dala niya ang sirang badge ng isa sa mga sundalo ng kaniyang Rui Lin Army kaya naman ang kaniyang kalooban ay nag-aalab.

"Kamahalan!" Nakasunod kay Jun Wu Xie si Lei Chen. Hindi niya mapigilan ang sarili nang marinig niya ang desperadong pakiusap ng Chief Commander ng Fire Country.

Ang isang maliit na bansa tulad ng Prosper Country ay walang binatbat sa Fire Country. Ngunit ang bansang ito ay patuloy na nagbibigay sa kanila ng buwis sa taon-taon.

Inignora ni Jun Xie ang pakiusap ng Prosper Country, hindi man lang bumagal ang kanilang mga sundalo. Malinaw na ang Prosper Country nga ang pakay ng mga ito!

Ang buong akala ni Lei Chen ay nagdesisyon si Jun Xie na pakilusin ang Fire Country sa Qi Kingdom upang iligtas ang Young Miss ng Lin Palace, ngunit sa mga oras na iyon ay mukhang hindi lang iyon ang pakay nito. Kailanman ay hindi niya pa nakitang ganito si Jun Xie. Naglalabas ito ng katakot-takot na awra, sa itsura nito ay mukhang hindi lang ito magliligtas ng tao, kundi ang burahin ang apat na bansa!

"Patayin!" Nagsalubong ang mga kilay ni Jun Wu Xie.

Ayaw niyang makarinig ng kahit ano at ayaw niya ring sumagot.

Isang bagay lang ang nasa isip niya ngayon!

Ang habambuhay na ilibing ang mga nanghimasok sa Qi Kingdom!

Dugo sa dugo! Ngipin sa ngipin!

Ang kautusan ni Jun Wu Xie na pumatay ay inilahad na. Tila isang malakas na alon ang Fire Country na walang makakapigil kahit na sinuman. Sila ay mga disiplinadong sundalo na hindi na kailangang humingi ng dahilan sa kanilang pinuno para kumilos!

Si Jun Wu Yao ay nakasakay din sa kabayo nito at nakasunod lang kay Jun Wu Xie. Ramdam niya ang galit na namumutawi sa puso ni Jun Wu Xie sa mga oras na iyon. Abot-tanaw ang kampo ng Prosper Country. Napangisi si Jun Wu Yao at maya-maya ay lumipad ito mula sa kaniyang kabayo!

Parang isang diwata, lumipad ito diretso sa kampo ng Prosper Country!

Natulala naman ang Chief Commander ng Prosper Country habang pinapanuod ang isang matipunong pigura na lumilipad papalapit sa kanila. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata!

Ikinumpas ng gwapong lalaki ang kaniyang kamay sa gitna ng kampo. At ilang saglit lang ay nilipad at nagiba ang tent!

Isang itim na buhawi ang sunod nilang nakita, nilamon ng buhawing iyon ang bawat sundalo ng Prosper Country.

Sa mabilis na panahon, kumalat ang amoy ng dugo sa paligid!

Ang mga dugong iyon ay nagmumula sa itim na buhawi!

Rinig na rinig ang mga katakot-takot na iyak ng mga sundalo!

Sabay-sabay na binali ang mga patalim, kalasag at katawan ng tao! 

"Sa ilalim ng Fire Country, ipapatikim ko ito!"

Nabuo ang magkabilaang buhawi sa tabi nito. Ang dugo ay tila naging ulan na kumalat sa kampo ng Prosper Country!

Ang mainit pang dugo ay kumalat sa mga nahulog na katawan ng sundalo. Ang mukha ng kanilang Chief Commander ay puno na ng dugo. Takot na takot ang itsura nito. Wala itong nagaw kundi ang tumitig na lang sa gwapong binata na animo'y isang demonyo!

Sa isang kisapmata lang, ang isang-daang libong sundalo ng Prosper Country ay animo'y giniling!

At hindi man lang namalayan ng mga sundalong iyon ang nangyari!

Tumayo si Jun Wu Yao sa gitna ng dugong ulan. Ang mala-demonyo nitong mata ay makikitaan ng kulay lila at handang pumatay muli! Itinaas nito ang kaniyang dalawang kamay bilang pagtanggap sa pulang ulan. Ang kaniyang mga labi ay tusong nakangisi.

avataravatar
Next chapter