1152 Mob Slap --- Unang Paraan (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Halos mabasag na ang ulo ng Chief Commander sa kakaisip kung bakit naririto ang Fire Country ngayon.

"Report!"

Isa nanamang sundalo ang nagmamadaling pumasok sa tent.

Putlang-putla na ang mukha ng Chief Commander nang siya ay magtanong: "Ano...ano nanaman ngayon..."

"Mabilis ang kilos ng Fire Country, ang kanilang direksyon ay papunta saatin!"

Isang malakas na pagbagsak ang sunod na narinig ng lahat. Nawalan ng balanse ang Chief Commander at nahulog sa kaniyang kinauupuan. Nagsimula itong pagpawisan ng malamig.

"Anong gustong mangyari ng Fire Country...Ano ba talagang gusto nila!?" Wala na sa katinuan ang Chief Commander, hinihiling na lang niyang mapapadaan lang dito ang Fire Country ngunit sa bilis ng kilos ng mga ito patungo sa kanilang direksyon, sigurado na ngang sila ang pakay ng mga ito!

"Chief Commander huwag kayong mag-panic! Ang Prosper Country at Fire Country ay walang alitan, ang ating bansa ay nagbibigay ilang taon na ring nagbibigay ng buwis sa kanila. Siguro...siguro hindi sila pupunta dito para makipaglaban. Bakit hindi niyo muna tignan ang sitwasyon sa labas, Chief Commander? Mas mainam nang linawin muna ang lahat bago tayo gumawa ng aksyon." Sabad ng opisyal.

Napalunok ng malakas ang Chief Commander. Nahirapan itong muling tumayo. Ang tuwang nasa mukha nito kanina ay agad na naglaho at napalitan ng kaba at malamig na butil ng pawis.

"Bilis! Samahan niyo ako sa labas. Sana ay mali ako ng iniisip." Nagsimula na ring manginig ang mga kamay ng Chief Commander.

Sa labas ng campo, kitang-kita na ang batalyon ng mga sundalo. Malayo pa ang distansya ng dalawang bansa sa bawat isa ngunit ang Prosper Country ay nararamdaman na ang dagundong sa kanilang mga paa!

Sa kampo ng Prosper Country, lahat ng sundalo ay ninierbyos na nanonood sa paglapit ng Fire Country. Labis na kinatatakutan ang grupo ng sundalong ito. Ang mga sundalo ay walang ibang narinig kundi ang mga yabag na papalapit sa kanila at ang malakas na tibok ng kanilang puso.

Nang makatayo na sa labas ang Chief Commander, parang bumikig sa kaniyang lalamunan ang sariling puso habang pinapanood ang galaw ng Fire Country sa burol na papalapit na nga sa kanila.

Bago pa man magsimula ang labanan sa pagitan nila, alam na niyang matatalo sila. Hindi kakayanin ng mahigit isang-daang libong sundalong hawak niya ngayon ang ganito karaming sundalo. Kaya naman nagsimulang mangatog ang kaniyang mga tuhod!

Habang pinapanood ng Chief Commander ang papalapit na Fire Country, mula sa pangangatog ng tuhod nag-umpisa na ring manginig ang kaniyang buong kalamnan. Binalot ng takot ang kaniyang puso, ngunit lakas-loob pa rin itong nagsalita: "Ano kaya ang pakay ng aming mga panauhin mula sa Fire Country dito? Napadaan lang kami dito, at kung nakaistorbo man kami, maaari niyo bang linawin samin, nang sa gayon ay magkaroon kami ng ideya sa nangyayari?"

Gamit ang spirit power, umalingawngaw ang boses ng Chief Commander at umabot sa lahat ng tenga ang kaniyang sinabi.

Subalit!

Hindi man lang bumagal ang kilos ng Fire Country! Nagpatuloy ito sa paglapit sa kanila at hindi man lang sumagot.

Naghintay ang Chief Commander ng Prosper Country ngunit nang wala itong matanggap na sagot, mas lalong nilukob ng takot ang kaniyang puso. Muli niyang ibinuka ang kaniyang bibig at ngayon, bakas na ang panginginig sa boses nito.

"Mga kaibigan namin mula sa Fire Country, maaari ba nating pag-usapan tungkol saan ito?! Kami ang mga sundalo ng Prosper Country at labis namin kayong iginagalang. Baka may hindi lang pagkakaunawaan dito? Maaari ba kayong sumagot? Kailanman ay hindi magpapakita ng kabastusan ang Prosper Country sa inyo! Kung kayo ay dadaan lang dito, itatabi namin ang kampo para kayo ay matiwasay na makaraan!"

avataravatar
Next chapter