1160 Mob Slap --- Ikalawang Paraan (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isang binatang nakasuot ng pilak na kalasag at isang gwapong binata ang nakalutang sa ere. Sa ilalim ng dugong umuulan sa paligid, nakatingala ang lahat sa dalawang taong iyon!

Sa isang kisapmata lang, halos lahat ng mga sundalo mula sa tatlong bansang lulusob sa Imperial City ng Qi Kingdom ay hinigop ng buhawing iyon! Ang lahat ay gulat na gulat sa pangyayaring iyon!

"Sino ang mga iyon!" Nanlalaki ang mga mata ng Commander in Chief na tumitig sa dalawang taong bigla na lang sumulpot sa ere.

Sa loob naman ng Imperial City, nanigas ang mga mukha ng mga sundalo habang nakatingin sa dalawang taong nasa ibabaw. Ngunit ilang sandali ay nabakas nila ang mukha ng mga ito at napagtantong pamilyar ang isa sa mga ito!

Mas matangkad ito ng kaunti at ang mukha nito ay bahagyang nag-iba. Ngunit para sa mga sundalo ng Rui Lin Army na nagpunta sa Battle Spirits Forest noon ay alam kung sino ang maliit na batang iyon!

"Young Miss…" Nanlaki ang mga mata ni Long Qi habang nakatingin sa taong nakatayo sa tabi ni Jun Wu Yao!

[Halata namang si Jun Wu Xie iyon na binago lang ang itsura!]

[Bumalik si Jun Wu Xie!]

[Bumalik ang kanilang Young Miss!]

Nakatayo si Jun Qing sa tabi ni Long Qi at ang bulong niyang iyon ay umabot sa kaniyang pandinig dahilan para siya ay magitla!

"Long Qi, sino...iyon?" Nanginginig na ang boses ni Jun Qing sa mga oras na iyon.

Bumalik ang ulirat ni Long Qi at sumagot: "Ang Young Miss, siya ang ating Young Miss."

"Wu Xie…" Bulong ni Jun Qing habang nakatitig sa maliit na pigura.

Noon, nang dumating si Long Qi dala ang balitang hindi pa makakauwi si JUn Wu Xie, kahit na nasasaktan man ay hindi na nagtanong pa ang mag-amang Jun. Alam nilang alam ni Jun Wu Xie ang kanilang ginagawa. Maaaring bata pa nga ito ngunit hindi ito katulad ng ibang mga kabataan na agresibo.

Ngunit hindi nawala ang kanilang pagkalumbay.

Nakilala ni Jun Qing si Jun Wu Yao na nasa tabi ni Jun Wu Xie. At dahil sa sinabing iyon ni Long Qi, nakumbinsi siyang si Jun Wu Xie nga iyon!

Nang mangyari ito sa Qi Kingdom, naisip na ni Jun Qing na hindi na nila makikitang mag-ama si Jun Wu Xie kahit kailan. Bukod sa lungkot, nakaramdam din siya ng pagpapasalamat na wala doon ngayon si Jun Wu Xie para danasin ang sitwasyong ito. Ang pamilya Jun ay hindi kailanman natakot na makipaglaban ngunit umaasa pa rin silang mabubuhay ng malaya si Jun Wu Xie.

Ngunit nang makita ni Jun Qing si Jun Wu Xie, samut-saring emosyon ang bumaha sa kaniyang kalooban at hindi siya makahanap ng tamang salita para ilarawan iyon!

Tumingin si Jun Qing sa kaniyang likuran at nakitang pareho sila ng reaksyon ni Jun Xian.

Hindi alam ni Jun Xian na si Jun Wu Xie ang kasama ni Jun Wu Yao. Tanging si Jun Wu Yao lang ang nakilala nito.

"Papa!" Hindi na napigilan ni Jun Qing ang kaniyang sarili kung kaya't tinawag niya ito.

Tumingin naman si Jun Xian kay Jun Qing.

Gumalaw ang labi ni Jun Qing ngunit walang lumabas doon.

[Si Wu Xie iyon. Iyon ay si Jun Wu Xie ng Lin Palace!]

Napasinghap si Jun Xian sa sobrang gulat. Nang maharap siya sa milyong kaaway, hindi siya nanginig tulad ng nangyayari sa kaniya ngayon. Ang kamay na may hawak sa espada ay di-mapigil na nanginginig.

avataravatar
Next chapter