1166 Mob Slap – Ikalawang Paraan (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Subalit, bago pa makabawi ang Commander in Chief ng Condor Conutry mula sa pagkagulat,

isang maliwanag na ilaw ang kumislap mula sa mga daliri ni Jun Wu Xie!

Isa pang putting anyo ang biglang lumabas sa kalagitnaan ng hukbo ng mga mandirigma,

gumagawa ng isa pang daluyong ng madugong pagpatay!

Tinawag ni Jun Wu Xie ang Drunk Lotus, at ang patayan ay mas nagiging matindi!

Sa loob ng Imperial City ng Qi Kingdom, lahat ng mga mandirigma na nakatayo sa pader ng

siyudad ay tuluyang natigagal nang makita ng dalawang mga mata nila ang mga nangyayari.

Hindi nila magawang maintindihan lahat ng mga nangyayari sa kanilang harapan. Bakit biglang

nagpakita ang Emperor ng Fire Country upang tulungan sila?

Ang mas ikinagulat nila ay ang munting Emperor na napakabata ng hitsura ay maaaring maging

ganoon kabagsik sa mismong sandal na lumaban ito.

[Blue spirit!]

[Iyon ay isang blue spirit!]

[Isang labinlimang taong gulang na blue spirit! Isang katotohanan na hindi nila mapaniwalaan!]

[Ang pinakanakakagulat na pangitain sa kanilang harapan ay ang dalawang dakilang Spirit

Beast!]

Kung dahil ba sa nakikita nilang kapangyarihan nito sa pag-atake o dahil sa napakalaking sukat

ng mga ito, masasabi na ang mga ito ay pinakadakilang Guardian Grade.

Ang isang Guardian Grade Spirit Beast ay bibihira lamang. Iilang tao lamang ang nakakita na

ang isang tulad nito ay nanatili sa tabi ng isang tao! Ngunit itong munting Emperor ng Fire

Country, ay nagawang magdala ng dalawang Guardian Grade Spirit Beast, at iyon ay talagang

napakaimposible sa lahat ng naroon.

Kahit sa Thousand Beast City na kilalang-kilala sa pagpapaamo ng mgs Spirit Beast, ay

kailangan gumamit ng maalamat nilang kayaman, ang Spirit Taming Bone Flute upang paamuin

ang isang Guardian Grade Spirit Beast. At ang mapasunod ang dalawang Guardian Grade Spirit

Beast ng isang tao lamang ay hindi kapani-paniwala at hindi kailanaman nangyari pa!

Ang mga kawal ng Qi Kingdom ay namangha at ang mamamayan ay hindi makapaniwala na

ang Heavens ay bibigyan sila ng isang maliwanag na pag-asa sa huling sandali.

Tanging ang Rui Lin Army…

Tanging ang mga kawal ng Rui Lin Army na nasa siyudad ay sumilip sa nasirangtarangkahan, sa

imposibleng pader ng hangin, ang kanilang mga mata ay nakatuon sa isang munting anyo na

nakitang nakadapo sa likod ng malaking beast.

Sa isang sandali, ang buong grupo ng mga lalaking may matatapang at matitibay na

paninindigan ay biglang namula ang mga mata.

Maaaring hindi kilala ng iba kung sino ang munting Emperor ng Fire Country, ngunit ang mga

lalaking iyon mula sa Rui Lin Army ay kilalang-kilala kung sino ang taong iyon higit pa sa iba!

[Ang malaking black beast na may ginintuang guhit sa dibdib, hindi ba't kapero iyon sa

pagmamay-ari ng kanilang Young Miss!?]

[Sa ilalim ng Heavens, ang tanging tao na makaksakay sa malaking black beast na iyon ay ang

Young Miss ng Rui Lin Army!]

[Jun Wu Xie!]

[Nagbalik na ang kanilang Young Miss!]

[Ang haligi ng kanilang mga puso ay nagbalik na!]

Ang mga kawal ng Rui Lin Army na handang mamatay sa pakikipaglaban sa kanilang huling

laban ay nakaramdam ng pagkulo ng duso sa kanilang mga puso sa kanilang nadiskubre!

"Lahat, sumunod sa akin sa paglusob! Hindi natin papayagan ang Majesty ng Fire Country na

lumaban sa battlefield para sa atin habang tao ay narito at nakatayong nanonood lamang!" si

Long Qi ang unang nakabawi at tumugon, mabilis siyang lumusob palabas ng tarangkahan ng

siyudad, naghudyat ng isang nakakapukaw na tawag na nakataas ang kamao sa ere!

Alam niya, hindi iiwan ni Jun Wu Xie ang Rui Lin Army, hindi niya pababayaan ang Qi Kingdom.

Anuman ang dahilan kung paano siya naging Emperor ng Fire Country, siya ay mananatili pa rin

nilang Young Miss!

"Pumatay! Pumatay! Pumatay!" bawat isang kawal ng Rui Lin Army ay napuno ang mata ng

pagnais na pumaslang, lahat ay nakahanda na lumusob palabas ng siyudad upang lumaban sa

tabi ni Jun Wu Xie.

Ngunit si Jun Wu Yao na nasa itaas ng pader ng siyudad ay biglang nilingon ang kaniyang ulo

upang tingnan ang sobrang dalawampung libong kawal ng Rui Lin Army na mariing nagtitipon

malapit sa tarangkahan. Bahagya siyang ngumiti sa kanila at sinabi: "Patawad, hindi ko

papayagan ang kahit sino sa inyo na magpunta doon."

"Young Master Wu Yao! Pakiusap magbigay ka ng daan sa harapan ng tarangkahan para sa

amin! Hayaan mo kaming lumabas doon at tumulong!" taimtim na pagmamakaawa ni Long Qi

habang nakatingin kay Jun Wu Yao. Hindi nila hahayaan na mag-isang lumaban si Jun Wu Xie.

Nakangiting sumagot si Jun Wu Yao: "Hindi ko gagawin iyon."

"Bakit?" nanlulumong tanong ni Long Qi.

"Ayokong masaktan pa ng lubusan si Little Xie. Kakaunti na lamang kayong natira sa Rui Lin

Army at kung madagdagan pa ang mamamatay ay maaaring umiyak na siya." saad ni Jun Wu

Yao at tumalikod na upang tingnan si Jun Wu Xie na patuloy sa hindi mapigilan na pagpaslang.

avataravatar
Next chapter