551 Misteryosong Itim na Bato (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isa sa mga kasamahan ni Mu Qian Fan ay nilamon ng isa sa mga kumunoy na iyon at hindi man lang nila nakuha ang katawan nito.

Bukod sa mga kumunoy na nagtatago sa makapal na hamog, maraming nagkalat na halimaw. Halos kalahati ng grupo nila ay namatay dahil sa atake ng mga Spirit Beasts. Higit sa lahat, ang lasong nakahalo sa hamog ay nakakalat lang. Napansin na nila iyon nong una pa lang. Hanggang sa kumakalat na ang mga sugat sa kanilang katawan. Doon na nila napatunayang sobrang mapanganib ang ibaba ng Heaven's End Cliff.

Hindi mo man lang makikita ang sarili mong kamay dahil sa kapal ng hamog, ang hamog ay may halong lason, ang lupa ay lusak at puno ng kumunoy, nagkalat ang matatapang na Spirit Beasts. Alin man sa mga nabanggit ay maaari mong ikamatay.

Doon naintindihan ni Mu Qian Fan kung bakit ganon na lang kalaking halaga ang inaalok ng lalaki sa kanilang pagtungo sa Heaven's End Cliff. Buhay din pala ang kapalit ng malaking halagang iyon.

Ngunit huli na para magsisi. Sa labing-isang grupong nagtungo doon, tanging si Mu Qian Fan lang ang natira. Bukod sa piraso ng Black Jade Rock na hindi nila maputol, wala na silang iba pang nakuha.

Dahil sa hindi nila nakumpleto ang mapa, hindi nila matatanggap ang kulang sa bayad. Nang bumalik si Mu Qian Fan, hinanap niya ang kliyenteng iyon. Nang malaman ng kliyente ang nangyari sa grupo ni Mu Qian Fan, nawalan ito ng interes sa pakikipag-usap pagkatapos ay hindi na muling nagpakita pa.

Tanging ang bato lang ang natira sa kaniya. Para makapag-abot sa pamilya ng mga namatayan, walang maisip na paraan si Mu Qian Fan kundi ibenta ang Black Jade Stone.

Yumuko si Mu Qian Fan matapos na ibahagi ang nangyari sa kanila sa Heaven's End Cliff. Ang nakakuyom nitong kamao ay puno ng dugo.

Ang alaala niya sa baba ng Heaven's End Cliff ay nakatatak na sa kaniyang puso. Ang mga sigaw ng kaniyang mga kinakapatid ay nagdudulot sa kaniya ng bangungot.

"Hindi iyon magandang lugar. Dapat niyong kalimutan ang inyong mga narinig at ituring itong isang kwento lamang." Ilang sandaling natahimik si Mu Qian Fan. 

Kung hindi lang sila natukso sa malaking halagang inalok sa kanila. Kung nakuntento lang sana sila sa mga simpleng misyon na kanilang ginagawa, buhay pa sana ang kaniyang mga kinakapatid at hindi sana siya naglalakad ngayon na parang mamamatay na.

Lumalala ang pinsala sa kaniyang mga katawan. Matagal-tagal na rin simula nang siya ay makabalik at ang mga sugat sa kaniyang katawan ay lumalala. Ang mga bendang nakabalot sa kaniya ay hindi para protektahan ang kaniyang mga sugat, kundi ay dahil sa natatakot siyang makita iyon ng mga tao at siya ay pandirihan at katakutan.

Ang kaniyang buong katawan ay puno ng lason na nakuha niya sa Heaven's End Cliff at nabibilang na lang ang araw niya. Ang tanging hiling niya lang bago siya mamatay, ay matulungan ang pamilya ng kaniyang mga kinakapatid.

Matamang nakinig si Jun Wu Xie kay Mu Qian Fan, ang mukha nito ay walang bahid ng kahit anong ekspresyon.

Habang sina Qiao Chu naman ay nakikiramay.

"Natakot ko ba kayo? Haha... Hindi naman ganon kasama iyon, basta huwag kayong pupunta sa lugar na iyon." Naisip ni Mu Qian Fan na natakot ang kabataang nasa kaniyang harapan kaya pinagaan niya ang sitwasyon.

"Mananatili ka ba sa Chan Lin Town?" Biglang tanong ni Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter