550 Misteryosong Itim na Bato (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bumalik sa alaala ni Mu Qian Fan ang mga pangyayari bago sila nagtungo sa Heaven's End Cliff at parang dinudurog ang kaniyang puso sa alaala ng iyon. Ang mga taong malapit sa kaniyang puso ay tuluyan na nga siyang iniwan.

Nakaasa sina Mu Qian Fan at ang mga kinakapatid nito sa pamamagitan ng mga suhol ng mga tao. Nangangaso sila ng Spirit Beasts para kumuha ng spirit stones. Nagiging alalay din sila minsan kaya niya nakilala si He Chang Le.

Hanggang sa isang araw, mayroong lalaking lumapit sa kanila at inutusan silang magtungo sa Heaven's End Cliff para Pag-aaralan ang lugar. Pinangako sa kanilang kapag magtagumpay sila sa pagtingin sa baba ng Heaven's End Cliff, sila ay bibigyan ng malaking pabuya.

Nasilaw sila sa pabuyang iyon.

Nakilala ang Heaven's End Cliff bilang isang delikadong lugar. Kaunti lang ang nakakapunta roon. Karamihan sa mga tao ay hindi alam kung saan matatagpuan ang Heaven's End Cliff pero marami ang nakakaalam sa panganib na kaakibat ng lugar na iyon. Para maiahon ang pamilya sa kahirapan , tinanggap nina Mu Qian Fan ang utos na iyon.

Binigyan sila ng dalawang daang libong tael ng lalaki bilang paunang bayad. Matapos nilang matanggap ang pera ay naghanda na sila sa pagpunta sa Heaven's End Cliff. Binigyan sila ng lalaki ng mapa, kung saan eksaktong matatagpuan ang lokasyon ng Heaven's End Cliff.

Base sa nakasulat sa mapa, aabutin sila ng kalahating buwan bago sila makarating sa Heaven's End Cliff.

Matatagpuan ang Heaven's End Cliff sa gitna ng nagtataasang mga bundok. Kailangan nilang daanan ang ilang kagubatan bago makarating doon. Sa mga kagubatang iyon ay maraming nagkalat na Spirit Beasts. Ginamit nina Mu Qian Fan ang kanilang karanasan sa pangangaso para sila ay makadaan sa gubat. Nang sila ay makarating sa cliff, naintindihan nila kung bakit Heaven's End Cliff ang pangalan ng lugar na iyon.

Ang Heaven's End Cliff ay parang talampas na malinis na pinutol ng isang patalim. Sa dulo ng cliff ay tanging mga ulap lang ang makikita. Kung ikaw ang naroon, iisipin mong ikaw ay nasa langit.

Saglit na natigilan ang grupo nina Mu Qian Fan at nilasap ang tanawing bago sila muling nagpatuloy para sa kanilang misyon. Mayroon silang dalang metal na mga kable para gagamitin sa pagbaba.

Inabot sila ng ilang araw na nakabitin lang sa mga kableng iyon.

Nang sila ay makarating sa pinakababa ng Heaven's End Cliff, lahat sila ay pagod na pagod na. Sila ay humandusay sa lupa at hindi maigalaw ang kanilang mga katawan.

"Ano ang itsura ng pinakadulo ng Heaven's End Cliff?" Tanong ni Qiao Chu na mas lalong nasabik sa kwento.

Nagbaba ng tingin si Mu Qian Fan at tumitig sa kaniyang kamay na nakapatong sa mesa. Ang matingkad na kulay pula ay nagsisimulang kumalat sa puting bendang naroon.

"Hindi ko alam..."

"Ano?" Napamulagat si Qiao Chu.

Puno ng lungkot at takot ang boses ni Mu Qian Fan: "Ang lupa sa pinakababa noon ay puno ng hamog at wala kaming makita. Hindi namin magamit ang mapa. "Tanging hamog lang ang makikita sa baba ng cliff. Habang kami ay naglalakad, doon lang namin napagtantong lusak pala ang lupa at maraming kumunoy..."

Hindi makikita ang mga kumunoy gawa ng makapal na hamog. Kaya naman saka lang mapapansin ng isang tao ang panganib na dulot non kapag nakaapak na sa kumunoy.

avataravatar
Next chapter