549 Misteryosong Itim na Bato (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Makalipas ang ilang saglit, bumalik na si He Chang Le. Napamulagat sina Qiao Chu sa lalaking kasama nito.

Matangkad at matipuno ang lalaki, at ang buong katawan nito ay puno ng benda. Kahit na natatakpan ng kasuotan nito ang iba pang benda, halatang-halata ditong puno ito ng benda sa katawan. Bago pa man ito tuluyang makalapit sa grupo, amoy na nila ang dugo nito. Tanging ang mga mata, ilong, tenga at bibig lang nito ang hindi natatakpan. Ang puting benda ay naging kulay pula na dahil sa dugo.

Marahan itong lumakad palapit sa kanila. Nang makalapit na ito kay Jun Wu Xie ay yumukod ito.

"Ako si Mu Qian Fan! Gusto ko kayong pasalamatan dahil sa inyong tulong." Malalim ang boses ni Mu Qian Fan.

Dahil sa nangyari ngayong araw, hindi alam ni Mu Qian Fan pano siya magpapasalamat sa mga ito. Kung hindi siya nakalikom ng tatlong daang libong tael, hindi niya alam paano hahanapin ang kaniyang mga kinakapatid sa kabilang buhay.

Ngunit dumating si Jun Wu Xie at isinalba siya.

Ang tatlong daang libong tael na iyon ay napakahalaga sa kaniya!

"Hindi na kailangan." Simpleng sagot ni Jun Wu Xie. Napasimangot siya ng bahagya dahil sa amoy ng dugong nanggagaling sa lalaking nasa kaniyang harapan. Natahimik siya ng ilang sandali bago naagtanong: "Nanggaling ka sa Heaven's End Cliff?"

Naisip ni Mu Qian Fan na naghihinala si Jun Wu Xie na galing talaga sa Heaven's End Cliff kaya naman agad siyang sumagot: "Oo.. Galing ako doon. Ang itim na batong ito ay nadiskubre namin sa gitna ng cliff."

"Maglahad ka ng impormasyon tungkol sa Heaven's End Cliff at ituturing ko iyong paraan ng iyong pasasalamat." Sagot ni Jun Wu Xie.

Bahagyang nagulat si Mu Qian Fan. Nang kaniyang makita ang grupo ni Jun Wu Xie, inisipi niyang nabuhay lang ang kuryosidad ng mga ito tungkol sa Heaven's End Cliff.

Nagtanong si He Chang Le tungkol sa Inn na kanilang tinutuluyan saka inutusan ang mga tauhan nito para ipadala ang bato doon. Pagkatapos ay inanyayahan ang grupo sa isang pribadong silid para sila ay makapag-usap ng maayos. Nagpadala din ito ng kanilang meryenda.

Nang lahat ay nakaupo na. Hindi naging gaanong komportable si Mu Qian Fan. Na sanay siyang ang kasalo niya ay ang kaniyang mga kinakapatid. Dahil sa pagkakaiba sa edad, naramdaman niyang hindi siya nabibilang sa silid na ito.

Kahit na simple lang ang kasuotan nina Jun Wu Xie, mataas na kalidad ang uri ng materyal na ginamit doon. Ang kanilang mga itsura ay parang nanggaling sa marangya ng pamilya, kaya naman mas lalong nailang si Mu Qian Fan.

"Kuya Mu? Kumain ka muna at umiinom ng tsaa bago mo ibahagi ang iyong nalalaman." Napansin ni Fei Yan na naiilang si Mu Qian Fan kaya naman ay nginitian niya ito.

Nag-angat naman ng tingin si Mu Qian Fan at nasalubong ang matamis na ngiti ni Fei Yan.

Agad niya namang tinanggap ang inalok nitong tsaa at ininom iyon. Napakalma naman siya ng tsaang iyon. Tumingin siya kay Jun Wu Xie at sa mga kasamahan nito at nagsimulang magsalita: "May kalahating buwan na ang nakakalipas nang kami ay magtungo sa Heaven's End Cliff. Sa totoo lang, ang aming grupo ay namuhay sa pamamagitan ng pangangaso ng Spirit Beasts. Tagong-tago ang Heaven's End Cliff ngunit kami ay sinuhulan para magtungo doon. Kaya naman kami ay nagpunta sa Heaven's End Cliff."

avataravatar
Next chapter