548 Misteryosong Itim na Bato (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binitbit naman ng mga kalalakihan ng Chan Lin Auction House ang itim na Bato palabas ng entablado. Makukuha iyon ni Jun Wu Xie pagkatapos ng auction.

Pagkatapos noon, ay muling nanumbalik ang kasabikan sa auction house. Maraming magagandang bagay ang sunod-sunod na inalagay para sa auction. 

Pagkatapos ng itim na batong iyon, wala nang bagay ang kumuha sa atensyon nilang anim. Ang mga taong naghihintay sa "tanga na naglustay ng pera" ay muling nabigo.

Isang oras pa ang lumipas at naubos na ang mga bagay na para sa auction.

Marami ang umalis na nasisiyahan, dala ang mga bagay na kanilang nakuha.

Dahil si Jun Wu Xie ang nakabili ng "malaking" bagay, kailangan niyang maghintay hanggang sa dalhin sa kaniya ang Black Jade Stone.

Kasama ng mga kalalakihang may dala ng bato ang lalaking nakasuot ng magarbong roba.

"Magandang gabi sa inyong lahat, ako ang may-ari ng Chan Lin Auction House at ako si He Chang Le. Hindi kayo pamilyar sa'kin. Ito ba ang unang beses niyong maparito?" Nakangiting bati ni He Chang Le sa kanilang lahat.

Tumango naman si Jun Wu Xie, hindi ito interesadong makipag-usap kay He Chang Le.

Nagpatuloy naman si He Chang Le: "Dahil kayo ay baguhang kustomer, at masyadong mabait ang una niyang bid, bilang may-ari ng Chan Lin Auction House, may ibibigay akong emblem bilang regalo." May inilabas itong gintong emblem sa palad nito. Nakaukit doon ang salitang "Chan Lin".

"Gamit ang emblem na ito, lahat kayo ay diretsong makakapasok sa aming mga pribadong silid sa oras na kayo ay babalik sa Chan Lin Auction House nang walang kahit na anong dagdag na bayad."

Saglit na sinulyapan ni Jun Wu Xie si He Chang Le bago sinenyasan si Qiao Chu. Agad namang lumapit si Qiao Chu para tanggapin ang emblem.

Para namang nadudurog ang puso ni Qiao Chu dahil sa kaalamang sila ay gumastos ng tatlong daang libong tael sa auction. Kahit paano, hindi na nila kailangang magbitaw ulit ng pera para sa private room dahil sa emblem na ito.

Nakita naman ni He Chang Le na tinatanggap iyon ni Jun Wu Xie, kung kaya't siya ay napangiti. "Sa totoo lang, dahil sa binili niyong itim na bato, mayroon kayong na tulungan kaibigan ko. Kung hindi kami makakaabala, gusto niya sana kayong makahanap para pasalamatan."

Nagtaas naman ng isang kilay si Jun Wu Xie, bago pa siya makasagot ay inunahan na siya ni Hua Yao: "Kung bukal iyon sa kaniyang kalooban, papuntahin mo siya."

Tumango naman si He Chang Le at sinundo ang kaniyang kaibigan.

Umatras si Hua Yao at bumulong kay Jun Wu Xie: "Ang Black Silver ay isang bagay na hindi mo matatagpuan sa Lower Realm. Tanging sa Middle Realm mo lang iyon makikita. Ang Black Jade Stone ay hindi nga dapat naririto. Kung ang Black Jade Stone ay galing nga sa Heaven's End Cliff, mayroon iyong mga sikreto."

Paanong ang isang bagay na matatagpuan lang sa Middle Realm ay napunta sa Lower Realm?

Agad namang nakahula si Jun Wu Xie.

Ang hinala nina Hua Yao ay may kaugnayan ang Black Jade Stone sa puntod ng Dark Emperor.

Dahil sa kanilang naisip, hindi na kailangang magsalita pa ni Jun Wu Xie, ngunit...

Nabanggit ni Hua Yao na ang Black Silver ay hindi matatagpuan sa Lower Realm, paanong may alam si Fan Zhuo doon?

Natatandaan ni Jun Wu Xie na s Fan Zhuo ang unang nakapansin sa Black Jade Stone, at siya rin ang nagsabing maaaring makuha ang Black Silver sa Black Jade Stone. Paano nalaman ni Fan Zhuo ang tungkol sa bagay na tanging sa Middle Realm lang matatagpuan?

Sumeryoso ang mukha ni Jun Wu Xie habang iniisip iyon. Tinignan niya si Fan Zhuo at nakitang nakatitig ito sa Black Jade Stone. Parang hindi nito naririnig ang usapan nila ni Hua Yao.

avataravatar
Next chapter