544 Misteryosong Itim na Bato (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahil sa kalapitan nito sa Zephyr Academy, ang malaking bahagi ng kliyente ng Chan Lin Auction House ay mula sa mga disipulo ng Zephyr Academy. Ang mga taong nakakapag-aral sa Zephyr Academy ay galing sa mayayamang pamilya at may mga makapangyarihan. Hindi makukuha ang atensyon nila ng mga ordinaryong alahas. Kaya,ang Chan Lin Auction House ay walang ordinaryong kayamanan, maraming negosyante ang pumupunta dito, dala nila ang bihira at mga natatanging at mahahalagang gamit.

Nagsisimula ang subasta sa Chan Lin Auction House sa pagkagat ng dilim. Malalim na ang dilim at ang subasta ay nangangalahati ng tapos.

Nang nakarating na si Jun Wu Xie at ang kanyang mga klasama sa amboy, nagdala sila ng bagong aytem sa entablado at ang mainit na alok ng pagpepresyo ay nagsimula na.

Mayroon silang pribadong silid at nasa ikalawang palapag ito. Ang mga indibiduwal na silid ay para sasa mga bisitang ayaw magpa istorbo at pwede silang maglibang sa silid na ito na may nakapirming bayad. Nagbayad si Jun WU Xie at ang anim na kasama niya at tumngo sila sa ikalawang palapag.

Hindi ganoon kalaki ang silid at may tatlong nakapalibot na pader. Ang ikaapat sa gilid,ay nakaharap sa entablado ng malapitan na may magandang nakaukit na kahoy sa mababang baranda.

Pagka upo nila ay may binibigay na inumin sa anim na makakasama . Tuminigin sila sa mga aytem nanaka display sa entablado.

Karamihan sa aytem na nilalagay ngayon sa amboy ay mga Spirit Stones at ang mga Medium Grade at Minimum Grade at mga bagay na mas mababa pa ang halaga ay hindi na tinatanggap sa amboy.

Nakamasid lang si Jun Wu Xie sa subasta. Wala pa siyang nakikitang aytem na nilalagay para pagkainteresan niya. Kahit ang mga sumunod na aytem ay di nakuha ang atensyon niya.

Kung pag gagastos ang pag-uusapan,konti ang interes ni Hua Yao, Qiao Chu at ng iba at tanging si Fan Zhuo lang ang nasasabik panoorin ang subasta at kung paano ito ginagawa.

Nakalipas na ang ilang oras na nakaupo lang sila silid, at noong nabbagot na si Jun Wu Xie, isang iyak ng alarma ang tumunog galing sa unang palapag ng Auction House.

Napukaw ang atensyon ng anim na kabataan sa silid dahil sa iyak na iyon!

Sa entablado,isang itim na baton a halos kasing laki ng kalahati ng tangkad ng isang normal na lalake ang binubuhat pataas. Ang itim na bato ay tila napakabigat at ang buong kulay nito ay itim lang, ang mga marka nito sa gilid nit ay mukhang nagdaan sa maayos na panahon.

Ang misteryosong baton a hindi malaman kung saan ang pinanggalingan ay dinala sa amboy ng ganito at ipinagtataka ito ng karamihan. Ang taga subasta ay pinapanatili ang kanyang mga ngiti, ngunit sa loob loob niya ay nahihirapan siya kung paano niya ito ilalarawan.

Habang dinadala sa ang itim na bato, hindi makapaniwala ang mga tingin ng tao dito.

Ngunit pamilyar sa may-ari ng Chan Lin Auction House ang taong nagdala nito. Paulit-ulit niyang sinisiguro sa may-ari na natatangi at napakahalaga ng aytem na ito bago pa man nila tanggapin . inaasahan na kapag nasa entablado na an g aytem na ito ay siguradong mag-iingay ang mga tao sa pananabik sa pag-subasta.

Palingon-lingon ang mga taong nakaupo at nagatatka sa misteryosong batong na hindi malamaan kung saan nanggaling, naghihintay sila sa taga subasta para pakinggan ang panimula nito para sa misteryosong aytem.

Ngunit, ang sabi lang ng lalake na may malamig na ekspresyon sa mukha ay: "Ang itim na batong ito ay nadiskubre sa lupain na lagpas pa sa Heaven's End Cliff at nagtataglay ito ng misteryosong kapangyarihan. Ngunit napakatigas ng batong ito na hindi kayang putulin. Kung sino man dito ang makakalutas sa problemang ito, ay siya ang mananalo at magsisismula ng presyo para dito."

Ang Heaven's End Cliff ay walang hanggang lalim na bangin. Ang dulo ilaim nito ay natatabunan ng makapal na hamog at walang sinuman ang naglakas ng loob bang bumaba dito. Ilang tao na ang sumubok sukatin ito, ngunit daan-daang metro n g pisi at hindi pa rin naabot ang dulo nito at simula nun, wala ng may gustong bumyahe papunta doon.

Maraming nagsasabi na sa pinakailalim n g Heaven's End Cliff ay maraming napaka makapangyarihang Guardian Spirit Beasts na nakatira at kung sino man ang nagbabalak sumubok papuntang ilalim ay sinasabing naglalaho, at ang paniniwala nila dito ay nilalamon ng makapangyarihang Guardian Grade Spirit Beasts.

Misteryosong lugar at ang nakakatakot na mga haka-haka na bahay ito ng mga Guardians Grade Spirit Beasts ay inaabisuhan huwag ng tumuloy ang sinumang may interes dito kahit konti at walang may alam kung ano ba talaga ang nasa Heaven's End Cliff.

avataravatar
Next chapter