182 Might of the Qing Yun Clan (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga karwahe ay tumigil sa labas ng Imperial Palace. Handa ang mga guwardiya at tumayo na winewelcome ang mga ito. Nakatayo naman si Mo Qian Yuan sa harap ng Palace suot ang dragon robe. Nakangiti ito sa mga bisita.

Lumabas si Qin Yu Yan sa karwahe. Ang ganda nito ay umaakit sa mga mata ng naroon.

"Isang masigabong pagtanggap kay Miss Qin." Hindi nagpakita ng pagmamataas si Mo Qian Yuan bilang Emperor. Lumapit siya sa mga ito at ngumiti.

Sumimangot naman si Jiang Chen Qing sa batang Emperor. "Ikaw ang Emperor of Qi?" Salang bahid ng pagrespeto ang tono ng pananalita nito.

Ipinagsawalang-bahala na lang ito ni Mo Qian Yuan at tumawa. "Ang dating Emperor at hindi na maganda ang kalusugan, kaya naman ipinasa niya ang trono at ako ang kasulukuyang Emperor ng Kingdom of Qi."

"Ikaw si Mo Qian Yuan?" Tanong ni Jiang Chen Qing.

"Tama."

Nanlamig naman ang ekspresyon ni Jiang Chen Qing sa tugon nito. Ang spiritual power na ito ay nagsimulang lumaganap sa kaniyang katawan. Nakaramdam si Mo Qian Yuan ng pwersa ss kaniya at hindi siya makahinga ng maayos dahil dito.

"Mukhang totoo nga ang sinabi saatin ni Yun Xian, nakipag-ugnay ka sa malanding babae na taga Jun Family na gustong saktan ang disciple of the Qing Yun Clan."

Akmang aatake sana ulit si Jiang Chen Qing!

Nang magpahatid ng mensahe si Bai Yun Xian sa Qing Yun Clan, nabanggit nitong nakipagkampi si Jun Wu Xis sa Crown Prince na si Mo Qian Yuan. Ngayong nasiguro niya nang ang trono ng pagiging Emperor ay napasakamay na ni Mo Qian Yuan, naramdaman niyang sapat na ito para patunayan ang mensahe ni Bai Yun Xian!

"Hayaan niyo akong magpaliwanag! Sino sa Kingdom of Qi ang nangahas na galawin si Miss Bai? May isa pang dahilan kung bakit nagpadala ng ganoong mensahe si Miss Bai sa Qing Yun Clan. Ang tunay na sitwasyon ay ibang-iba!" Sagot ni Mo Qian Yuan na pilit kinakalma ang sarili.

"Hayaan niyo siyang matapos, Uncle Jiang." Pakikisali naman sa usapan ni Qin Yu Yan.

Pinigilan naman ni Jiang Chen Qing ang kaniyang spiritual power ngunit nanatili ang tingin kay Mo Qian Yuan.

Nakahinga naman ng maluwag si Mo Qian Yuan. Akala niya ay hindi maingat si Bai Yun Xian, ngunit kumpara kay Jiang Chen Qing, ang baliw na gusto agad pumatay, mas maayos na lang si Bai Yun Xian.

Humakbang naman palapit si Qin Yu Yan at tipid na ngumiti.

"Wala kang dapat ipag-alala, Kamahalan. Nag-aalala lang si Uncle Jiang sa kaligtasan ni Bai Yun Xian. Kung may hindi man pagkakaintindihan, mabuti pang solusyunan ito ng maaga." Malumanay ang tinig na saad ni Qin Yu Yan.

Ang boses nito ay parang punong-puno ng pag-iintindi kaya naman ang mga tao ay pabulong na pinupuri ito.

Eldest Miss of Qing Yun Clan. Isang namumukod tanging babae!

"Eldest Miss, nagpapasalamat ako sa iyong pang-uunawa. Sa katunayan ay apektado ang Kingdom of Qi dahil dito. Siguradong napagod kayo sa paglalakbay. Bakit hindi muna kayo magpahinga sa loob ng Palace habang naghihintay kay Miss Bai upang linawin ang lahat?" inanyayahan naman sila ni Mo Qian Yuan na may ngiti sa mga labi ngunit walang tuwa sa puso.

Bilang pinuno ng kaharian na nakaharap sa Qing Yun Clan, siya ay papatayin ng mga ito kung gugustuhin lamang ng mga ito. Malaking kahihiyan iyon bilang pinuno.

Ngumiti naman at tumango is Qin Yu Yan. "Mabuti pa nga siguro. Salamat."

"Ikinagagalak ko."

Nang magsimulang magsalita si Qin Yu Yan ay hindi na nagsalita ang mga kasamahan nito at sumunod na lang sa kaniya.

Tinitigan ni Jiang Chen Qing si Mo Qian Yuan at sinabing: "Huwag mong iisiping ganon kadali ka na lang makakatakas. Kapag pumasok kami sa Palace at mapatunayan naming ikaw ay nagsisinungaling, sinasabi ko na sa'yo, hindi dapat pinaglalaruan ang Qing Yun Clan." Agad na itong sumunod kay Qin Yu Yan papasok sa Imperial Palace pagkatapos nitong sabihin iyon.

Tiningnan na lamang ni Mo Qian Yuan ang likod ng mga bisita. Ang kaniyang likod ay pinagpawisan dahil sa tensyon kani-kanina lang.

avataravatar
Next chapter