867 Mga Panauhin Mula sa Beast City (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binuksan ni Feng Yue Yang ang pinaglalagyan ng halamang gamot at matiim itong sinuri. Pagkatapos ay sunod nitong sinuri ang mga elixir.

"Kumusta? Nagbigay ba sila ng maling gamot? Kung hindi, bakit wala pa ring malay ang ating Young Miss?" Nag-aalalang tanong ni Xiong Ba. Matapos nitong maabutan si Imperial Physician Li na masayang nakikipagkwentuhan sa mga duktor saa silid. Hindi na siya nagtitiwala sa mga ito.

Hindi nagawang mapigilan ni Imperial Physician Li ang kaniyang sarili kung kaya't agad itong sumagot: "Hall Chief Xiong, hindi man kami kasing-galing ni Senior Feng, maingat at responsable pa rin kaming mga duktor. Sa pagkatao ni Miss Qu, paano kaming mangangahas na ipahamak siya?"

Tumikhim lang si Xiong Ba at inirapan ito.

Umiling si Feng Yue Yang at sinabing: "Masyado kang nag-aalala, Hall Chief Xiong. Wala namang mali sa binigay nilang gamot sa ating Young Miss. Makikita mong nag-iingat talaga sila sa ating Young Miss dahil sa hindi matapang ang mga gamot na ibinibigay nila dito. Pero dahil sa malubha at komplikado ang kalagayan ng ating Young Miss, ang bigyan ito ng matatapang na gamot ngunit hindi sigurado ay baka makasama lang lalo."

Nakahinga naman ng maluwag si Imperial Physician Li sa kaniyang narinig mula kay Feng Yue Yang.

Nagpatuloy magsalita si Feng Yue Yang: "Bagamat hindi nga makakasama ang mga gamot na iyon sa katawan ng ating Young Miss, kung patuloy na ganitong klase ang ipapainom sa kaniya, imposible ngang gumaling pa siya. Ang totoo niyan, ang kalagayan ng ating Young Miss ay mahirap. Kahit ako, kailangan ko ng maraming oras para tuluyan siyang mapagaling. At kung titignan ang katawan ng ating Young Miss ngayon, mukhang hindi na nito kakayanin maghintay ng matagal." Nagpakawala ng marahas na buntong-hininga si Feng Yue Yang. Maririnig ang pag-aalala sa boses nito.

Mas lalo namang ninenerbiyos ang mukha ni Xiong Ba pati na rin ang binatilyong nasa tabi nito.

Isang malamig na boses ang bummasag sa katahimikan ng lahat.

"Sa simpleng pinsalang natamo niya, kailangan ba talaga ang preparasyon?"

Lumingon ang lahat sa pinanggalingan ng boses.

Nabaling ang atensyon ng lahat kay Jun Wu Xie na ngayon lang nagsalita.

"Ikaw bata! Mamemerwisyo ka nanaman dito!? Hindi ba't pumayag ka nang kapag hindi mo nagawang pagalingin si Qu Ling Yue ay hindi ka na magpapakita dito!?" Sumabog ang inis ni Imperial Physician Li nang kaniyang marinig na sumali sa usapan si Jun Wu Xie.

Tumaas ang isang kilay ni Jun Wu Xie at sinagot si Imperial Physician Li: "Nagsasabi lang ako ng totoo. Kailangan ba talagang magalit?"

"Ikaw!"

"Babae, saan ka nagmula? Alam mo ang sinasabi mo?!" Lukot ang mukhang saad ni Xiong Ba. Masyado siyang nag-aalala kay Qu Ling Yue at hindi niya napansin ang babaeng nasa tabi ni Lei Chen. Ngayong napansin niya na ito, napagtanto niyang maganda ito ngunit sa paraan ng pagsasalita nito ay hindi nga talaga ito magugustuhan.

"Katotohanan." Sagot ni Jun Wu Xie. Bahagya itong nagtaas ng baba. Pinagkrus nito ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib. Hindi ito natitinag habang pinapaikot ang tingin sa mga taong nasa kaniyang harapan.

Agad napansin ni Jiang Ying Long na bumibigat ang sitwasyon sa silid. Agad itong humakbang paharap at sinabi kay Lei Chen: "Kamahalan, naniniwala akong hindi niyo nakakalimutan ang napagkasunduan natin noong una."

Umangat ang isang kilay ni Lei Chen.

Ang binatilyo mula sa Thousand Beast City ay may napansing kakaiba sa kumosyon: "Maaari niyo bang sabihin saakin kung ano ang kasunduang iyon?"

Nagimbal si Jiang Ying Long.

Kung malalaman ng mga taga Thousand Beast City na hinayaan niyang makisali ang isang batang babae sa paggamot kay Qu Ling Yue, paniguradong sasabog sa galit si Xiong Ba!

avataravatar
Next chapter