866 Mga Panauhin Mula sa Beast City (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ano ngayon kung siya ay green spirit? Sino siya sa akala niya!? Dahil sa paggalaw niya sa aming Young Miss, hindi namin siya basta-bastang papatawarin!" Saad ni Xiong Ba.

Lihim na nakahinga ng maluwag si Jiang Ying Long at sinabing: "Tama. Paniguradong mananagot ang Jun Xie na iyon. Pero ang mas mahalaga ngayon ay ang gumaling si Qu Ling Yue."

Tumango si Xiong Ba at lumingon sa mga nag-uusap na mga duktor kasama ni Imperial Physician Li.

"Walang magawa ang mga duktor ng Yan Country at hindi na kami gaanong umaasa sa kanila. Hihingin na natin ang tulong ng sariling duktor ng Thousand Beast City." Pagkatapos sabihin iyon ay humarap si Xiong Ba sa matandang duktor at magalang na sinabi: "Pakiusap Senior Feng, gawin mo lahat para iligtas ang aming Young Miss."

Tumango ang matandang lalaki. "Iyan ang aking tungkulin sa pagpunta dito. Hall Chief Xiong, pangako gagawin ko ang lahat ng aking makakaya.'

Tumitig si Imperial Physician Li sa matandang lalaki. Ang puso niya ay puno ng pagdududa. Nang marinig niyang tawagin ito ni Xiong Ba na Senior Feng, umurong ang kaniyang dila at piniling manahimik.

Sa mga oras na ito, bukod sa Qing Yun Clan na bigla na lang naglaho, marami pa rin ang masasabing mga mahuhusay na duktor. Ang mga taong iyon ay namuhay sa kabundukan at bihirang magpakita sa mga tao. Ngunit ang kanilang husay sa medisina ay hindi makakalimutan. Maaaring mas mababa ang kanilang galing sa Qing Yun Clan sa pag-cultivate ng elixir, ngunit ang kanilang husay bilang mga duktor at physician ay namumukod tangi.

Ilan sa mga ito ay ang tatlong sinasabing Divine Doctors, isa sa tatlong iyon ay si Feng Yue Yang. Ayon sa mga kwento, bata pa lang ito ay nagsimula na itong magbasa-basa ng libro tungkol sa medesina. Nong magsimula itong magbinata ay sumikat na ito at bumalik sa kabundukan noong tumanda. Ngunit ilang taon ang nakararaan ay nabalitaang naging kabilang ito sa Thousand Beast City at naging resident Physician ng Thousand Beast City.

Arogante at mayabang si Imperial Physician Li. Ngunit nang iharap ito kay Feng Yue Yang ay hindi ito nagpakita ng kagaspangan.

"Ngayon ko lang napagtanto na nasa harap ko pala ang ginagalang na si Senior Feng. Ako, bilang iyong junior, ay maraming narinig tungkol sa galing mo noon sa medesina. Ikinagagalak kong sa wakas ay makaharap ka." Biglang naging mahinahon at mabait si Imperial Physician Li. Yumukod ito ng kaniyang batiin si Feng Yue Yeng.

Sinulyapan naman ito ni Feng Yue Yeng at tumango. Lumapit si Feng Yue Yeng sa tabi ni Qu Ling Yue para suriin ang pulso nito. Biglang nagkaroon ng katahimikan sa loob ng silid. Walang nangahas na istorbohin si Feng Yue Yang sa kaniyang ginagawa.

Si Imperial Physician Li naman ay lihim na sinulyapan si Jun Wu Xie na nakatayo sa tabi ni Lei Chen.

Ang ekspresyon sa mukha nito ay parang sinasabing, hindi maikukumpara si Jun Wu Xie sa isang Divine Doctor na si Feng Yue Yang.

Makalipas ang ilang sandali ay nalukot ang mukha ni Feng Yue Yang nang humarap ito sa mga taong naroon sa silid. Kinakabahang nagtanong si Xiong Ba: "Senior Feng, saan tinamaan ang ating Young Miss? Malubha ba ito? Magagawa niyo ba Senior Feng..."

Inangat ni Feng Yue Yang ang kaniyang kamay para patigilin si Xiong Ba sa sunod-sunod nitong pagtatanong.

"Hall Chief Xiong, huwag kang magmadali. Alam ko na ang kalagayan ng ating Young Miss. Kailangan ko lang makausap ang mga duktor. Kalmahin mo muna ang sarili mo Hall Chief Xiong."

Walang nagawa si Xiong Ba kundi ang manahimik sa isang tabi. Bakas sa mga mata nito ang labis na pag-aaalala.

"Sa mga nagdaang araw, kayo ang gumamot sa aming Young Miss?" Tanong ni Feng Yue Yang. Diretso itong nakatingin kay Imperial Physician Li at pagkatapos ay tiningnan din ang iba pang mga duktor.

Agad namang tumango ang grupo ng mga dukto. Alam nilang lahat kung gaano kagaling si Feng Yue Yang at nararapat lamang na sila ay magbigay-galang dito.

"Pwede niyo bang ipakita saakin lahat ng elixir na ibinigay niyo sa aming Young Miss?" Mahinahong saad ni Feny Yue Yang.

"Pwedeng-pwede ho! Maghintay lang ho kayo dito at ito ay kukunin namin." Agad nagsialis ang mga duktor at pagkatapos ng ilang saglit ay bumalik ang mga ito dala ang mga elixir at halamang gamot na kanilang ipinainom kay Qu Ling Yue.

avataravatar
Next chapter