1082 Mga Hinaing (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dahan-dahang lumipat ang sulyap ni Jun Wu Xie sa Sacrificial Blood Rabbit. Sa pares ng

mapupulang mga matang iyon ay nakita niya ang matinding takot at kawalang magawa

habang patuloy na ginagamit ng Sacrificial Blood Rabbit ang ilong nito upang itulak si Lord

Meh Meh palapit lalo sa pagkakayakap kay Jun Wu Xie.

Samantalang si Lord Meh Meh ay hindi man lang kumilos at tila nahulog ito sa isang malalim

na pagkakahimbing.

Walang kahit na anong salita ang namutawi sa labi ni Jun Wu Xie ngunit ang paligid ay tila

naging kakaiba at wala ni isa man ang nangahas na gumawa ng isang hakbang upang lumapit.

Tinitigan ni Xiong Ba si Jun Xie na parang bigla ay hindi niya kilala at bigla itong napalunok.

"Jun Xie… Hayaan mo akong magpaliwanag… Ang mga kaganapan na ito… ay hindi tulad ng

naiisip mo." nang magsalita si Xiong Ba ay naramdaman niya ang panginginig ng kaniyang mga

kamay.

Sa mga sandaling iyon ay pinaramdam sa kaniya ni Jun Xie ang matinding takot.

"Magsalita ka." dahan-dahang itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo, sa mata nito ay

mababakas ang pagiging kalmado ngunit sa hindi malaman na kadahilanan ay mas lalong

nakaramdam si Xiong Ba at ang iba pa ng pagkataranta dahil doon.

Malinaw na mukhang malamig at kalmado si Jun Xie katulad ng pagkakakilala nila sa bata

noon, ngunit ito ay nagbigay sa kanila ng pakiramdam ng kilabot na sagad hanggang sa

kanilang mga buto.

Nagsikap si Xiong Ba na sabihin ang tamang mga salita nang ibuka niya ang bibig ngunit hindi

niya alam kung ano ang sasabihin.

Sa pagkakatong ito kahit paano mo pa ito sabihin ay talagang mali ito…

Bagama't ang dahilan sila upang gawin iyonay dahil sa wala na silang ibang mapagpipilian,

ngunit… ano ang kinalaman doon ni Jun Xie? Si Jun Xie ay nagpunta sa Thousand Beast City

upang tulungan silang lahat ngunit anong ginawa nila? Upang magawa na sagipin ang isa sa

mga tao nila ay pinili nilang isakripisyo ang Spirit Beast ni Jun Xie? At dumating pa sa punto na

hindi sila tumupad sa kanilang kasunduan sa simula, pinagtaksilan ang tiwala at tinalikuran

ang katapatan…

Ang mga salita ay nasa dulo na ng dila ni Xiong Ba ngunit ang lahat ng iyon ay nanatili lamang

sa leeg ni Xiong Ba at hindi niya magawa na sabihin lahat iyon.

Lahat ng mga salitang iyon ay hindi niya masabi at hindi na nangahas na sabihin pa…

Sa huli, sila ang bumigo kay Jun Xie.

Malamig na tinitigan ni Jun Wu Xie si Xiong Ba, at si Jun Wu Yao na nasa kaniyang tabi ay hindi

inalis ang kaniyang tingin sa mukha ni Jun Wu Xie, tinitingnan si Jun Wu Xie na kung tumaas

ang kilay nito ay mabilis niyang buburahin ang buong Fiery Blaze Clan Hall ng dugo!

Walang masabi si Xiong Ba at hiyang-hiya naman si Qing Yu na ibuka ang kaniyang bibig. Para

sa kanilang dalawa, ang kanilang ginawa dito ngayon ay kasuklam-suklam!

Tumingin si Qu Wen Hao kay Jun Wu Xie at mula sa karamihan, siya ay naglakad paharap. Sa

harapan ng lahat ay bigla na lamang siyang lumuhod sa harapan ni Jun Xie, tuluyang

kinalimutan ang matinding sakit na nararamdaman niya s akaniyang braso habang

nagmamakaawang tumingin kay Jun Xie.

"Young MAster Jun! Hindi ko alintana na ikaw ay hindi isang pangkaraniwang tao. Ang

pangyayari ngayon ay nagsimula lahat dahil sa akin. Alam kong hindi ako karapat-dapat na

humingi ng iyong kapatawaran ngunit wala akong ibang magawa kungdi ang magmakaawa sa

iyo. Maaari mo bang ibigay ang iyong Spirit Beast sa akin! Si Qu Xin Rui… si Qu Xin Rui ay

binihag si Ling Yue. Nagbanta siya sa akin… na gamitin ang Spirit Taming Bone Flute upang

nakawin mula sa iyo ang Spirit Beast dahil kung hindi ko gagawin ang gusto niya ay kaniyang

papatayin si Ling Yue! Young Master Jun! Alam ko na ang isang kasuklam-suklam na taong

katulad ko na sumira sa iyong tiwala at tinalikuran lahat ng aking mga salita ay hindi

nababagay na makipag-usap sa iyo tungkol sa mga tuntunin. Ngunit tanging si Ling Yue lamang

na aking anak ang mayroon ako at siya ay inosente. Nagmamakaawa ako sa iyo. Ibigay mo sa

akin ang iyong Spirit Beast at hayaan mo akong sagipin ang aking anak! At kung makakabalik

ng maayos si Ling Yue dito ay iaaalay ko ang aking buhay sa iyo o kaya ay iyong pahirapan

kung iyong nanaisin!"

Nakaluhod sa harap ni Jun Xie ang Grand Chieftain ng Thousand Beast City, pumapalahaw at

nagmamakaawa.

[Trinaydor niya ang tiwala ni Jun Xie at inabandona ang katwiran. At binayaran niya ang

kabutihan ng panlilinlang hindi dahil sa siya ay masama at naghahangad ng kasamaan sa

kapwa kungdi dahil sa ang kaniyang mundo sa ilalim ng kalangitan ay umiikot sa kaniyang anak

na ngayon ay bihag ng iba at wala siyang magawa kundi ang sumunod sa kanil, pinilit gawin

ang isang bagay na napakarumi na maging siya ay nasusuklam sa kaniyang sarili!]

[Tanging ang anak na lamang niya ang mayroon siya. Kaya niyang isakripisyo ang lahat. Basta't

maibalik lamang niya ng ligtas ang kaniyang anak ay wala siyang hindi gagawin!]

avataravatar
Next chapter