1081 Mga Hinaing (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Halos bawat disipulo ng Fiery Blaze Clan ay biglang nakaramdam ng pagkakasala na

umuusbong sa kanilang mga puso sa sandaling makita nila si Jun Xie at patay-malisya na

itinago ang mga sandatang hawak nila sa kanilang likuran at hindi makatingin ng diretso sa

mata ni Jun Xie.

Matinding gulat na itinaas ni Xiong Ba at Qing Yu ang kanilang mga ulo at nilingon si Jun Xie.

Ngunit sa isang tingin na iyon, ay halos nanlamig ang kanilang puso!

Bagama't alam nila ang malamig na katuhan ni Jun Xie ngunit ang sulyap nito sa kanila ay hindi

kababakasan ng poot. Hindi man nito pinaramdam ang pagiging malapit ngunit hindi nagbigay

sa kanila ng pakiramdam si Jun Xie na malayo o pangingilag.

Ngunit sa mga oras na ito!

Kitang-kita nila ang matinding poot sa mata ni Jun Xie at ang kalamigan na magdudulot ng

kilabot sa isang tao.

Ang sulyap na iyon ay hindi pa nila kailanman nakita sa mga mata ni Jun Xie noon…

Nang mga sandaling iyon, alam nila. Ang tunay na malamig na katuhan ni Jun Xie ay hindi

katulad ng mga pinakita nito sa kanila noon. Sa sandaling iyon, nakaramdam silang dalawa ng

kawalan ng pag-asa na unti-unting gumagapang sa kanilang mga puso. Nasisiguro nila na sa

mga sandaling tumapak si Jun Xie sa Fiery Blaze Clan Hall ng araw na iyon, lahat ng matiwasay

na samahan na mayroon sa pagitan nila ni Jun Xie ay tuluyan ng iwinaksi at hindi maibabalik.

"Jun Xie… Ako… Ako ay magpapaliwanag." nanginginig ang boses ni Xiong Ba habang

ibinubuka nito ang bibig upang kausapin si Jun Xie.

Ngunit nilingon siya ni Jun Wu Xie at pinandilatan ng napakalamig at ang sulyap niya ay

lumagpas kay Xiong Ba upang tapunan ng tingin si Qu Wen Hao.

Sa sandaling makita ni Qu Wen Hao si Jun Xie ay kumislot ang kaniyang puso at nagulantang.

Sa kaniyang tantiya, ang madiskubre ni Jun Xie lahat ng nangyayari at makabalik sa Fiery Blaze

Clan Hall ay aabot ng isang oras o dalawa, at hindi niya naisip na magagawa ni Jun Xie na

makabalik agad doon ng ganoong kabilis!

Ang pares ng mga matang iyon ay naghatid ng kilabot sa mga tao, at ang hapo na si Qu Wen

Hao ay mas lalong nakaramdam ng pagkasaid. Kung hindi dahil kay Qing Yu na umaalalay sa

kaniyang tabi ay hindi niya magagawang tumayo ng mag-isa.

Lumipat ang sulyap ni Jun Wu Xie sa Spirit Taming Bone Flute na nasa mukha ni Qu Wen Hao

at isang nagyeyelong kislap ang sumiklab sa kaniyang mga mata ng sandaling iyon.

"Halika dito." hindi na muling tumingin si Jun Wu Xie kay Qu Wen Hao o kahit kanino man na

naroon at sa halip ay inangat niya ang ulo upang tingnan ang Sacrificial Blood Rabbit na

pinapalibutan at inatake, at dumanas ng matinding pagkataranta at pasakit.

Ang Sacrificial Blood Rabbit na kanina ay handang pumatay bigla ay napawi ng kaunti ang

masamang hangarin na nasa mga mata nang masilayan si Jun Wu Xie. Maingat nitong tinitigan

ang mga disipulo ng Fiery Blaze Clan sa ibaba bago ito namaluktot at tumalon, ang pulang

katawan nito ay gumuhit ng pulang arko sa hangin at bumagsak ito sa mga braso ni Jun Wu Xie

sa isang iglap, at sa buong pangyayaring iyon ay hindi nito binitiwan si Lord Meh Meh sa

kaniyang bibig!

Nakuha ni Jun Wu Xie sa kaniyang mga braso ang Sacrificial Blood Rabbit at si Lord Meh Meh.

Si Jun Wu Yao na nasa tabi ay itinaas ang kaniyang kilay at pinitik ng isang beses ang kaniyang

mga daliri. Biglang lumabas si Ye Sha at Ye Mei sa likuran nilang dalawa.

"Iwan mo muna sila kila Ye Sha at Ye Mei." saad ni Jun Wu Yao habang nakatingin kay Jun Wu

Xie. Sa kailaliman ng malinaw at malamig na mga matang iyon ay nababatid niya ang galit at

pagpaslang na pilit niyang kinkontrol sa mga sandaling iyon.

Hindi gumalaw si Jun Wu Xie dahil kaniyang naramdaman na ilan sa sugat ng Sacrificial Blood

Rabbit ay bumkuka. Ang mga sugat na tinamo ng Sacrificial Blood Rabbit bago ito nagising ay

hindi pa tuluyang gumagaling. Bagama't ito'y nagising na, ang estado nito bilang isang

Guardian Grade Spirit ay hindi pa lubusang napapagtibay at hindi pa maaring ituring na isang

ganap at tunay na Sacrificial Blood Rabbit. Kaya ang bilis ng paggaling nito ay may kabagalan.

Dahil sa pagprotekta nito kay Lord Meh Meh ay bumuka ang mga sugat nitong hindi pa

tuluyang gumagaling at ang dugo na bumabalot sa balahibo nito ay hindi lahat mula sa

kalaban kungdi ang iba doon ay mula mismo sa katawan nito at naghalo!

"Puu." ibinaba ng Sacrificial Blood Rabbit sa braso ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh na nasa

bibig niya at inangat ang munting ulo nito at balisang tumingin kay Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter