117 Mga Hangin ng Pagbabago (Pangatlong Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi pwedeng malaman ang katotohanang iyon. Ano ang maiisip ng mga tao?

Sa mga mata ng mga mamamayan ng Qi, nagsasaya ang Palasyo ng Lin at ang hukbo ng Rui Lin sa mataas na pwesto, sinasamba sa isang patungan. Dahil dito, nais ng Emperador na burahin ang pamilya ng Jun. Pag nalamn ito ng mga tao, siya'y kamumuhian at kukutyain.

Walang palalampasin. Wala.

Hindi lang sa mga tao, dahil nasa loob ng Imperyal na Lungsod ang hukbo ng Rui Lin, kapag kumalat ang katotohanan, ang kanilang matapang na katapatan sa mga Jun ang hahatak sa Emperador palabas sa kanyang palasyo at kakatay sa kanya!

Nakagapos ang mga kamay ng Emperador, nag-aalala sa kanyang reputasyon at imahe sa mga tao, at ang kapangyarihan ng hukbo ng Rui Lin ang pummipigil sa kanya para maayos ang sitwasyon.

Kakampi ang hukbo ng Rui Lin, isang salita lang ni Jun Wu Xie, at gugulong ang kanyang ulo.

"Long Qi, ituloy mo!" Tumingin si Jun Wu Xie sa Emperador ng may pang-aaba. Kasama ang ginawa niya kay Mo Qian Yuan, alam niyang mas nag-aalala ang Emperador sa kanyang reputasyon kaysa sa kalagayan ng mga tao, kaysa protektahan ang kanyang mga opisyal.

Susubukin ni Jun Wu Xie ang pasensya ng Emperador ngayon, para makita kung kakayanin niya ito.

Pagpatay ng mga matataas na opisyal, paggawa ng kaguluhan sa Imperyal na Lungsod, kailangan nilang pilitin ang Emperador na isuko si Jun Xian. Kalmado si Jun Wu Xie, matigas ang Emperador, handa siyang patayin ang lahat ng opisyal, pati na rin ang mga alagad ng Imperyal na Palasyo!

Pati na rin ang Anak ng Langit, ang Emperador mismo!

Hahanapin niya si Jun Xian!

Pinangunahan ni Long Qi ang isang grupo ng hukbo ng Rui Lin para hulihin ang nga opisyal na sinabi. Lahat ng tirahan ng mga matataas na opisyal ay pinalibutan na ng mga sundalo para walang makatakas.

Inutusan sila ni Jun Wu Xie na palibutan sila bago sila lumabas sa Palasyo ng Lin.

Ang Emperador na nanonood sa likod ng paalis na Long Qi ay nagatubili, ngunit di siya makakilos dahil sa pamamaraan ni Jun Wu Xie.

Hindi niya inakalang magkakaroon ng supling ang mga Jun na ganito ka-walang-puso. Bukod pa roon, ang babaeng ito pa ay ang dating parang maliit na tutang nakabuntot palagi kay Mo Xuan Fei.

Kulang ang sabihing nakakagulat ang pagbabagong nangyari sa dalaga ng pamilyang Jun!

Isa pang nagulatay si Mo Xuan Fei, na nasa likod ng Emperador. Hindi niya makakalimutan ang mga ginawa niya. Hindi niya inakalang kaya niyang gumawa ng ganito. Pag nalaman niyang siya ang nagpadala ng mga mamamatay-tao na iyon…..

Hindi na matuloy ni Mo Xuan Fei ang pag-iisip tungkol doon!

Ang Jun Wu Xie na pinagwalang-bahala niya noon, ay bumalik bilang isang bangungot, at siya'y nakakulong sa loob.

Ang mga tao sa pader, ay nanood habang pinadala ni Jun Wu Xie ang hukbo ng Rui Lin. Sa kanilang mataas na kinaroroonan, nakikita nila ang buong lungsod. Tinayo ang pader para makita ang lakas ng Emperador, at walang gusali ang pinayagang maging mas mataas sa palasyo.

Ngayong gabi, ang gamit lang ng mataas na lugar na iyon ay para makita ang giting ng hukbo ng Rui Lin.

Nakita nila ang karagatan ng mga tanglaw at alikabok na gawa ng mga kabayo na papunta sa tirahan ng mga nasabing opisyal.

Malamig ang gabi, ngunit ang Emperador at si Mo Xuan Fei ay pinapawisang tila nakulong sa pugon, basang basa ang mga likod.

Tumayo si Mo Qian Yuan sa likod ng mga tao sa pader, nanonood sa mga pangyayari, nagpipigil ngumiti.

Gambalain na ang langit at ang lupa. Wag lang gambalain si Jun Wu Xie!

Sayang lang na huli na ng malaman ng kanyang ama at kapatid.

Sayang, at huli na.

avataravatar
Next chapter