865 Mga Bisita mula sa Beast City (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Wala sa kondisyon si Xiong Ba para sabihan si Li at agad itong nagpunta sa tabi ng kama ni Qu Ling Yue. Nang makita ang maliit na mukha na nanghihina, kumirot ang kanyang puso.

Lahat ng Hall Chief ay saksi sa paglaki ni Qu Ling Yue bilang isang minamahal na dalagang kilala nilang lahat. Kapag ang Pangulong Kawal ay maraming ginagawa patungkol sa bayan, si Qu Ling Yue ay pinababantay sa mga Hall Chief. Bagaman mas mataas ang kanyang posisyon bilang anak ng Pangulong Kawal kumpara sa ibang Hall Chief, hindi iyon naging hadlang sa pagtrato nila kay Qu Ling Yue bilang pamilya. Nang makita ang lagay ni Qu Ling Yue na hindi makakibo sa higaan, maliban sa kirot sa puso ni Xiong Ba, ang kanyang pagkaayaw sa mga tao ng War Banner Academy at sa Bayan ng Yan ay malapit nang umapaw.

"Jiang Ying Ling! Ipinagtiwala namin ang aming Binibini sa War Banner Academy at ito ang gagawin niyo sa kanya?! Hindi kailangang makaranas ng kahit anong sakit ang aming Binibini at para abutan namin siyang walang malay ng ilang araw na! Naghahanap ako ng paliwanag mula sa War Banner Academy." Sinabi ni Xiong Ba ng may galit.

Mapait ang mukha ni Jiang Ying Long habang nagmamadaling magpaliwanag: "Hinihiling ko na manatiling kalmado ang Hall Chief Xiong. Tanging aksidente ang nangyari at wala kaming magagawa para maiwasan ito. Ang mga patakaran ng Spirit Battle Tournament ay pasukuin ang kalaban. Sino ba ang makakaalam na ang mga disipulo mula sa Akademyang Zephy ay magdudulot ng ganitong pinsala sa kompetisyon?! Kami rin ay nalulungkot sa nakikita naming estado niya."

May takot na ang galit ng Thousand Beast City ay babagsak sa War Banner Academy, agad na tinuro ni Jiang Ying Long ang sisi kay Jun Xie para mapalayo ang kalamidad.

"Sino ang nanakit sa aming Binibini?!" Sigaw ni Xiong Ba.

Agad na sumagot si Jiang Ying Long: "Isa itong disipulo mula sa Akademyang Zephyr. Ang pangalan niya ay Jun Xie."

"Akademyang Zephyr?" Nagtaas ng kilay ang isang binata mula sa Thousand Beast City. "Hindi ba ang sitwasyon sa Akademyang Zephyr ay iba ngayong taon? Nakahanap sila ng tao na makakatalo sa aming binibini?"

Bagaman bata pa si Qu Ling Yue, nagawa na niyang panatilihin ang pinakamataas na ranggo sa Spirit Battle Tournament ng akademya. Sa lahat ng tatlong matataas na akademya, ang mga tao na may kayang pumatas kay Qu Ling Yue ay kaunti lang at mas madalang pa ang mga taong kaya siyang talunin.

Ang balitang pagbagsak ng Akademyang Zephyr ay kumakalat na at maraming hindi makapaniwala na sa estado ng Akademyang Zephyr, nakapagpadala pa sila ng kayang tumalo kay Qu Ling Yue.

"Mahirap mang paniwalaan ang mga sinasabi ko, ngunit kung magtanong lang kayo sa Bayan ng Yan, maraming sasangayon sa sinabi ko! Anim lang ang pinadala ng Akademyang Zephy ngayong taon at ang anim na iyon ay nakakamit ng kapangyarihan na napakalakas! Lima sa kanila ang nakaabot na sa Asul na spirit level at nasa labing-anim o labing-pitong taong gulang lang sila! Ang nakasakit kay Qu Ling Yue ay si Jun Xie, ang pinakabata sa kanilang lahat, at bagaman labing-limang taong gulang lang siya, ang kanyang spirit power ay nasa kulay Berde na!"

Nang marinig nila ang mga salita ni Jiang Ying Long, ang mga mukha ng kabataan at ni Xiong Ba ay hindi makapaniwala. Maraming taon na silang nagaaral sa kanilang cultivation at alam nila kung gaano kahirap palakasin ang mga spirit power nila. At ang mga edad pa ng mga galing sa Akademyang Zephyr, kahit dagdagan pa ng dagdagan, ay mahirap paring makamit ang mga resultang iyon.

"Iyan ba ang katotohanan?" Tinanong ng kabataan na hindi makapaniwala.

Tumango si Jiang Ying Long. "Katotohanan. Hindi ako maglalakas ng loob na magsinungaling sa inyo. Kung hindi maniniwala sa akin ang Hall Chief Xiong, pwede kayong magtanong sa labas, at makikita niyong totoo ang sinasabi ko."

Nagtinginan si Xiong Ba at ang kabataan, ang mga mata nila'y puno ng gulat.

Mayroon nang ganoong kapangyarihan sa ganoong edad? Ang katotohanang iyon ay hindi inakala ng sinuman buong buhay nila ay aral na patungkol sa cultivation magmula pa sa simula nito, ilan na kaya ang nakaabot sa ganitong antas sa napakamurang edad?

avataravatar
Next chapter