863 Mga Bisita mula sa Beast City (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mga karwahe ng Thousand Beast City ay tumigil sa harap ng tinutuluyan ng War Banner Academy. Natanggap agad ni Jiang Ying Long ang balita at agad na lumabas para salubungin ang mga bisita.

Mula sa loob ng karwahe, may tatlong magiginoong lalaki na lumabas. Ang isa sa kanila ay masasabing nasa tatlompu't limang taong gulang at ang kanyang mukha ay matigas at matapat. Isa ay mas bata, mukhang nasa dalawampu't apat o dalawampu't limang taong gulang. Ngunit mula sa tatlo, may isang nakaakit ng atensyon ng mga tao, isang matandang lalaki na puti na ang buhok. Bagaman ang kanyang kutis ay puro kulubot na, ang mga mata niya'y tila nasanay na sa paglipas ng panahon, mukhang marami nang napag-daanan sa buhay.

Mula sa tatlong lalaki, mukhang ang nasa gitna ang nangunguna, ngunit mahirap makita, ang ugali ng dalawa patungo sa nakatatanda ay may mataas na pagrespeto.

"Nakagugulat! Si Clan Hall Chief Xiong talaga! Hihingi ako ng tawad sa nahuli kong pagbati!" Napatalon ang puso ni Jiang Ying Long nang makita ang gitnang-edad na lalaki.

Ang Thousand Beast City ay pinangunahan ng Pangulong Kawal at sa ilalim niya ay apat na Hall Chief, na nanguna sa iba't ibang aspeto ng Thousand Beast City. Ang tao sa kanyang harapan ay ang Raging Blaze Hall Chief, si Xiong Ba!

Ang estado ng apat na Hall Chief sa Thousand Beast City ay nasa ilalim ng Pangulong Kawal lamang. Hindi inakala ni Jiang Ying Long na ang grupong pupunta sa pangulong bayan ay may kasamang Hall Chief! Makikita na talagang masama ang loob ng Thousand Beast City para magpadala ng isang may mataas na posisyon para makipag-usap.

Si Xiong Ba ay isang taong tapat sa kanyang pangalan. Deretso, mahigpit, at malupit. Sa apat na Hall Chief, siya ang pinakamaiinitin ang ulo at mahirap kausapin. Nang makita si Xiong Ba, pinawisan agad si Jiang Ying Long.

Tinitigan ni Xiong Ba si Jiang Ying Long ng nakasimangot, at ang kanyang mababang boses ay umalingawngaw.

"Nabalitaan kong nasaktan ang aming binibini? Kamusta siya ngayon?"

Napatalon ang puso ni Jiang Ying Long: "Tungkol diyan… Nais kong imbitahan ang Hall Chief sa loob at dahan-dahan kong ipapaliwanag."

Umalingawngaw ulit ang boses ni Xiong Ba: "Hindi na kailangan ng ano pa! Ang rason ng aking pagpunta ngayon ay para masigurado lang ang kaligtasan ng Binibini. Wala nang iba. Kailangan mo lang sabihin kung malubha o maayos ang kalagayan ng Binibini!"

Bilang isang guro ng War Banner Academy, hindi pa siya nababastos ng tulad noon. Ang mga salita ni Xiong Ba ay walang bakas ng respeto at hindi nagbigay ng pagkakataon para makaatras, ngunit alam niyang hindi siya pwedeng makipag-away kay Xiong Ba: "Hindi pa umaayos ang kalagayan ni Ling Yue at ang Emperador ng Yan ay nagtitipon na ng pinakamahuhusay na mga manggagamot dito. Kahit ang mga Imperyal na manggagamot na naglilingkod sa palasyo ay nandito, ngunit dahil sa kalubhaan ng kalagayan ni Ling Yue, nawawalan na kami ng pag-asa."

Nanlaki ang mga mata ni Xiong Ba at tinitigan si Jiang Ying Long bago ito dukutin mula sa kwelyo ng kanyang balabal: "Nang iniwan namin ang aming Binibini sa War Banner Academy, maayos ang kalagayan niya. Hindi sana niya nais na makilahok sa Spirit Battle Tournament ngayong taon, ngunit pinilit na imbitahan ng inyong Punong Tagapagturo ang aming Pangulong Kawal kaya't hindi siya nakatanggi, ngunit ngayon, hinayaan niyo siyang masaktan sa Spirit Battle Tournament! Ilang araw na mula nang masaktan ang aming Binibini at ang mga basura niyo ay wala paring nagagawa para gamutin siya! Ikaw…"

Ang mga galit na mata ni Xiong Ba ay namumula habang sumisigaw siya. Ang kabataan sa likod ay nakitang malapit nang punitin ni Xiong Ba si Jiang Ying Long at lumapit: "Hall Chief Xiong! Kailangan mo munang bitiwan si Gurong Jiang! Kailangan muna nating tignan ang kalagayan ng ating binibini at dahil nangyari na ang mga nangyari, wala nang magagawa ang pagsasayang mo ng oras dito. Hindi ba't mas mabuti kung hayaan muna na natin si Senyor Feng na tignan ang kalagayan ng Binibini?"

Ang mga kilay ni Xiong Ba ay kumunot at napaisip siya. "Dahil ang mga tao mula sa Bansa ng Yan at ang War Banner Academy ay walang kaya, hayaan nalang ang Thousand Beast City na ayusin ang mga bagay-bagay sa sarili namin!"

avataravatar
Next chapter