75 Mga Balitang Alingawngaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi inakala ni Jun Wu Xie na isang malaking kaguluhan ang magiging resulta ng isang aksyon.

Sa loob ng kalahating araw, meron nang malaking tsismis na naikot.

Ang Jun Wu Xie ng Palasyo ng Lin ay iniwan ng panagalawang prinsipe, ngunit sa kaarawan ng prinsipeng tagapagmana, inakit nya si Mo Qian Yuan! Kaninang umaga, humingi ng permiso ang prinsipeng tagapagmana para payagan siyang bisitahin ni Jun Wu Xie sa tahanan niya. Sa kalahating araw, silang dalawa ay magisa sa kwarto. Bago umalis si Wu Xie, binigyan ng prinsipeng tagapagmana ng kanyang pinakapinapahalagahang Jade Nectar bilang regalo! Mas nakakagulat pa na mismong ang prinsipeng tagapagmana ang mismong naghatid sakanya sa karwahe at kahit matagal tagal na siyang nakaalis, nakatayo parin ang prinsipeng tagapagmana at nakatingin lamang… at nakangiti siya! Ano ang ibig sabihin nito?

Kumalat ang balita ng mabilisan sa buong Imperyal na Bayan.

Ang hari ay mayroong dalawang anak na lalaki lamang. Ang panganay na prinsipeng tagapagmana na si Mo Qian Yuan at ang mas nakababatang anak na si Mo Xuan Fei.

Ang reputasyon ng prinsipeng tagapagmana ay malayong malayo na sa pangalawang prinsipe. Ngunit sa pagkamatay ng reyna, ang prinsipeng tagapagmana na kilala sa kanyang angking talino at disposisyon. Di lamang sya naging sintu-sinto, nawala rin ang kanyang delikadesa. Ang kaugalian nya ay nagbago. Ang reputasyon nya ay bumagsak at ngayon ay hirap nang pagtabihin ang imahe nila sa prinsipeng tagapagmana at pangalawang prinsipe.

Pagdating sa istura, hindi talo si Mo Qian Yuan ngunit dahil sa kanyang tanyag na kaugalian, malayo ang loob nila dito samantalang malapit sa mga tao ang pangalawang prinsipe at paunti unting kinukuha ang loob ng mga ito.

Kahit sa gabi nung bangketa kung saan nagsalita siya para kay Jun Wu Xie, ang inisip ng iba ay hindi nya naman dapat ginawa yun at lalong kinasira ng kanyang reputasyon.

Ngayon, kilala ang prinsipeng tagapagmana sa kanyang kapritsosong pagkatao at ngayo'y naipapares pa sa maniniil na si Jun Wu Xie, maraming gulat!

Ang pares na to ay hindi naman madalas magkita, kung tutuusin ay dalawang beses pa lamang sila nagkakasama at yun ay sa bangekete ng kaarawan ng prinsipeng tagapagmana.

Sa unang bangkete, nakita ni Jun Wu Xie ang pangalawang prinsipe at ginamit nya ang posisyon ng kanyang pamilya para maipagkasundo sila sa kasal.

Sa pangawalang bangkete, kung kailan kakatapos lang mabuwag ng kasunduan ng pagpapakasal sa pangalawang prinsipe, nakakita nanaman siya ng isusunod nya.

Nagkaroon ng panahon ng puro tsismis tungkol sa hangal na ugali ni Jun Wu Xie at paiba ibang bersyon ng pagpulot ng pinaglumaang gamit ni Mo Qian Yuan ng kanyang kapatid.

Maraming nangungutya at Mo Qian Yuan at nagsasabing bulag siya, at ang iba ay pinagtatawanan ang bagong "basurang pares"

Anuman sa dalawa, maraming bersyon na ang kumakalat at lahat na ng tao ay iyon lamang ang pinaguusapan.

Nang makita ni Jun Xian ang dalang pitsel ng alak, ang mukha nya't nangitim.

Sa biglang pagimbita ni Qian Yuan, ang dami nang nagkaroon ng maling pagkakaintindi at ngayon binigyan pa siya ng pinakamahalaga nyang kayamanan, ang Jade Nectar?

Alam ng lahat kung paano pahalagan ng prinsipeng tagapagmana ang Jade Nectar. Kahit ang emperador ang gustong uminom, makikita mo na labag sa loob nya ito. May isang beses rin sa bangketang pangkaarawan na uminom si Mo Xuan Fei ng kaunti at nagalit ng husto si Mo Qian Yuan dahil dito.

Magmula nuon, alam na ng lahat na ang pinakamahalagang alak na iyon ay para lamang sa kanya at wala nang iba.

Kahit ang sarili nyang pamilya ay hindi maaaring makainom ng alak na iyon, pero binigyan niya si Jun Wu Xie? At isang pitsel ang binigay nya! Sino ba ang makakapagpaliwanag dito?

Maraming tanong ang nasa dulo na ng dila ni Jun Xian ngunit nang makita nya ang ningning sa mata ni Jun Wu Xie, nilunok nya nalang lahat ng gusto nyang maitanong.

Dahil sa pagmamaltrato ng sira ulong Mo Xuan Fei na iyon, hindi ba't maganda nang may naglilibang sa atensyon niya?

avataravatar
Next chapter