86 MASAMANG HANGARIN

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Jun Wu Xie, kung wala kang alam sa sinasabi mo, e manahimik ka na lang! Ang Jade Dew pill na ito ay nagmula pa sa eksklusibong recipe ng Qing Yun Clan. Maraming tao ang nangangarap na magkaroon nito pero hindi nila makamit." Hindi mapigilan ni Mo Xuan Fei na magyabang dahil na rin sa ugaling pinapakita ni Jun Wu Xie.

Kahit na iniwan niya ito, hindi dapat magbago ang nararamdaman nito sa kaniya. Hindi niya inaasahan ang pakikitungoq11 nito.

Noon ay patay na patay ito sa kaniya. Tuwing tititigan niya ito sa mata, ito ay punong puno ng pagmamahal. Ngunit sadyang ang lahat ng iyon ay isang nakaraan na lamang. Ngayon ay tila siya hangin para kay Jun Wu Xie at hindi niyo ito ikinatutuwa.

"Maraming tao ang nangangarap na magkaroon nito pero hindi nila makamit?" ulit ni Jun Wu Xie sa sinabi ni Mo Xuan Fei habang ang mga tingin nito ay nasa dalawang traydor na nasa kaniyang harapan.

Pamilyar sa kaniya ang pangyayaring iyon. Noong sila ay nasa Ghost City, ito rin ang sinabi ng mga residente doon, "marami ang nangangarap nito ngunit kahit ang mahawakan ito ay hindi nila magawa." Ang tinutukoy ay ang Jade Dew Pill.

Sa huli ay hindi pa rin naman ito tinanggap ng ibang tao. Siguro ay dahil alam ng matandang tumanggi dito ang bisa nito.

"Meow." Ang itim na pusa ay yakap yakap ni Jun Wu Xie sa kaniyang mga braso at nakatingin din sa mga traydor.

[Sadyang kahihiyan ang ginagawa ng mga ito. Susugod dito na akala mo isang namumukod tangi ang gamot nilang dala pero ang katotohanan ay ordinaryong gamot lamang ang mga ito. Ang aking amo ay mas nakakagawa pa ng mas mabisang gamot kesa sa 'master' mong iyan. Kaya anong ipinagmamalaki mo ngayon? Kayang kaya niyang higitan ang amo mo, maging ikaw man.] Suminghap ang itim na pusa at inangat pa lalo ang ulo na para bagang nagpapahiwatig ng pagmamalaki.

"Minamaliit ni Miss Jun ang gamot na gawa ko? Pero hindi naman ito para sa iyo para sirain mo. Sinayang mo ang gamot na para sa Crown Prince. Hindi ba't mukhang hindi naman tama ang iyong ginawa?" May pagmamalaki ding tinignan ni Bai Yun Xian si Mo Qian Yuan. Sa bansang ito, ang Lin Palace ay talaga namang makapangyarihan pero kung ikukumpara sa Qing Yun Clan ay para lamang silang langgam. Kung alam lang sana ni Mo Qing Yuan ang mga pangyayari.

Ang sadyain ni Jun Wu Xie na insultuhin ang Qing Yun Clan Sovereign's disciple ay hindi magandang ideya.

Mapanuring tinignan ni Bai Yun Xian ang magkasintahan, una niyang tiningnan si Mo Qing Yuan at tumagal kay Jun Wu Xie.

Tama si Bai Yun Xian, kung sino man ang may utak para mamili sa dalawang ito, malamang ay si Mo Xuan Fei at pinipili din nito si Bai Yun Xian.

Ngunit...

Sumagot si Mo Qian Yuan, "Ang mga gamit ko ay gamit na rin ni Jun Wu Xie. Kung anuman ang gusto nitong gawin dito ay walang kaso saakin." Mataman nitong tiningnan at punong puno ng pagmamahal si Jun Wu Xie na nasa kaniyang tabi.

Ano naman kung galing ito sa Qing Yun Clan.

Malapit si Bai Yun Xian at Mo Xuan Fei at alam ito ng lahat. Kung pipiliin nitong panigan si Bai Yun Xian, ano ang makukuha niya?

Hindi tanga si Mo Qian Yuan, alam niyang kakampi nito si Jun Wu Xie.

Bahagyang pagkagulat ang mababakas sa mukha ni Bai Yun Xian. Talagang pinapanigan nito si Jun Wu Xie.

Nagtatagis ang mga bagang ni Mo Xuan Fei, hindi niya lubos maisip na magkakatuluyan si Jun Wu Xie at Mo Qing Yuan samantalang ilang beses pa lamang itong nagkita. Kung ito ay 'love at first sight,' dapat noong una pa lang nilang pagkikita. Ngunit noong unang beses na nagkita si Jun Wu Xie at Mo Qing Yuan, ito ay noong kaarawan ni Mo Qian Yuan. Noong mga panahong iyon, pinapantasya nito si Mo Xuan Fei at hindi ang Crown Prince! Hindi pa ganoon katagal nang mangyari ito at ngayon ay talaga namang napakalapit na nito sa isa't isa.

Ang Jade Nectar ay walang pag-aalinlangan nitong ibinibigay kay Jun Wu Xie. Ngayon ay tinatanggihan nito si Bai Yun Xian para protektahan si Jun Wu Xie.

Hindi ba nag-iisip si Mo Qian Yuan? Para lamang protektahan si Jun Wu Xie ay walang pag-aalinlangan nitong tatanggihan ang Qing Yun Clan.

"Isa lamang yang ordinaryong gamot." May pangtutuyang sagot ni Jun Wu Xie, para sa kaniya nagmumukhang katawa-tawa si Bai Yun Xian.

"Ordinaryong gamot? Kung makapagsalita ka akala mo ganon kadali itong gawin. Masyadong spoiled ang pusa mo at hinayaan mo lang na sayangin ito ng pusa mo. Pinrotektahan ka ng Imperial Brother. Wala akong ibang intensyon pero wala kang ginawa kundi insultuhin ang gamot na gawa ko." Mapanuyang humalakhak si Mo Xuan Fei. Nang tignan ni Mo Qian Yuan si Jun Wu Xie ay kabigha-bighani ang itsura nito.

avataravatar
Next chapter