85 MASAMANG HANGARIN

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pero ngayon na sila ay nagbago na, ang kasalukuyang Jun Wu Xie ay hindi man lang siya matignan. Sa buong araw, siya ay inignora, kaya naman, hindi ito ikinasiya ni Mo Xuan Fei.

Akala ni Mo Xuan Fei, nung iwan niya si Jun Wu Xie para sa kaniyang bagong babae ay iiyak ito o 'di kaya ay magpapakamatay ito, kung hindi naman ay luluhod ito sa harap niya at magmamakaawa. Sinong mag-aakala na parang walang nangyari at ang masama pa ay parang hangin lamang siya kung ituring nito. Ang malala pa ay malapit ito sa Crown Prince!

Ibang-iba ito sa inaasahan niya!

Noong iwan niya si Jun Wu Xie, inaasahan niyang mag-iiiyak ito. Pero bakit parang hindi siya apektado?

Nakatitig lamang si Mo Xuan Fei kay Jun Wu Xie, naiirita siyang makita itong walang reaksyon. "Marahil hindi naintindihan ng aking Imperyal na Kapatid. Bilang prinsipe, nag-aalala lamang ako para sa aking kapatid. Ang kung sino man ang piliin ng Crown Prince na asawa ay dapat kaya ding maging isang ina sa ating Kaharian. Maaaring siya ay maganda, pero sa totoong buhay, wala itong sapat na kakayanan. Kapatid, hindi mo pa siya gaanong kilala. Nag-aalala lamang akong ikaw ay maloko."

Hindi ito ikinasisiya ni Mo Qian Yuan. Kailan pa nagkaroon ng karapatan si Mo Xuan Fei na pumunta dito at hanapan siya ng mali. Nang siya ay sasagot na sana kay Mo Xuan Fei, napansin niyang si Jun Wu Xie na halos buong oras nakayuko, ngayon ay nag-angat ng tingin.

Nakangisi ito at malamig na nakatitig na para bang iniinsulto si Mo Xuan Fei.

"Masaya bang gawing tanga ang isang tao?" Biglang nagsalita si Jun Wu Xie at saglit na tumingin kay Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian.

"Anong sinabi mo?!" Hindi makapaniwalang tinignan ni Mo Xuan Fei si Jun Wu Xie.

Saglit na tinapunan ng tingin ni Jun Wu Xie ang Jade Dew Pill.

"Meow."

Biglang may isang itim na pusa ang tumalon sa la mesa. Ang mabalahibo nitong buntot ay tinabig ang bote ng gamot.

Nang matumba ang bote, sunod namang nahulog ang mga laman nitong gamot sa carpet.

"jun Wu Xie! Tignan mo ang kagagawan mo!" Galit na tinitigan ni Mo Xuan Fei si Jun Wu Xie. Nasayang ang mga gamot na galing kay Bai Yun Xian.

Ni hindi man lang ito tinignan ni Jun Wu Xie, sa halip ay tinitigan lamang ito ang itim na pusa. Pumunta ito sa mga nakakalat na puting Jade Dew pill at inamoy ito. Makalipas ang ilang saglit, inilayo ito ni Jun Wu Xie sa mga gamot na nakakalat. "Wag niyo yan inumin, iyan ay marumi."

Nawalan ng kulay ang mga mukha nila Bai Yun Xian at Mo Xuan Fei.

Talagang sinabi nito na madumi ang kaniyang ginawang gamot!

Nandidilim ang itsura ni Bai Yun Xian, alam niya kung sino si Jun Wu Xie. Alam niya din na dating magkarelasyon si Jun Wu Xie at Mo Xuan Fei. Noon ay halos hindi makaalis sa tabi ni Mo Xuan Fei si Jun Wu Xie. Anong karapatan niyang magsalita ng ganon.

Akmang magsasalita sana si Mo Xuan Fei pero itinaas ni Bai Yuan Xian ang kaniyang kamay bilang hudyat na wag siyang magsalita.

"Miss Jun." dahang-dahang usal ni Bai Yun Xian. Ang kaniyang boses ay may bahid ng pagmamataas at gisgusto.

"Maaaring ang Jade Dew pill na ito ay hindi nabibilang sa mga dekalidad na gamot, pero ito naman ay natatangi. Ngayon heto ka at sinira ang gamot na para sa Crown Prince. Hindi ba't parang napakasama mo?" mapait na tinignan ni Bai Yun Xian si Jun Wu Xie. Wala siyang pakialam kung ito ang 'Missy ng Lin Palace'. Kung ipagkukumpara siya sa Qing Yun Clan, walang wala siya.

Sa harap niya na isang Sovereign disciple ng Qing Yun Clan, para sa kaniya ay walang wala ito.

Nakairap siyang tiningnan ni Jun Wu Xie sabay sabing, "Natatangi?" Nakataas ang kilay nitong tinapunan ng tingin ang Jade Dew pill.

Hindi makapaniwala si Bai Yun Xian sa pinapakita nitong ugali.

avataravatar
Next chapter