84 MASAMANG HANGARIN

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi matanggap ni Mo Xuan Fei na nakaramdam siya ng ganoon.

"Salamat sa pag-aalala, mahal kong kapatid." patuyang sagot ni Mo Qian Yuan. "Maari ko bang malaman ang dahilan ng iyong pagbisita?"

"Hahaha, masaya akong nakikita kang sumisigla ka at lumusog ang iyong pangangatawan. Kaya naman, narito ako para ibigay ang Jade Dew Pill na ginawa mismo ni Yuan Xian. Makakatulong ito sa iyong kalusugan, sana ay mapakinabangan mo."

Magalang na sumagot si Mo Xuan Fei kay Bai Yun Xian na nakaupo sa tabi nito, habang inilapag nito ang bote ng gamot sa mesa.

Totoo sa sarili niya itong pinagpasalamatan pero hindi ba't parang huli na ang 'pag-aalala' nito.

Nasa baba lamang ang mga tingin ni Jun Wu Xie, walang interes sa mga tao sa harap nito.

Marahil kung noon, malamang tinanggap niya na ang gamot na gawa ni Bai Yuan Xian. Pero dahil sa siya ay inaalagaan ni Jun Wu Xie, nararamdaman niyang bumuti na ang kaniyang kalagayan. Ang bisa ay sadyang kamangha-mangha! Kaya ngayon kung ito ay galing kay Bai Yuan Xian kahit na ang 'Master' pa nito ang gumawa nito, hindi na siya mag-aaksaya ng panahon na ngumiti man lamang.

Pakiramdam ni Mo Qian Yuan, si Jun Wu Xie ay isang santo. Isang mahusay na doktor!

"Siguro ay dapat lamang kitang pasalamatan." Hindi gumalaw si Mo Qian Yuan habang ito ay nakaupo at walang intensyon na kunin ang bote na naglalaman ng gamot.

Maasim na tumingin si Mo Xuan Fei kay Bai Yuan Xian, paniguradong ang pagpapakita niya ng walang interes sa gamot ay hindi nagustuhan ni Bai Yuan Xian.

"Ayaw ba ng Kamahalan itong Jade Dew na personal kong ginawa?" Malamig na sabi ni Bai Yuan Xian, kahit na mapagkikilanan na Crown Prince ang kabilang partido, walang pagpapakumbaba sa tono ng pananalita nito

Siya ay disipulo ng Sovereign ng Qing Yun Clan. Kahit na saan siya magpunta, siya ay nirerespeto ng mga tao at hindi siya natitinag, madalas pa nga ay magmamakaawa ang mga ito sa kaniya. Ngunit ng siya ay nasa Kaharian ng Qi sa Imperyal na siyudad, paulit-ulit siyang tinatanggihan. Kung kukunsumahin tatlong beses na siyang tinanggihan! Ang unang beses ay nang tanggihan siya ni Jun Wu Xie na ito ay kaniyang tulungan. Pangalawa ay nang sila ay makasalubong ng isang matanda sa Ghost City kung saan tinanggihan nito ang personal na gawa ng kaniyang 'Master' at mas pinili ang walang tatak na gamot na galing sa isang bata. Ang dalawang magkasunod na pangyayaring ito ay masama sa kaniyang loob! Kaya naman mas lalo itong nainsulto nang makita nitong parang kinasusuklaman nito ang Jade Dew.

Hindi na ito mapapalagpas pa ni Bai Yuan Xian, kilala siya sa larangan ng pag-gawa ng gamot kung hindi, hindi siya matatanggap bilang disipulo sa Sovereign sa Qing Yun Clan man o kahit saan. Lahat ay naniniwala sa kaniya at sa kaniyang mga sinasabi.

Ngayon, para siyang tinusok ng pako sa puso nina Jun Wu Xie at Mo Qian Yuan.

"Miss Bai, paano mo naman nasabi? Sa ngayon maayos ang aking pangangatawan, ayaw ko lamang mawalang silbi ang gamot na ito." taliwas sa sinabi ni Mo Qian Yuan ang ekspresyon ng mukha niyang walang bahid ng sinseridad.

Nagtatagis ang bagang ni Bai Yuan Xian, hindi siya tanga, paanong hindi niya mapapansin na sadyang wala itong interes?

Dahil sa itsura ni Bai Yuan na mas lalong nandidilim, agad namang iniba ni Mo Xuan Fei ang usapan. "Ang mood ng iyong 'Imperyal na Kapatid' ay bumuti nitong mga nakaraang araw, ngunit tungkulin ko bilang nakababata mong kapatid ang paalalahanan ka na hindi maganda ang masyado mong pakikipaglapit kanino man. Lahat nang ginto at kayamanan, ang Imperyal na Kapatid ay hindi dapat maguluhan." Nang sinabi nito iyon, ang tingin nito ay pumadako kay Jun Wu Xie.

Simula nang ito ay naparito hanggang sa oras na ito, ni hindi man lang ito tinapunan ng tingin ni Jun Wu Xie, kaya naman hindi ito nagustuhan ni Mo Xuan Fei.

Hindi nito gustong parang nakukuha ni Jun Wu Xie ang kaniyang ugali. Iyon ay ibang usapan din.

Ito ay parang sumisira ng kaniyang puso. Nung parang ang pakikitungo ni Jun Wu Xie sa kaniya ay singlalim ng karagatan, siya ay nadarang at malapit na sa obsesyon, sa kabilang banda nakaramdam siya ng disgusto sa sarili.

avataravatar
Next chapter