83 MASAMANG HANGARIN

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa bahay ng Crown Prince, binabantayan ni Jun Wu Xie ang kaniyang pulso. Ang pagpapagaling niya nitong mga nakaraang araw ay nakatulong magtanggal ng toxins sa kaniyang katawan at ito naman ay nakapagpagaan din sa pakiramdam ni Mo Qian Yuan. Ang kaniyang dating namumutlang mukha ngayon ay nagkaroon na ng kulay.

Hindi siya sangayon nang iaanunsyong bibisita ang Ikalawang Prinsipe.

"Sa ganitong panahon niya pa napiling bumisita, malamang may masama siyang hangarin." komento ni Mo Qian Yuan.

Hindi maganda ang relasyon ng dalawang magkapatid. Ang ina ni Mo Qian Yuan ay ang Empress habang ang ina naman ni Mo Xuan Fei ay isa lamang kabit. Nang mamatay ang Empress, ito na ang namuno ng harem at naging paborito ng Emperor. Malaki ang ibinigay na dote ng Emperor sa kaniyang babae kahit na kakamatay lang ng Empress. Kaya naman naging rason ito para siya ay kagalitan ni Mo Qian Yuan.

Hinila pabalik ni Jun Wu Xie ang kamay nito habang ito ay binibilangan niya ng pulso. "Ngayong kalat nang magaling ka na, natatakot ang ibang tao at hindi na mapakali." anito.

Hindi itinago ni Mo Qian Yuan ang kaniyang pagpapagaling na ideya din ni Jun Wu Xie.

Sino ang susuporta sa isang tangang Prinsipe at Lin Palace? Kailangan niya munang ayusin muli ang reputasyon nito at magsisimula sa pagkuhang muli ng tiwala ng mga tao at ibang ministro.

Malinaw naman itong naintindihan nina Jun Wu Xie at Mo Xian Yuan.

"Gusto kong makita kung anong kaya niyang gawin sakin---ang Crown Prince." Malamig siyang tinignan ni Mo Qian Yuan ng may halong pangungutya. Kahit na hindi matatag ang posisyon ng Crown Prince sa kasalukuyan, kailangan ding pangalagaan ng Emperor ang reputasyon nito. Kaya naman hindi ito gagawa ng anumang ikakasira nito maging si Mo Qian Yuan.

Makalipas ang ilang sandali, lumapit sina Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian.

Kung sa panlabas na anyo at ugali ang pagbabasehan, mayroong mataas na reputasyon sa buong bansa si Mo Xuan Fei. Nasa tabi nito si Bai Yun Xian na nakasuot ng puting bestida na parang isang diwata, sila ay nagpapakita ng halimbawa ng kakayahan at kapangyarihan.

"Aking imperyal na kapatid, ilang araw din kitang hindi nakita. Mas sumigla ang iyong itsura." may panunuyang saad nito habang papasok at nakita si Jun Wu Xie na nakapagpabahala sa kaniya.

Kung tignan siya noon ni Jun Wu Xie ay punong-puno ng paghanga at saya, subalit ngayon ay malamig ang tingin nito at parang umiiwas.

Aakalain mong ibang tao ito dahil sa pagbabago ng kaniyang ugali, ang kaniyang ganda ay bumagay sa malamig nitong pakikitungo na para bang siya ay isang snow lotus - malinis, maganda at mailap.

Nakasuot din si Jun Wu Xie ng puting bestida habang ito ay matamang nakaupo, ang mga mata nito ay bahagyang nakatungo habang nagbabasa ng libro at para bang walang pakialam sa paligid.

Parehong nakasuot ng puti, parehong may mailap na ugali, parehong naggagandahang mga binibini, ngunit sa palagay ni Mo Xuan Fei, mas nakakaangat si Jun Wu Xie kumpara kay Bai Yuan Xian.

Ang pagkakaiba ni Jun Wu Xie ay ito ay nagpapakita na para bang wala siyang pakialam sa ordinaryong mundo habang ito ay nakaupo sa isang sulok. Walang pagpapanggap, lahat ay natural kahit na ang pagkakaupo nito ay napakaperpekto. Sa kabilang banda, si Bai Yuan Xian ay para lamang nagpapanggap kahit na naka-taas noo ito. Kung pagkukumparahin ang dalawa, parang pinipilit lamang ni Bai Yuan Xian na maging ganito kaya naman hindi ito kapanipaniwala.

Parang nababaliw at mas nahumaling si Mo Xuan Fei nang tinignan niya si Jun Wu Xie.

Imposible! Ilusyon lamang lahat ng ito!

avataravatar
Next chapter