99 Maramihang Pag-likha

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos mapuntahan ang kampo ng hukbong Rui Lin, naiintindihan na ngayon ni Jun Wu Xie ang kapangyarihan ng pamilyang Jun. Ang napakatalas na espada na nakapatay ng maraming mga masasamang taong nagbalak ng masama sakanila, at ito'y tumatak kahit sa isip ng emperador kaya't wala nang nagtangka pa sa kanila.

Bumaba na sa otoridad si Jun Xian at Jun Wing dahil meron nang mas kayang magmana ng hukbo ng Rui Lin.

Pagkauwi nila, dumiretso si Jun Wu Xie sa parmasya.

Ang kanilang pinakamatalas na espada ay dapat pang mas hasain pa.

Magmula ng araw na iyon, hindi na umalis si Jun Wu Xie sa palasyo ng Lin. Nagkulong siya sa kanyang parmasya, napakaraming dahong gamot ang pinapadala sa kanya araw araw. kahit wala siya sa bahay ng tagapagmanang prinsipe, pinapadalhan parin siya ni Mo Qian Yuan ng Jade Nectar tuwing makalawa.

Kahit ang namumulaklak na baino ay nilipat sa parmasya at walang nakakaalam kung ano ang kanyang ginagawa sa loob.

Binuksan ni Jun Wu Yao ang pintuan at nakita ang maliit na katawan ni Wu Xie, nakasandal sa upuan at tulog.

Ang mapayapang kagandahan ni Jun Wu Xie ay nagniningning pag wala ang kanyang karaniwang masungit na sarili.

Nakatingin si Jun Wu Yao sa mga kahon sa gilid, pumunta kay Jun Wu Xie at binuhat siya.

"Meow" Ang maliit na pusa sa tuhod ni Wu Xie ay gumalaw, tumingin kay Wu Yao ng isang beses at bumalik sa yakap ng tulog na si Wu Xie.

[...]

Ang galaw ng maliit na pusa'y gumising kay Wu Xie at dumilat ng bahagya. Nang makita niya ang mukha ni Wu Yao, pumikit uli ito.

"Kung di pa ako pumunta dito, gagawin mo bang bahay ang parmasiya mo?" Tanong ni Jun Wu Yao, nakataas ang isang kilay.

"Gaano ako katagal nakatulog?" Tanong ni Jun Wu Xie habang nakusot ng kanyang mata.

"Bakit ka ba nagpapakirap? Napakalakas na ng hukbo ng Rui Lin, tingin mo ba gawa ka sa bakal? Hindi mo kayang gumawa ng pampalakas na gamot para sa isang daang libong hukbo magisa!" Ikinandong ni Wu Yao si Wu Xie, dahan dahang ihinawi ang buhok nito sa likod ng kanyang tenga.

"Bakit hindi?" Tanong ni Wu Xie.

Gamot para sa hukbo na bumibilang sa daang libong katao ay napakalaki pero sa kanyang bilis, makakaya naman ito.

Natawa si Wu Yao at ipinatong ang kanyang noo sa noo ni Wu Xie, "Akala ko may pake ka lang sa ama at anak ng pamilyang Jun"

Sa loob ng isang buwan, sampung malaking kahon na ng gamot na pampalakas ang nagawa at nakaimpake na't handang ipadala.

Ang mga sundalo sa hukbong Rui Lin ay mga matatanda na, at nalinang na nila ang kanilang mga espitirwal na enerhiya ng matagal. Ang malupit na pagsasanay ay nagpalago sa kanilang katawan ngunit ang kanilang mga ugat na napakaimportante sa kanilang paglago ng ispiritwal. Alam ng lahat na kapag malakas ang iyong mga ugat, mas mabilis ang paglago ng ispirito.

Bago pa maging ganap na matanda, ang isa'y maaaring magpalakas ng ng kanilang mga ugat gamit ang gamot. Pag sila'y tumanda na, mahirap nang palakasin pa ang kanilang mga ugat.

Marami nang naghanap ng paraan para palaguin pa ang mga ugat ng matatanda at kakaunti lamang ang nagtagumpay.

Hind si Bai Yun Xia, o kahit ang kanyang maestro.

kahit ang Qing Yun Clan ay hindi kayang gumawa ng ganitong gamot ngunit nagawa ni Jun Wu Xie na para bang hindi nito kailangan ng pera, at may intensyong ipabigay sa sampung libong gamot na libre, para sa mga sundalong mga karaniwang tao lamang.

avataravatar
Next chapter